KALABOSO sa MPD Police Station 9 sa Malate, Manila noong Lunes ng umaga, ang isang 31-anyos na mister makaraang magwala at manutok ng .45 kalibre ng baril sa staff ng isang recruitment agency para sapilitang pauwiin ang kanyang misis na nagtatrabaho sa Saudi Arabia, na nabalitaan ng suspek na umano’y nanlalaki. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10691 (illegal possession of firearms) at grave threat ang suspek na kinilalang si Eufrecino Dereje, magsasaka, at residente sa Brgy. Looc, Nasugbu, Batangas. Base sa pahayag ni Christine Arizo, 32, may asawa, documentation…
Read MoreMonth: January 2021
NAVOTAS COVID GROWTH RATE, PUMALO SA 13.6%
ISA na namang lugar sa Navotas ang kinailangang i-lockdown matapos magkaroon ng apat na residenteng positibo sa COVID-19, ayon kay Mayor Toby Tiangco. “Nagtala rin po tayo ng 13.46% growth rate sa ating mga kaso sa pagitan lamang ng dalawang linggo,” dagdag pa ng alkalde. Isa naman ang nagpositibo sa nasabing nakamamatay na sakit noong Enero 25 habang tatlo ang gumaling. Hanggang alas-3:00 ng hapon ng nasabing petsa ay 5,581 na ang tinamaan ng COVID sa siyudad. Mula sa bilang na ito ay 5,336 na ang gumaling, 173 ang namatay…
Read MoreSa pag-atake sa mga pamantasan DND AT AFP, NAGSASAYANG LANG NG ORAS
IGINIIT ng pinuno ng pinakamalaking alyansa ng mga pederasyon at unyon ng mga manggagawa sa bansa na “pagsasayang ng oras” ang kontra-komunistang kampanya ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga pamantasan. Ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng NAGKAISA Labor Coalition, hindi lamang sa Pilipinas ang mayroong mga unibersidad na bawal basta-basta pumasok, maglunsad ng operasyon at manghuli ang sandatahang lakas nito, ng mga mag-aaral, propesor at mga opisyal ng pamantasan, kundi maging sa maraming bansa sa daigdig. Mahigit 40…
Read MoreIbenta ng palugi sa constituents LGUs DAPAT BUMILI NG AGRI PRODUCTS
INIREKOMENDA ng isang mambabatas sa Kamara sa national at lalo na sa local government units (LGUs) na sila na lamang ang bumili ng mga produkto ng mga magsasaka at ibenta ito ng palugi sa mga consumer. Ito ang nakikitang solusyon ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate imbes na magpatupad ng price freeze ang gobyerno na posibleng indahin naman ng mga producer lalo na sa livestock. Ginawa aniya ito ng mga LGU at national government noong unang bahagi ng lockdown dahil sa pandemya sa COVID-19 kaya hindi tumaas ang presyo…
Read MoreCOMPUTERIZATION SA BIR PINAGAAN SA TAXPAYERS
PINAGAAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang proseso sa paggamit ng taxpayers ng mga sistema nitong kompyuterisado. Sabi ng BIR, ang mga magbabayad ng buwis na gumagamit ng Computerized Accounting System (CAS), Computerized Books of Accounts (CBA) at/o components nito, kabilang ang Electronic Storage System (ESS), Middleware at iba pang kaparehong mga sistema ay hindi na kinakailangan ng Permit to Use (PTU). Sa halip, ang taxpayers “shall simply register the system with the Bureau by submitting certain documentary requirements (specified in Annex A of the Circular) to the Revenue…
Read MoreONLINE REGISTRATION SA VCVAX, SIMULA NA
HINIMOK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”. Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccination Registration” button. Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, mag-register. Sagutan ang online form at mag-upload ng larawan ng anumang government issued ID. Ang kasunod na hakbang ay pindutin ang checkbox bilang pagsang-ayon sa “Privacy Notice and…
Read MoreMALOLOS TO TUTUBAN 35 MINUTES NA LANG
SA 24/7 work construction schedule, malapit nang matapos ang pinakahihintay na PNR Clark Phase 1 (Malolos to Tutuban) segment ng malaking North South Commuter Railway (NSCR) project. Ayon sa report, ang overall progress rate ay nasa 42.66% hanggang Disyembre 31, 2020. Sa gitna ng kasalukuyang pandemic, ang konstruksyon ng nasabing proyekto ay magpapatuloy sa ilalim ng mahigpit na implementasyon ng health protocols, kasama na ang konstruksyon ng temporary access roads, temporary bridges, temporary facilities, gayundin ang ‘bored piling works, structural excavation works, and fabrication of precast segment’. Ito ay 38-km…
Read MoreEX-CAFGU NA SUSPEK SA RAPE, TIMBOG SA PNP-AKG
ISANG dating kagawad ng Civilian Armed Auxiliary na may mga kaso ng panggagahasa, ang nadakip ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa Purok Mars, Brgy. Venus, sa bayan ng Sergio Osmeña, sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte noong Lunes ng gabi. Ayon kay P/Maj. Ronaldo Lumactod, PNP-AKG spokesman, bandang alas-9:00 noong Lunes ng gabi ay nadakip ng kanilang mga tauhan ang suspek na si Rochel Macasandag Enanyog, dating miyembro ng CAFGU at itinuturing na no. 4 most wanted sa person sa…
Read More3 ARESTADO SA BASURA SA CAVITE
CAVITE – Inaresto ng mga tauhan ng Cavite Police sa bayan ng Tanza, ang driver at mga helper ng isang dump truck na puno ng basura dahil walang kaukulang dokumento. Kinilala ang mga inaresto na sina Victor Yurado, driver, 29, at mga helper nitong sina Nelson Galit, 36, at Ricardo Corre, 39, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 48, Parag. 13 (Ecological Waste Management Act) na isinampa ng Tanza Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO). Sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagaro ng Tanza Municipal Police, dakong alas-7:00 noong Lunes…
Read More