Dahil sa dinoktor na covid test results LABORATORYO SA VALENZUELA IPINASARA

IPINASARA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at sinuspinde ang business permit ng kontrobersyal na Bestcare Medical Clinic and Diagnostic Center, Inc. sa gitna ng mga ulat na nag-aalok ito ng Reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) swab tests nang walang lisensya bilang accredited COVID-19 testing facility. Nilagdaan ni Mayor Rex Gatchalian ang Executive Orders No. 015 at 016 Series of 2021 kung saan nakasaad ang suspensyon ng permit at pagpapakandado ng dalawang sangay ng Bestcare sa Barangay Karuhatan. Ayon sa pahayag ng Pamahalaang Lungsod, lumabag din ang Bestcare sa mga probisyon…

Read More

AKTIBIDAD SA CHINESE NEW YEAR KANSELADO

MARIING ipinag-utos Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na kanselahin ang lahat ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Maynila sa Pebrero 11 at 12. Anunsyo ng alkalde, hindi maaaring magsagawa ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng Chinese New Year para maiwasan ang COVID-19 outbreaks at hindi masayang ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na mapigilan ang paglaganap ng virus. Sa ilalim ng nilagdaang Executive Order No. 4, series of 2021 ng alkalde, mahigpit na ipinagbabawal ang street party, stage show, parade, o katulad na aktibidad sa…

Read More

MALACANANG NAKIKIRAMAY SA PAGPANAW NI PACC CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, mahal sa buhay at mga kasamahan sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa pagpanaw ni PACC chair Dante Jimenez dahil sa aortic aneurysm, kagabi, Enero 29, 2021. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, inilaan ni PACC Chair Jimenez ang kanyang produktibong buhay sa pagtataguyod ng makatuwiran at mapayapang lipunan para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng paglaban sa kriminalidad at korapsyon. Naniniwala si Jimenez at ibinahagi nito ang centerpiece program ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kampanya laban sa ilegal na droga, krimen at korapsyon…

Read More

BAKIT DI PINAPANSIN ANG OIL PRICE HIKE?

MULA nang pumasok ang buwan ng Enero, linggo-linggo ay nagpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis pero parang walang pakiaalam ang mga ahensya ng gobyerno lalo na ang Department of Energy (DOE). Wala akong alam sa negosyong ‘yan pero bilang ordinaryong observer, hindi ba mayroong umiiral na law of demand and supply? Kung mababa ang supply, tataas ang presyo pero kapag mababa ang demand, dapat bumababa ang presyo. Parang hindi umiiral ito sa ating bansa dahil tiyak na mababa pa ang demand sa langis dahil hindi pa…

Read More

HIRAP NG BUHAY DAMAY NA ANG MGA NEGOSYANTE

HINDI lang mga ordinaryong mamamayan ang nakakaramdam ng hirap ngayon kundi maging ang mga negosyante. Sa nakuhang impormasyon ng PUNA maging ang car dealers o mga negosyante na nagbebenta ng mga sasakyan ay apektado na rin ng krisis. Sa katunayan noong nakaraang taon (2020) ay nakapagtala sila ng 20 hanggang 52 porsyento nang pagbagsak ng kanilang car sales. Kung pagkukumparahin ang 2020, umabot sa mahigit kumulang 330,000 units lang ang naibenta ng mga car dealers samantalang noong 2019 ay umabot daw ito lagpas 415,000. Kabilang sa naging dahilan ay ang…

Read More

RFID overcharging pinareresolba ni Defensor MOTORISTA ‘NINANAKAWAN’ SA NLEX

(BERNARD TAGUINOD) KINALAMPAG ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang North Luzon Expressway (NLEX) na resolbahin ang reklamo ng mga motorista hinggil sa overcharging ng Easytrip radio frequency identification (RFID) system. Ginawa ng mambabatas ang pangangalampag matapos maglabas ng kanilang mga hinaing sa social media ang mga motoristang dumaraan sa NLEX sa pag-asang pansinin ang mga ito ng NLEX operator at maging ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB). Ayon kay Defensor, pangunahin sa reklamo ng mga motoristang dumaraan sa NLEX na binabawas sa kanilang RFID account…

Read More

AFP J7 CHIEF NAGHAIN NG LEAVE OF ABSENCE

NAGHAIN ng leave of absence ang pinuno ng AFP Civil Military Operation o AFP J7 na sinasabing naglabas ng mali-maling listahan ng mga alumni ng University of the Philippines na miyembro umano ng New People’s Army (NPA). Bagamat sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na ito kailangan lalo pa at sinibak na niya sa puwesto si MGen Alex Luna, Deputy Chief of Staff for Intelligence, J2, na siya umanong pinagmulan at nagpasa sa J7 ng basurang dokumento ay tinanggap ng pamunuan ng Hukbong Sandatahan ang inihaing pansamantalang pamamaalam…

Read More

Hirit sa Kamara sa gitna ng ‘palpak’ na NPA list SPECIAL AUDIT SA AFP INTEL FUND

(BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG malaman ng taumbayan kung paano at saan ginagasta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang intelligence fund. Ito ang nais tumbukin ng isang mambabatas kaya hiniling na magsagawa ng special audit sa intelligence fund ng AFP. Lalo umanong napatunayan na hindi nagagamit nang maayos ang pondo dahil sa kapalpakan ng tanggapan ni AFP deputy chief of staff for intelligence Maj. Gen. Alex Luna. “Dapat ding isagawa na ang special audit ng intelligence funds, at huwag waldasin sa pasismo ang pondo ng bayan,” ayon pa kay…

Read More

LALABAG SA MOBILE NUMBER PORTABILITY ACT PARUSAHAN

DALA ng kasalukuyang sitwasyon, nagbabala si Senador Win Gatchalian sa telecommunication companies na madaliin na ang pagpapatupad ng Mobile Number Portability Act (MNPA) na layong payagan ang mga subscriber na lumipat sa ibang service provider nang libre at hindi na kailangan pang palitan ang kasalukuyang cellphone number. “Sa panahon ngayon na nakadepende ang lahat ng galaw natin sa serbisyo ng mga telcos, wala nang dapat sagabal pa sa pagpapalit ng service provider lalo na kung nais nating lumipat sa kumpanyang may mas maayos na pamamalakad,” ayon kay Gatchalian na siyang…

Read More