VENDETTA SINISILIP SA PAGPATAY KAY FR. REGALADO

PAGHIHIGANTI dahil sa krimeng panggagahasa at pagsuporta sa pagtuligsa ng mga magsasaka sa mga namamantala sa mga ito. Ito ang dalawang pangunahing anggulo na iniimbestigahan ng pulisya ng Malaybalay, Bukidnon hinggil sa pagkamatay ni Fr. Rene Regalado. Si Regalado ay natagpuang patay noong Linggo dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo. Si Regalado ay sinampahan ng kasong panggagahasa noong Oktubre 2020 sa Lala, Lanao del Norte. Dapat sana’y nakakulong pa rin si Regalado hanggang sa kasalukuyan dahil non-bailable ang kasong rape, ngunit pansamantala siyang nakalaya dahil pinagpiyansa siya ng…

Read More

MODERN PIRATES, MODERN CONQUEROR

SA inaasta ng China sa South China Sea, wala silang ipinagkaiba sa mga pirata. Modern Pirates nga lang dahil armado sila ng mga sopistikadong kagamitang pandigma. Yung mga napapanood natin o nababasa natin tungkol sa mga pirata sa karagatan noong unang panahon ay mga maglalayag lang ang kanilang pinagnanakawan. Nagkaroon ng sequel, ­naghuhunting sila ng mga barkong lumubog para kunin ang mga ginto pati na ang sumadsad sa isang isla. Hanggang ngayon ay may mga pirata at ang pinakahuli nga ay yung mga Somali Pirates na ­inaagaw ang barko sa…

Read More

ELECTION FEVER SA CALOOCAN NAG-UMPISA NA NGA BA?

NANGANGAMOY eleksyon na ba sa Caloocan City bagaman mahigit isang taon pa bago dumating ang nakatakdang 2022 Presidential at Local Elections. Nagsimula na kasi ang kalkalan ng mga isyu laban sa mga nakaupong politiko. Tulad na lamang nitong isyu laban kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na umanoy may kinalaman sa hindi maipaliwanag na pagastos ng pondo sa siyudad. Ang tinutukoy po ng PUNA ay ang milyun-milyong piso na cash advances mula noong Disyembre 31, 2019 na hanggang ngayon ay hindi pa nali-liquidate ng Caloocan City government. Ito ay…

Read More

PULPOL NA GAWANG PANINIKTIK

GALIT na galit si Defense ­Secretary Delfin Lorenzana sa pagsasabing ipaliwanag muna ng pamunuan ng University of the Philippines (UP) ang pagkakarekrut ng New People’s Army (NPA) sa mga dating mag-aaral nito bago siya makipag-usap tungkol sa pagpapatigil niya sa umiiral na kasunduan ng UP at ng Department of National Defense (DND) hinggil sa akademikong kalayaan. Sinundan ito ng paglalabas ng mga pangalan ng mga mag-aaral na nagtapos sa UP kung saan namatay ang iba sa pakikipagbarilan sa mga militar. Ilan sa mga nabanggit ay sina Atty. Alex Padilla, Elmer…

Read More

FRONTLINERS, SENIORS, MAHIHIRAP PRAYORIDAD SA NAVOTAS COVAX

INIHAYAG ni Navotas City Mayor kay Mayor Toby Tiangco na prayoridad sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lungsod ang mga frontline health workers, indigent senior citizens, iba pang senior citizens at indigent population ng lungsod. Bukod sa mga nabanggit, bibigyang-prayoridad din ang uniformed personnel, mga guro at school health workers, lahat ng government workers, essential workers sa agrikultura, food industry, transportasyon at turismo, mga nakakulong, PWDs, mga residenteng nakatira sa matataong lugar, overseas Filipino workers (OFWs), iba pang manggagawa at mga mag-aaral. “Hindi po sabay-sabay ang pagdating ng bakuna kaya…

Read More

4 ARESTADO SA P1.2-M SHABU

KALABOSO ang top drug personality ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang inguso ng tatlong dati nang sumabit sa droga na naunang nahuli nang makumpiskahan ang mga dinakip ng higit P1.2 milyong halaga ng shabu sa hiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Naunang isagawa ang operasyon sa #194 Heroes Del 96, Brgy. 74, Zone 7, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kina Jesy Boy Cruz, 38; Prince Kevin Esteve, 25, at Marlon Yuki, 36, pawang dati nang nakulong dahil sa droga at nakalaya sa…

Read More

MAG-ASAWA PATAY SA KOTSE

KAPWA namatay ang mag-asawang lulan ng motorsiklo habang sugatan ang isa pang rider nang mabundol ng kasunod nilang kotse sa España Blvd., Sampaloc, Manila, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles. Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Emilson Paguio, 58, at Anna Marie Paguio, 57, kapwa residente sa Governor Pascual St., Tinejeros, Makati City. Samantala, sugatan naman ang isa pang rider na si Gerry Barangay Y Flores ng Julian Felipe St., Caloocan City. Kalaboso naman at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, physical injuries at 3 counts ng…

Read More

Kitang-kita sa CCTV SALVAGE VICTIM HINULOG SA VAN

KITANG-KITA sa CCTV kung papaano inihulog mula sa isang puting van ang isang hindi kilalang biktima na nang makitang gumagalaw pa ay muling pinagbabaril ng suspek noong Miyerkoles ng madaling araw sa Paco, Manila. Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40-anyos ang biktima, may taas na 5’7, katamtaman ang kulay ng balat, medium built, nakasuot ng pulang t-shirt at puting shortpants. Base sa ulat ni Det. Arvin Bautista na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:17 ng madaling araw nang mamataan ang isang puting Mitsubishi…

Read More

233 OPEN DUMPSITES IPINASARA NG DENR

UMAABOT pa sa 233 nakaladlad na imbakan ng mga basura ang pinasasaraduhan ni Environment Secretary Roy Cimatu. Sa Marso ng kasalukuyang taon ang palugit na ibinigay ni Cimatu sa pagpapasara ng 233 imbakan ng mga basura na lantarang nakabuyangyang. Si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary for Solid Waste Management Benny Antiporda ang nakatoka sa trabahong ito. Lubos na naniniwala si Cimatu na natutupad at matatapos ni Antiporda ang trabaho nito dahil nasimulan na ng opisyal ang pagpapasara ng open dumpsites sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Ang…

Read More