(ESTONG REYES) LATAY kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Senador Manny Pacquiao na korapsiyon ang dahilan kaya laganap ang insurhensiya sa Pilipinas na nagpalubog sa kahirapan sa mamamayan sa kanayunan. Sa ginanap na maikling seremonya sa presentasyon ng 130 Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) surrenderees sa 88th Infantry Battalion Headquarters sa Maramag, Bukidnon, sinabi ni Pacquiao na korapsiyon ang dahilan kung bakit kapos sa edukasyon, walang imprastruktura at disenteng hanapbuhay sa kanayunan. Aniya, kaya madaling nahihikayat ang mga Lumad na kalabanin ang pamahalaan dahil sa…
Read MoreMonth: February 2021
Kung napaglaruan sa QC shootout PNP-PDEA PANIS SA DRUG LORDS *House, Senate probe pinatiklop ni Digong
(BERNARD TAGUINOD) MANGANGAHULUGAN na nakalalamang sa taktika ang mga drug lord kaysa law enforcement agencies kung kaya silang paglaruan ng mga ito tulad ng pinalalabas sa nangyaring barilan ng mga tauhan ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong isang linggo. “Are they telling us now that the drug syndicates are better and have higher IQ than our police and PDEA? The criminals now outsmart our law enforcers?” Ito ang ibinatong tanong ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo sa Philippine National Police (PNP) at PDEA matapos…
Read MoreUNIFORM TRAVEL PROTOCOLS SA LGUs
INAPRUBAHAN na rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs). Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at League of Cities of the Philippines. Binanggit ni Presidential spokesperson Harry Roque ang ilang salient provisions ng nasabing travel protocol. Kabilang na aniya rito ang hindi…
Read MorePAGDATING NG UK VACCINE KINUMPIRMA
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagdating sa bansa ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines ngayong Lunes, Marso 1, bandang 12:50 ng hapon. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kabahagi ito ng first round ng inilaan na doses na makukuha ng Pilipinas mula sa COVAX facility. Mayroon aniyang inaasahan ang Pilipinas na 5.2 hanggang 9.2 milyong AstraZeneca dosages mula sa COVAX facility. “This forms part of the 44 million doses of COVAX to inoculate 20% of our population. We thank the World Health Organization (WHO), the Global Alliance for Vaccines and…
Read MoreDELIVERY NG COVID VACCINES PINATITIYAK NA WALANG HADLANG
UMAPELA si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na tiyaking wala nang makahahadlang sa delivery ng COVID-19 vaccines na ibibigay sa mahihirap, vulnerable sector at seafarers na nasa priority list ng national vaccinations program ng gobyerno. Ayon kay Go, naging positibo naman si Galvez sa apela ng seafarer groups na isama sila sa priority list. Suportado ng senador ang pakiusap ng seafarers at ng iba pang sektor na natukoy bilang mga prayoridad sa bakuna, gaya ng frontliners, mahihirap at vulnerable sectors. Ipinunto ni Go,…
Read MoreKawayan gagamitin sa pandemic recovery SOFN NI NOGRALES SUPORTADO NG KABATAAN
IKINAGALAK ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang patuloy na pagdami ng mga kabataan na sumasali sa Save Our Forest Now Movement para sa reforestation sa lalawigan ng Rizal. Kasabay nito, nais ng bagitong mambabatas na magkaroon ng kabuhayan ang mga taga-Rizal sa pamamagitan ng kawayan o bamboo na itinatanim sa mga kabundukan ng lalawigan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ayon sa mambabatas, umaabot sa 500 kabataan mula sa bayan ng Rodriguez (Montalban) ang sumali sa pagtatayo ng mahigit 1,000 bamboo sampling sa tabi ng ilog at kabundukan…
Read MoreOBRERO SA TURISMO MAY P5K SA DOLE
HINIKAYAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa sa industriya ng turismo na kunin ang kanilang ayudang pinansiyal mula sa kagawaran. Batay sa rekord ng DOLE, umabot pa lamang sa 171,000 manggagawa ng industriya ang nakakuha ng kanilang limang libong ayuda. Naglaan ng P3 bilyon ang Kongreso sa Bayanihan to Heal as One Act, o Bayanihan Act 2, para sa 600,000 manggagawa sa industriya ng turismo. Nakasaad sa Bayanihan Act 2, DOLE ang inatasang mamigay sa mga benepisyaryo ng P3 bilyon. Ngunit, sabi ni DOLE Undersecretary Dominique…
Read MoreANAK NG MAYOR, 1 PA PATAY SA AKSIDENTE
BATANGAS – Patay ang anak ng mayor ng San Pascual, Batangas at isang pedestrian sa isang vehicular accident sa National Highway sa Brgy. Soro-Soro, Batangas City noong Sabado ng hapon. Kinilala ng Batangas City Police ang biktimang sina Marc Patrick Dimayuga, 21-anyos, bunsong anak ni San Pascual Mayor Tony Dimayuga; at Nelson Gutierrez, 22-anyos, security guard, tubong Occidental Mindoro. Batay sa report ng Batangas City Police, minamaneho ng biktimang si Dimayuga ang kanyang kotse nang mawalan ito ng kontrol matapos mag-overtake sa isa pang sasakyan bandang alas-5:00 ng hapon. Nasagasaan…
Read MoreSa pagsipa ng covid cases sa Navotas ‘PALENGKE HOLIDAY’ TUWING LUNES
NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-016 na nagsasaad na tuwing Lunes, kailangang magsara ang mga public market, grocery, at talipapa para sa general cleaning at disinfection kasunod ng ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit na tumaas ng 349% ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod. Ayon sa alkalde, ang mga lugar at establisiyementong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang mapanatiling malinis ang mga ito. Patuloy rin ang panawagan ng pamahalaang lungsod na sumunod sa safety measures, kasabay ng paghingi ng pakikiisa…
Read More