ARESTADO sa Tarlac ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang isang American national na matagal nang wanted dahil sa ‘string of felony cases’ sa Estados Unidos. Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang puganteng 40-anyos na si John Dalton Daclan. Nadakip si Daclan noong Martes sa Brgy. San Juan, Moncada, Tarlac, ng mga miyembro ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU). Sinabi ni Morente, iniutos niyang arestuhin si Daclan matapos hilingin ng US authorities at ipabatid ang criminal records ng Kano sa US, partikular sa California na kung saan siya sinampahan…
Read MoreMonth: February 2021
PUGANTENG RAPE SUSPECT PATAY SA SHOOTOUT
BULACAN – Isang puganteng top 1 most wanted person sa bayan ng Norzagaray dahil sa 5 counts ng rape, ang napatay makaraang umano’y manlaban sa pinagsanib na tracker team ng Norzagaray Police at Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa ikinasang manhunt operation sa Barangay San Mateo sa nabanggit na bayan sa lalawigang ito, noong Huwebes. Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang suspek na si Ismael Zabala, residente sa Sitio Anahaw, Barangay San Mateo, Norzagaray. Ayon sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi…
Read MoreMakatarungang kita hirit sa Senado CARAVAN PROTEST IKINASA NG RIDERS
NAGLUNSAD kahapon ng caravan protest ang grupo ng mga rider upang ipahatid sa mga senador ang kanilang karaingan para sa makatarungang kita lalo ngayong panahon ng pandemya. Umabot sa 50 Lalamove riders ang lumahok sa protesta na sinimulan sa Pres. Quirino Granstand sa Ermita hanggang sa Senado sa lungsod ng Pasay upang maghatid ng liham sa mga senador. Nagmula ang mga rider sa Metro Manila, Cavite at Laguna at kasama nila ang Defend Jobs Philippines. Hiling ng mga ito partikular sa Senate Committee on Transportation na aksyunan na ang problema…
Read More25 COBRAS, REPTILES NASABAT SA NAIA
NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA sa DHL warehouse ang ipinupuslit na dalawang makamandag na spitting cobra, 8 pit vipers at 15 sailfin lizards na itinago sa bamboo chimes at parol na ilalabas ng bansa patungo ng Taiwan noong Huwebes, Pebrero 18. Ang mga kontrabando ay idineklarang “souvenir items” ng isang “Adriann Lim” mula sa Pasig City, at naka-consign sa isang umano’y “Ryan Su” na taga-Taiwan. Magugunitang pinuri ng Traffic Asia ang BOC Port of NAIA, noong Marso 2019 at Setyembre 2020 dahil sa…
Read MoreMuling babala ng BI DAYUHAN BAWAL LUMAHOK SA POLITICAL SA RALLY
MULING nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) na ipinagbabawal sa mga dayuhan ang paglahok sa political activity sa bansa. Ang muling pagbanggit ni BI Commissioner Jaime Morente sa pagbabawal sa mga dayuhan sa paglahok sa mga ay rali ay kasunod ng pag-iisyu ng order hinggil sa pagpapatapon sa Dutch man na si Otto Rudolf De Vries. Ayon kay Morente, ang Bureau ay nakatanggap ng impormasyon mula sa government intelligence sources na si De Vries ay aktibong simasali sa iba’t ibang protest rallies sa bansa. Lumabas sa records na si De…
Read MoreTiniyak na walang mangyayaring aberya P30-B PATUBIG TULOY – NIA
IPINANGAKO ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) na tuloy ang pagpapatupad ng halos P30 bilyong halaga ng tatlong “malalaking proyektong patubig” ngayong taon nang walang aberya. Ayon sa NIA, ang tatlong proyekto ay ang P13.37 bilyong halaga ng Tarlac Balog-Balog multipurpose, P11.2 bilyong halagang Jalaur River multipurpose sa Iloilo at P4.37 bilyong halaga ng Chico River pump irrigation sa Kalinga. Idiniin ng NIA na napakalaki ng maitutulong ng nasabing mga proyekto sa pagpapalaki ng produksiyon ng mga magsasaka at maggugulay na makikinabang sa mga proyekto. Napakahalagang aspeto ng agrikultura…
Read MoreTulong sa bagsak na ekonomiya 26 MINING FIRMS, AARANGKADA NGAYONG 2021
WALA nang mga balakid sa pagmimina ng 26 kumpanya, kaya pinahintulutan sila ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na simulan ang pagkasa sa kani-kanilang mga proyekto ngayong taon. Ayon kay MGB Director Wilfredo Moncado, naipasa na ng 26 mining firms ang mga rekesito tulad ng “mineral production sharing agreements” (MPSAs) sa ahensiya, kaya pinayagan na silang umarangkada ngayong taon ng kani-kanilang mga proyekto. Ayaw ilabas ni Moncado ang mga pangalan ng mga kumpanyang pinayagan na sa pagmimina. Sinabi nitong walo sa 26 kumpanya ay metallic mines ang mga proyekto, samantalang…
Read More2 TIRADOR NG MOTOR, BULAGTA SA PULIS
PATAY sa mga tauhan ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang umano’y tirador ng motorsiklo, makaraang makipalitan ng putok sa mga awtoridad sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga. Ayon kay QCPD Director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin, ang dalawang suspek na hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ay napatay dakong alas-1:20 ng umaga nitong Biyernes sa Payatas Road, Group 5, Payatas B, Brgy. Payatas, Quezon City. Bago ang insidente, isang Emmanuel Montefalcon ang nag-report sa Holy Spirit Police Station (PS-14), sa ilalim ng pamumuno…
Read MorePULIS DINUKOT NG 10 ARMADO
TINATAYANG 10 armadong kalalakihan ang dumukot umano sa isang miyembro ng Manila Police District sa panulukan ng San Fernando at Sto. Cristo streets sa Binondo, Manila noong Huwebes ng hapon. Ang biktimang si P/Cpl. Allan Hilario, nakatalaga sa Meisic Police Station 11, ay dinukot umano ng kalalakihang armado ng matataas na kalibre ng baril, na pawang nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalon, itim na sapatos, itim na gloves at itim na bonnet. Batay sa ulat ng San Nicolas Police Community Precinct, sakop ng MPD-Station 11, bandang alas-2:05 ng…
Read More