PINALAGAN ng ilang meat vendor ang planong price freeze na ilalabas ni Pangulong Duterte upang maawat ang patuloy na pagmahal ng presyo ng karneng baboy at manok. Para sa mga meat vendor, hindi umano nila ito kakayaning sundan. “Ang tanong ko lang po sino ang ipa-price freeze? Kaming vendors? Parang hindi po tama na kami ang i-price freeze nila kasi kami po ay sumusunod lang sa takbo ng produkto. Wala ho kaming power na itaas ang kalakal namin sa kagustuhan namin,” ani Ricky Delgado, pork dealer sa Quinta Market sa…
Read MoreMonth: January 2021
SUPERVISOR NG BUS COMPANY, 1 PA NILIKIDA
MAGUINDANAO – Inaalam ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa paglikida sa bagong talagang area supervisor ng Mindanao Star Bus (MSB) at kasamahan nito sa lalawigang ito. Sa police report, kinilala ang mga biktimang sina Datu Khalid Mamasabulod Matalam, may asawa at residente ng Barangay Layog Pagalungan Maguindanao, at isang alyas Dhats Imbran. Nabatid na si Matalam ay katatalaga lamang bilang area supervisor ng kumpanya kapalit ni Datu Ali Mantil na pinatay rin ng hindi pa kilalang suspek. Kamakailan lang ay binaril at napatay si Datu Ali Mantil sa Barangay…
Read MoreKonsehal tinangkang ibudol-budol LALAKING NAG-ALOK NG PAMPABWENAS, MINALAS
INABOT ng kamalasan ang isang lalaking nagmula pa sa Cavite at dumayo sa lalawigan ng Quezon para magbenta ng umano’y pampaswerteng items, nang madiskubreng pekeng gold items ang ibinebenta nito. Arestado sa entrapment operation sa Barangay Pansoy, San Andres, Quezon ang suspek na si Joven Alcantara, ng Barangay Talaba, Bacoor City, matapos tanggapin nito ang halagang P3,000 mula sa municipal councilor na si Edgar Lingahan kapalit ng isang umano’y gold item noong Miyerkoles ng hapon. Isinagawa ng San Andres Police ang entrapment operation matapos ireklamo ang suspek ng 12 residente…
Read MoreGUN FOR HIRE BULAGTA SA BUY-BUST
BATANGAS – Patay ang isang miyembro ng gun for hire group na umano ay isang ring tulak ng ilegal na droga, makaraang makipagbarilan sa buy-bust operation ng mga pulis sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi, Kinilala ng San Juan Police ang napatay na si Carding Mendoza, miyembro ng Michael Florendo gun for hire group na nag-o-operate sa 4th district ng Batangas at mga karatig probinsya ng Quezon at Laguna. Ayon sa pulisya, nasa watchlist din ng Directorate for Intelligence (DI) ng PNP ang nasabing…
Read More60% TAGUIG RESIDENTS TARGET MABAKUNAHAN
TARGET ng pamahalaang lokal ng Taguig City na mabakunahan ang mahigit 600,000 residente nito, mula sa populasyong aabot sa isang milyon, laban sa coronavirus disease. Sa dry run ng COVID-19 vaccination sa Lakeshore Complex, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City, sinabi ni Taguig Mayor Lino Cayetano na na pinakikilos na niya ang 716 medical personnel na kinabibilangan ng mga doctor, nurse, at iba pang public health workers na may kakayahan na magbakuna sa mga residente ng lungsod. Karagdagan dito ang 400 special team na binubuo ng tiglilimang miyembro na magsasagawa ng…
Read More10 DRUG SUSPECTS HULI SA QCPD, PDEA
HULI sa pinagsamang mga tauhan ng iba’t ibang police station sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO-NCR) ang sampung drug suspects sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa lungsod na ito, noong Miyerkoles. Ayon kay QCPD Director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin ang arestadong mga suspek ay sina Alexander Gonzales, 43, nahuli sa Brgy. Quirino at nakumpiskahan ng 14 gramo ng shabu na tinatayang P95,200 ang halaga, at Marlon Taguinod, 30, nalambat ng Loma Police Station (PS 1) at nakumpiskahan ng P34,000 halaga ng…
Read MoreMalabon nadagdagan ng anim VALENZUELA ACTIVE COVID CASES SUMIPA SA 186
MULING sumipa sa 186 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City hanggang alas-12:00 ng hapon noong Enero 27. Sumampa na sa 9,163 ang confirmed cases sa lungsod makaraang 55 ang madagdag sa mga nagpositibo, ayon sa Epidemiology and Surveillance Unit ng City Health Office. Sa kabilang banda, 8,713 na ang nakarekober sa siyudad matapos na madagdagan ng 28 ang mga gumaling. Sa kabutihang palad ay walang nadagdag sa 264 na mga namatay sa lungsod dahil sa pandemya. Samantala, patay ang isang COVID-19 patient sa Barangay Catmon, Malabon City noong…
Read MoreDACERA CASE, ‘DI PA SARADO
HINDI pa sarado ang kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera kahit na mayroong autopsy report ang Philippine National Police (PNP) na nagdeklarang hindi ginahasa at lalong hindi pinatay ang 24-anyos na flight attendant ng sinumang nakasama niya New Year’s Party sa City Garden Grand Hotel sa Lungsod ng Makati. Ayon sa piskalya ng Makati, hihintayin pa nila ang sagot ng pamilya Dacera hinggil sa pananaw ng PNP. Ipinarating ng abogado ng pamilya Dacera na pag-aaralan nito nang maigi ang autopsy report na ipinasa ng PNP sa piskalya ng Makati. Sa…
Read MoreTOP 1 MOST WANTED SA LAGUNA, ARESTADO
NAARESTO ang Top 1 Most Wanted Person ng Laguna kahapon ng tanghali sa Sitio 4, Barangay Oogong, Santa Cruz, sa lalawigang ito. Kinilala ni Regional Highway Patrol Unit (RHPU) Regional Chief PLt Col. Sam Belmonte ang suspek na si Edilberto Balatian y Fernandez. Isinilbi sa suspek ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) na pinangunahan ni Pmaj. Charlie Reyes at ng Santa Cruz Municipal Police Station, ala-1:45 ng tanghali ang warrant of arrest para sa kasong Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa. Nakapiit na ang suspek sa Santa Cruz MPS para…
Read More