HINIMOK ni House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st Dist. Rep. Mark Enverga ang pamahalaan na taasan ang kompensasyon sa mga hog producer at raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF). Kasabay ito nang pagpuri ni Enverga sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran ang mga hog farmer sa bawat baboy na mamamatay dahil sa ASF. Sa kasalukuyan ay nagbabayad ang DA ng P5,000 sa bawat baboy na may ASF o isasailalim sa culling para mapigilan nang tuluyan ang pagkalat ng virus. Kasabay nito ay…
Read MoreMonth: February 2021
SENIOR CITIZENS, NAGPASALAMAT SA PINAGAAN NA PROSESO NG PAGKUHA NG PENSYON
IKINAGALAK ng halos 10 milyong senior citizens ang pagpapadali ng proseso sa pagtanggap nila ng pensyon sa panahon ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes, malaking kaluwagan sa kanila ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force na pagaanin ang mga hakbangin sa pagkuha ng pension. Ito ay makaraang atasan ng IATF ang mga pension-issuing agencies kasama ang kanilang accredited banks at iba pang financial institutions na gumawa ng alternatibong pamamaraan para hindi maantala ang pagtanggap ng pensyon at pagbibigay serbisyo sa mga nakatatandang mamamayan. Sa…
Read MoreHINDI RAMDAM ANG TULONG NG DA BACKYARD RAISER
NAKAGISNAN ko sa aming pamilya ang pagiging backyard hog raiser sa probinsya dahil malawak ang paligid at hindi siksikan ang mga tao tulad dito sa Metro Manila na dikit-dikit ang bahay. Noong mga bata pa kami, tuwing umaga ang assignment ko ay magtadtad ng gulay para ipakain sa mga alagang baboy na pangsuporta sa pagkain nilang darak mula sa ipinagiling na palay o kaya mais. Wala akong ideya kung kumikita ba ang mga magulang ko sa pag-aalaga ng baboy noon pero mukha naman dahil ayaw nilang tumigil sa pag-aalaga ng…
Read MoreANTI-RABIES ACT OF 2007 (R.A NO. 9482) NABABALEWALA
SA kabila ng mabigat na kaparusahan at malaking multa na nakapaloob sa Anti-Rabies Act of 2007 (Republic Act No.9482) ay mistulang hindi pinapansin ito ng mga may-ari ng mga aso. Bakit natin nasabi yan? Kasi hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga aso na pagala-gala sa mga lansangan. Ito yung mga sinasabing AsKal o Asong Kalye. Mapanganib ang mga asong ito dahil ang rabies ng mga ito ay nakabubuwang at nakamamatay. Bukod sa kagat ng mga ito ay may dala ring sakit ang dumi ng mga ito. Base sa…
Read More1 PA SA FAJARDO GANG, NAPATAY
LAGUNA – Isa na namang miyembro umano ng notorious na Ireneo Fajardo criminal gang ang napatay ng mga pulis sa engkwento sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng tanghali. Kinilala ang napatay na si Mervin Agualada y Pacheco, 34, residente sa Southville, Brgy. Caingin, Santa Rosa City, kabilang sa high value individual list ng PNP. Miyembro umano ito ng Ireneo Fajardo criminal group, isang gang na sangkot sa kidnapping, gun for hire at illegal drug trade sa 1st district ng Laguna at Muntinlupa City. Ayon sa Sta.…
Read MoreP20-M MARIJUANA NASAMSAM NG PNP, PDEA
TINATAYANG aabot sa halos P20 milyong halaga ng bulto-bultong dried marijuana ang nasamsam sa ikinasang joint anti-illegal drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Concepcion, Tarlac noong nakalipas na linggo, ayon sa ulat ni PDEA spokesman, Director Derrick Carreon. Sa isinumiteng ulat kina PDEA Director General Wilkins Villaueva at PNP chief, P/General Debld Sinas, anim na drug suspect na kinilalang sina Marlon Miranda, 34; Joey Palaeyan, 33; Preddie Letta, 35; Carl Andrei Maico, 22; Via Jean Ortiga, 19, at Lorraine Fulgencio, 23-anyos, ang nadakip sa…
Read More2 BANGKAY NALAMBAT SA QUEZON
QUEZON City – Dalawang bangkay ng lalaki na parehong nasa ‘state of decomposition’ ang nakitang lumulutang sa karagatang sakop ng Lamon Bay area noong Miyekoles at Huwebes. Inaalam pa ng mga awtoridad kung kabilang ang dalawang bangkay sa 11 mangingisda na umalis sa Atimonan, Quezon sakay ng fishing boat na FV El John na lumubog sa may karagatang sakop ng Jose Panganiban, Camarines Norte noong Pebrero 5. Natagpuan ang isa sa mga bangkay na tinatayang may taas na 5’7″, sa karagatang malapit sa Balesin Island, Polillo, Quezon noong Miyerkoles ng…
Read MoreNANGUHA NG KAMOTE, 2 MINORS PINAGBABARIL
CAVITE – Sugatan ang isa sa dalawang binatilyo makaraang pagbabarilin umano ng isang lalaki nang mahuli habang nangunguha ng kamote sa Terre Verde Residences sa Brgy. Bancal, sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, dakong alas-4:37 ng hapon noong Huwebes. Base sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang sugatan na si Renato Llantos Fabiana, 15-anyos, ng naturang lugar. Ayon sa isa pang binatilyo na kasama ni Fabiana, nagkayayaan sila na manguha ng kamote sa nasabing subdibisyon. Ngunit bigla umanong dunating si Lino Guliman Estoya at sila ay pinaputukan, Bunsod nito, mabilis…
Read MorePara makuha ang cellphone 4-ANYOS PINATAY NG KAMBAL
PAMPANGA – Para lamang makuha ang cellphone na pinaglalaruan ng 4-anyos na bata ay pinatay ito ng kambal nilang kapitbahay sa Northville 14 sa bayan ng San Fernando sa lalawigang ito, noong nakalipas na linggo. Nadakip sa isinagawang follow-up operation ng San Fernando Police ang kambal bago tuluyang makatakas matapos ang isinagawang krimen. Kinilala ni P/Lt. Col. Soledad Elefanio, ng Police Regional Office 3 Public Information Office, ang magkapatid na suspek na sina Jonh Mark at John Kevin Salonga, 18-anyos, kapitbahay ng biktima sa Northvile 14, ng nasabing bayan. Lumitaw…
Read More