15 NADAGDAG SA COVID CASES SA MALABON

ISA na naman ang namatay dahil sa COVID-19 sa Barangay Panghulo, Malabon City noong Enero 22. Bukod dito, ayon sa City Health Department, 15 ang nadagdag na confirmed cases at 6,226 na ang positive cases sa lungsod, 61 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangays Baritan (1), Catmon (1), Maysilo (3), Panghulo (1), Potrero (8), at San Agustin (1). Sa kabilang banda, 15 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Catmon (1), Dampalit (1), Hulong Duhat (1), Ibaba (2),…

Read More

NAVOTAS, VALENZUELA KASADO NA SA BAKUNA

NAGHAHANDA na ang lokal na pamahalaan ng mga lungsod ng Navotas at Valenzuela sa paglalagyan nila ng kanilang mga bakuna sa COVID-19 bago ang pagdating nito sa bansa. Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, bumili ang pamahalaang lungsod ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, at ng dalawang ultra-low temperature freezer na may temperaturang hanggang -86℃. Aniya, ang refrigerator ay maglalaman ng mga diluent o panghalo sa bakuna, at isa sa dalawang freezer ay na-deliver na. Ang bawat freezer ay maaaring maglaman ng 23,400 hanggang 35,100 vials ng bakuna. “Tatlong…

Read More

BIYUDA, 8 PA TIMBOG SA’SHABU PICNIC’

SWAK sa karsel humantong ang isang biyuda at anim na mangingisda nang animo mga turistang nagtipon-tipon sa isang bangka na parang magpi-picnic ngunit mabulagang nagsusugal nakumpiskahan ng umano’y shabu sa Navotas City. Ibinalibag sa selda at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sina Marilyn Blance, 55, biyuda; Norlito Faustino, 47; Angelito Lee, 43; at kapatid nito na si Manuel Lee, 51, pawang mangingisda. Nahaharap naman sa kasong illegal gambling ang tatlong pang mangingisdang sina Elmer Laurente, 56; Artemio Linehan, 45; at Celso Cahilig, 48. Ayon…

Read More

MOST WANTED SA MAYNILA, NALAMBAT

NABAWASAN na naman ang talaan ng most wanted sa batas makaaang malambat ang isang 39-anyos na jobless sa kasong robbery matapos mamataan ng mga tauhan ng Manila Police District sa panulukan ng Pilapil at Prudencia streets sakop ng Brgy. 51, Zone 4, Dagupan, Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Sabado. Kinilala ang suspek na si Renan Urayenza y Nadua, may live-in partner, naninirahan sa #807 Coral St., Dagupan, Tondo. Si Urayensa ay top 4 most wanted person sa area ng Tondo. Ayon sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng…

Read More

MAINTENANCE PERSONNEL PATAY SA SUNOG

NAMATAY ang isang 42-anyos na maintenance personnel ng SVD Catholic Trade nang ma-trap sa nasusunog gusali sa isang compound sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ni Arson investigator SFO3 Edilberto Cruz ng San Lazaro Fire Station, ang biktimang si Sonny Globio, binata, stay-in sa #1916 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila. Base sa pagsisiyasat ng Arson Division, bandang alas-2:48 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na idineklarang 1st alarm dakong alas-2:50 ng madaling araw at alas-3:06 ng madaling araw nang ideklrang fire-out. Hindi umano…

Read More

Pang-6 sa loob ng 1 linggo 2 PANG BANGKAY, ITINAPON SA BANGIN SA LAGUNA

Dalawa na namang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang nadiskubreng itinapon sa bangin sa Cavinti, Laguna Sabado ng umaga. Hinala ng pulisya, mga biktima summary execution ang dalawa na nadiskubreng nasa ilalim ng bangin sa gilid ng highway sa Barangay Anglas alas-10:00 ng umaga. Ayon sa Cavinti police, may mga tama ng bala ang dalawa at narekober din sa lugar ang mga basyo ng kalibre 45 baril. Batay sa tala ng Laguna PNP, ito na ang pangatlong pares ng mga natatagpuang bangkay na lahat ay hinihinalang biktima ng salvage…

Read More

BABAE NAHAGIP NG JEEP, PATAY

CAVITE – Minalas ang isang 35-anyos na babae nang mahagip ng isang pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Isinugod sa Gen. Trias Maternity Hospital ang biktimang si Jocelyn Fulgencio ngunit dakong ala-1:30 ng umaga nang ideklara itong patay na. Hawak na ng pulisya ang driver ng ng Isuzu jeepney na may plakang DLH 411, na si Rodrigo Puri, 26-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-12:05 ng madaling araw nitong Sabado nang mangyari ang insidente.…

Read More

3 TULAK TODAS SA BUY-BUST

CAVITE – Patay ang tatlong hinihinalang tulak matapos nakipag-palitan ng putok sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan. Kinilala ang mga napatay na sina Jomarie Hara, alyas “Jojo Muslim”, 24, ng Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City; Reymark Chaves, alyas Mac-Mac, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite, at Jeffrie Cornejo, alyas Jeff, tinatayang 35-40 anyos, ng Gen. Mariano Alvarez (GMA). Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong ala-1:30 noong Biyernes ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation…

Read More

LOLO NA DADALO SA BUROL, SINUNDO NI KAMATAYAN

CAVITE – Pinaglalamayan na ang 76-anyos na lalaki nang masagasaan ng motorsiklo habang papatawid patungo sa simbahan kung saan ibuburol ang kanyang kamag-anak sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito. Isinugod sa Poblete Hospital ang biktimang si Fernando Catacutan, may asawa, ng Brgy. Taywanak, Ilaya, Alfonso, Cavite ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa matinding pinsala sa ulo, habang hawak na ng pulisya ang driver ng motorsiklo na si Rey Laurio, 36, construction worker, ng Brgy. Taywanak, Ibaba, Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Boyet Soriano ng Alfonso…

Read More