2021 NAT’L BUDGET MADE-DELAY SA PORK WAR

HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na muling ma-delay ang pagpapatibay sa 2021 national budget na nagkakahalaga ng P4.506 trillion dahil sa awayan sa pork barrel.

Ang reaksyon ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ay kasunod ng hidwaan sa pagitan nina Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na nag-ugat sa pagtatanong na una kung totoong umaabot sa P11.8 billion ang pondo sa lalawigan ng huli.

“As it was before, so it is still now: Malacañang’s apparent “unequal distribution of pork slices” may derail the passage of the 2021 proposed national budget,” ani Zarate.

Unang na-delay ng 5 buwan ang 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 trillion dahil sa kontroberya sa pork barrel kaya pinirmahan lang ito ni Pangulong Duterte noong Abril 2019.

Na-delay rin ng ilang araw ang paglagda ni Duterte sa P4.1 trillion 2020 national budget dahil sa nasabi ring usapin kaya naniniwala si Zarate na mauulit ito sa 2021 national budget.

Subalit ayon sa mambabatas, hindi lang ang ilang kongresista ang kuwestiyonable ang pondo kundi mismong si Duterte dahil sa P4.5 billion confidential and intelligence funds habang P19. 1 billion naman sa National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NFT-ELCAC).

“Even the apparent disparity in the allocations of funds by the different departments, mainly the Department of Public Works and Highways (DPWH), are of course a matter of pork. This is also the reason why many lawmakers are questioning the supposed huge allocations of projects to some areas while others did not get as much,” ani Zarate.

Naniniwala rin ang mambabatas na dahil sa lumolobong pork barrel, hindi lamang ng tanggapan ng pangulo kundi ng ilang kongresista ay lumiit ang pondo para sa social services, social pension at maging ang pondo ng mga public hospital.

“As it is, it would indeed be better to realign all these pork-like allocations in, among others, the fight against COVID-19, in aid to those displaced and now jobless workers and help our children still study well under these current conditions,” ani Zarate

WALANG KUDETA

Samantala, nabigo ang mga nag-aabang sa pagpapalit ng liderato sa Kamara matapos hindi mangyari ang inaasahang eksena sa session ng mga mambabatas nitong Lunes.

Halos lahat ay nakatutok sa sesyon ng Kamara kahapon at nag-aabang kung mangyayari ang unang banta ni presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte na ipadedeklara niya sa Mindanao bloc na ibakante ang speakership at deputy speakership.

Gayunpaman, sa session ng Kamara kahapon, nag-roll call at nagbasa ng order of business (OB) sa session hall kung saan 299 congressmen ang nagpa-check ng attendance.

“Session is suspended until tomorrow, September 22, 2020 at three o’clock in the afternoon,” ani President Speaker Raneo Abu matapos magbasa ng OB at mga inihaing panukalang batas at resolusyon.

Magugunita na kumalat ang text message ni Duterte hinggil sa banta nito na kakausapin ang Mindanao bloc na ipadeklarang vacant ang speakership at deputy speakership position sa Kamara sa gitna ng bangayan nina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

“Sinabihan ko kayo nananahimik lang ako kasi di na ako kinakausap nina Speaker ngayon nadamay ako.

I will ask the Mindanao bloc to declare the seats of the speaker and deputy speakers vacant ngayon Monday di mamatay ang Mindanao dahil walang budget,” ayon sa text message ni Duterte sa isang mambabatas.

Dahil dito, agad na umugong na magkakaroon ng kudeta sa Kamara subalit nilinaw ni Duterte na ang kanyang text message ay dahil sa pagkadismaya sa bangayan sa pondo ng kanyang mga kasamahan.

Sa isang panayam naman kay House appropriation committee chairman Rep. Eric Yap, nilinaw nito na hindi sinabing direkta ni Duterte na ipadedeklara niya na bakante ang Speaker post. (BERNARD TAGUINOD)

173

Related posts

Leave a Comment