Sanggol himalang nakaligtas MOTORSIKLO SINURO NG TRUCK, 4 PATAY

ZAMBOANGA Sibugay – Apat katao ang namatay kabilang ang isang 4-anyos na bata, makaraang banggain ng pick-up truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bayan ng Upper Tungawan sa lalawigang ito, noong Lunes ng tanghali. Ayon sa ulat ng PNP-Police Regional Office-9, kinilala ang mga namatay sa insidente na sina Zian Arquiza, 4-anyos; Arnold Arquiza, Hazel Pepito Wamilda, at ang driver ng motorsiklo na si Diosdado Villaruez. Mapalad namang nakaligtas ang isang taong gulang na sanggol na angkas din ng motorsiklo. Lumitaw sa pagsisiyasat, nawalan ng kontrol sa kanyang sasakyan ang…

Read More

2 TULAK KUMASA SA PARAK, TODAS

BULACAN – Dalawang drug dealer ang napatay nang piliing manlaban kaysa magpahuli nang buhay sa pinagsanib na puwersa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at Bustos Police, sa buy-bust operation sa Barangay Talampas, bayan ng Bustos, habang 24 pang drug suspect ang nadakip sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa lalawigang ito, noong Lunes. Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang isa sa napatay na si alyas Harly habang hindi pa nakikilala ang kasama nito, kapwa hindi umabot nang buhay sa pagamutan. Pasado alas-3:00 ng…

Read More

NOMINASYON PARA CCP 13 ARTISTS AWARDS 2021, BUKAS NA

Ang Cultural Center of the Philippines (CCP), sa pamamagitan ng kanilang Visual Arts and Museum Division ay tumatanggap ngayon ng mga nominasyon para sa 2021 Thirteen Artists Awards. Dahil ito ang unang presentasyon sa nakalipas na 50 taon, ang THIRTEEN ARTISTS AWARDS (TAA) ay nagsimula bilang isang curatorial project ng CCP Museum sa ilalim ng pamumuno unang curator na si Roberto Chabet. Itinatag ang TAA upang ipamalas ang mga obra ng mga artistang may pagnanais na “Muling ayusin, muling higpitan at baguhin ang paggawa ng sining at pag-iisip ng sining……

Read More

PAGPAYAG NG IATF NA MAKALABAS ANG MGA EDAD 10-14 BINAWI NI DIGONG

BINAWI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mga kabataang may edad 10 hanggang 14 sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) na lumabas-labas ng bahay simula sa Pebrero 1. “Yung restrictions na lifting the age for 10 to 14 age group sa MGCQ areas na palabasin na ‘yung mga 10 to 14, I am compelled. It has nothing to do with their incompetence, not at all. Ang akin is a precaution because there is or…

Read More

DA HUMIRIT NG PRICE FREEZE KAY DUTERTE

TIWALA si Presidential spokesperson Harry Roque na gagawa ng tamang desisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inilatag na rekomendasyon ng Department of Agricuture (DA) na magpatupad ng P270 hanggang P300 na price freeze sa mga karne ng baboy sa merkado. “Well, sa akin po that is a recommendation made for the president and I trust the president will make the right decision,” ayon kay Sec. Roque. Para naman kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, bahala na si Pangulong Duterte sa rekomendasyon na ito ng DA. “We leave it…

Read More

Political clout ng pamilya ng ex-House Speaker masusubok JINKEE VS CAYETANO SA TAGUIG?

(BERNARD TAGUINOD) MAUGONG na tatakbo sa susunod na eleksyon ang misis ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee. Gayunpaman, hindi pa malinaw kung sa mayoralty o congressional race sa Taguig-Pateros tatakbo si Jinkee o magse-senador lalo na kung tutuloy ang kanyang mister sa presidential race sa susunod na halalan. Ang pag-ugong ng pagbabalik-pulitika ng misis ng senador ay kasunod ng kumalat na post sa Taguig-Pateros social media page ukol sa larawan ni Mrs. Pacquiao. Nasa itaas ang malaking larawan ni Jinkee at mga larawan naman ng mga…

Read More

Tulad ng mga nagdaang administrasyon PANELO ‘DI MAPIGIL ANG GANID

(BERNARD TAGUINOD) “KAPAG nakatikim ng power ayaw nang bitawan.” Ganito inilarawan ng isang administration congressman ang pagtutulak ng grupo ni Presidential Legal Council Salvador Panelo sa “Duterte-Duterte 2022” o tambalan ng mag-amang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte sa susunod na eleksyon. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ilunsad ni Panelo ang “Duterte-Duterte Tandem in 2022” sa Bayambang, Pangasinan noong Sabado, Enero 23, 2021. Kung matutuloy ang tambalang ito, si Mayor Sara ang tatakbong pangulo dahil hindi na maaaring tumakbo para sa ikalawang termino ang kanyang…

Read More

INFORMATION CAMPAIGN SA COVID-19 VACCINES DI RAMDAM

HINDI lang ang pagkumbinse sa mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19 ang dapat gawin ng national government lalo na ang Department of Health (DOH) kundi dapat ay ipaalam ito sa publiko na libre ang bakunang ito. Bakit? May natanggap akong impormasyon na sa ilang lugar lalo na sa mga probinsya, ikinakalat na ang impormasyon na isa lang sa dalawang bakuna ang libre at ang natitirang isa ay kailangang magbayad na ang mga tao. Upang maging immune raw sa COVID-19 kailangang maturukan ng dalawang beses sa loob ng halos isang…

Read More

HAYAHAY ANG BUHAY SA PANG-EKONOMIYANG PROYEKTO

MALAKI ang maitutulong ng pagbubukas ng 18 kilometro na Metro Manila Skyway Stage 3 project sa pagluwag ng trapiko sa kahabaan ng EDSA. Magdudugtong ang elevated expressways sa South Luzon ­Expressway (SLEX) mula sa Buendia, Makati sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, Quezon City. May 55,000 motorista mula Makati ang makakarating sa ­Balintawak sa loob na lamang ng 30-minuto araw-araw kumpara sa dating 2 oras na pagbibiyahe sa EDSA dahil sa sobrang sikip ng trapiko. Kaya naman pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Public Works and Highways…

Read More