PARANG tubig sa Pasig river na malabo dahil sa burak ang pag-asa ng economic charter change (Cha-Cha) na isinusulong sa Kamara hangga’t hindi pumapayag ang mga senador na sumayaw nito ngayong panahon ng pandemya. Hangga’t wala ring tiwala ang publiko sa mga pulitiko lalo na ang mga Congressmen at maging sa kasalukuyang mga lider ng bansa, eh talagang kasing labo ng tubig sa mga estero sa Metro Manila ang pag-asa ng cha-cha. Pangunahing dahilan kung bakit nagsasayaw ng cha-cha ang mga Congressmen ay para alisin ang mga restriksyon sa Saligang…
Read MoreDay: February 9, 2021
KAWAWANG JUAN DELA CRUZ LAGING BIKTIMA NG SCAM
MULI na namang nabiktima ang ating mga kababayan mula sa Mindanao ng tinatawag na investment scam. Pinapangakuan sila ng malaking porsyento o kita mula sa perang kanilang ilalagak sa mga tao na nasa likod ng mga scam. Kanya-kanyang style ang mga nasa likod ng scam para makakumbinsi sila ng maraming tao na magbibigay ng pera sa kanila. Tinataya na aabot daw ng walong bilyong piso (P8-B) ang natangay ng sindikato mula sa mga kababayan nating taga-Mindanao. Noong nakaraang Pebrero 4, 2021, Huwebes nahuli ng mga tauhan ng National Bureau of…
Read More2.8 MILYONG TRABAHO MALILIKHA NGAYONG 2021
GUSTO ko ang tudla ng administrasyong Duterte na lilikha ng 2.8 milyong trabaho ngayong 2021. Tapos, 1.2 milyon naman ang lilikhain sa 2022. Uulitin ko po, lilikhain, hindi mamadyikin ang numero. Ang nagsabi nito ay si Cabinet Secretary Karlo Nograles. Sabi ni Nograles, ang 2.8 milyong trabaho ay siyang gagawin ng labing-apat na kagawaran at dalawang tanggapang sakop ng Office of the President (OP), sa pamamagitan ng tinatawag na “National Employment Recovery Strategy” (NERS). Pokaragat na ‘yan! Ayon kay Nograles, lumagda sa Memorandum ng NERS ang Department of Labor and…
Read MoreGAGAMIT NG PEKENG SWAB TEST RESULTS, AARESTUHIN NA
ITO ang ipinag-utos ng Department of Interiors and Local Government (DILG) matapo mabatid na dumarami ang gumagamit ng mga pekeng COVID-19 swab test results. Inatasan ng DILG ang Philippine National Police na maging agresibo sa pagtunton sa mga indibiduwal o grupo na namemeke ng COVID-19 swab test results. Lubha na umanong dumarami ang ulat ng pamemeke ng swab test results para makabiyahe o makapagbakasyon, ayon kay DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece Jr. Target ni Florece na buwagin, arestuhin at kasuhan ng PNP ang mga gumagawa ng huwad na swab test result…
Read More2.8M TRABAHO INAASAHAN NGAYONG 2021
LABING-ANIM na kagawaran ang nagkasundong magtutulungan upang matiyak na mabigyan ng trabaho ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19. Ayon kay Secretary Karlo Nograles, lumagda sa memorandum ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Technological Education and Skills Development Administration (TESDA), Commission on Higher Education (CHEd), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department…
Read MoreBase sa US study – solon FACE-TO-FACE CLASSES PWEDENG IBALIK
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) at ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na pag-aralan ang mga rekomendasyon ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng United States sa pagbabalik ng face-to-face classes. Sa pahayag, tinukoy ni Gatchalian ang isang artikulo mula sa mga eksperto ng CDC nitong Enero 2021. Base sa kanilang rekomendasyon, ang muling pagkakaroon ng face-to-face classes ay posible kung mapipigilan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad at patuloy na ipatupad ang mga health protocol.…
Read MoreMAGBEBENTA NG PEKENG COVID VACCINE TUGISIN
HINIMOK ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ang lahat ng law enforcement agencies na tugisin ang mga nasa likod ng online selling ng mga peke at hindi rehistradong bakuna. Ito ay kaugnay na rin ng inaasahang pagdating sa bansa ng unang batch ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines. Ayon kay Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, hindi malayong samantalahin ng ilang tiwaling grupo o indibidwal ang pagkakataong isagawa ang kanilang ilegal na gawain kapag ganap nang magkaroon sa bansa ng COVID-19 vaccines partikular ang inorder ng gobyerno, ilang…
Read MoreHURISDIKSYON NG RTCs, MTCs PINALAWAK
APRUBADO sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na magpapalawak sa hurisdiksiyon ng first at second level courts na aamyendahan ang Judiciary Reorganization Act of 1980, o ang Batas Pambansa Blg. 129. Sa botong 22 pabor, 2 tutol at walang abstension, aprubado ang Senate Bill No. 1886, o tatawagin bilang Act Further Expanding the Jurisdiction of the Metropolitan Trial Courts (MeTCs)/ Municipal Trial Courts In Cities, Municipal Trial Courts (MTCs), And Municipal Circuit Trial Courts (MCTCs). Dalawang hakbang na lamang, maaari na itong maging ganap na batas.…
Read MoreDOE, DTI KINALAMPAG SA PEKENG LPG
KINALAMPAG ni Senador Grace Poe ang Department of Energy (DOE), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang kinauukulang ahensya na kaagad imbestigahan ang ginagawang panloloko ng mga tiwaling negosyante sa kanilang mamimili. Partikular na panawagan ng senador ang mabilis na aksyon laban sa mga negosyante na nagbebenta ng “pekeng” liquefied petroleum gas (LPG) na kalimitan ay maliliit na mamimili ang nabibiktima. Ayon kay Poe, naglipana sa merkado ang mga depektibong tangke ng LPG at walang pakialam ang ilang negosyante kung anong kapahamakan ang maaaring idulot nito sa mga…
Read More