QUEZON – Isa ang patay habang lima ang sugatan nang sumalpok ang isang van na sinasakyan ng magkakamag-anak, sa likod ng isang nakaparadang truck sa gilid ng Maharlika Highway Diversion Road sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, nitong Sabado ng madaling araw. Ayon sa ulat, galing Maynila ang Nissan Urvan Escapade na minamaneho ni Patrick Ced at sakay ang apat niyang kaanak, nang bumangga ito sa nakaparadang cargo truck sa kanang bahagi ng highway sa Barangay Malinao Ilaya dakong ala-1:00 ng madaling araw. Ayon sa Atimonan Police, dead on…
Read MoreMonth: February 2021
MAS MAINGAT NA AFP TINIYAK NI SOBEJANA
TINIYAK ng bagong luklok na chairman ng Joint Chief of the Armed Forces of the Philippines Lt. Gen. Cirilito Sobejana na mas magiging maingat ang AFP at inihayag na kakausapin nito si Solcom Commander at NTF-ELCAC Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade kaugnay ng umano’y pagbabanta nito sa isang reporter. Sa isang panayam, inihayag ni Sobejana na ang AFP ay protektor ng mamamayan at hindi kailangan pagbantaan maliban kung sila ay napatunayang kalaban ng Estado. “We should exercise due diligence para sa ganon makapagbigay tayo ng magandang serbisyo sa ating mga…
Read MoreMungkahi ng solon: Senior high, college studes PABALIKIN NA SA CAMPUS
UMAPELA ang isang mambabatas sa Kamara sa Inter-Agency Task Force (IATF) na pabalikin na sa eskuwelahan ang mga senior high school at maging ang mga college student ngayong summer. Ginawa ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy ang apela sa IATF, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng moderate general community quarantine (MGCQ) basta ipatupad ang minimum health protocols. “College classes should be allowed because the college students and faculty have long been within the age range of Allowed Persons Outside of Residence or APOR,” ayon pa kay Uy.…
Read MorePRIORITY LIST SA COVID VACCINES INANUNSYO NG PALASYO
ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang priority population groups para sa inihahandang pagbabakuna laban sa COVID-19 ngayong buwan. In-adopt ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) ang mga sumusunod na priority population groups para sa gagawing pagbabakuna. Ito ay ang mga sumusunod: A1: Frontline workers sa health facilities ng national and local, private and public, health professionals and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc. A2: Senior citizens aged 60 years old and above A3: Persons with comorbidities not otherwise included in the preceding categories A4: Frontline personnel…
Read MoreSENATE, HOUSE PROBE VS PMVIC IKAKASA
PANGUNGUNAHAN ni Senador Grace Poe ang virtual hearing sa implementasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers at child car seat law sa gitna ng dumadaming reklamo ng motorista. Sa pahayag, sinabi ni Poe na itinakda ang pagdinig sa Pebrero 9 dakong alas-10 ng umaga na pangungunahan ng public services committee kasama ang komite ng women, children, family relations and gender equality. Naunang inihain ni Poe ang Senate Resolution No. 634 upang paimbestigahan ang Department Order 2018-019 na ipinalabas ng Department of Transportation, Memorandum Circular No. 2018-2158 at Land Transportation Office…
Read MoreSkyway 3 pang-mayaman BAWAS TOLL FEE HIRIT NI DEFENSOR
(BERNARD TAGUINOD) HINILING ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Toll Regulatory Board (TRB) na bawasan ang toll fee sa 18 kilometrong Skyway Stage 3 na nagdudugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) dahil tanging mayayaman ang kayang magbayad dito. “I think the proposed rates are too excessive for this road link from Buendia Avenue in Makati to the Balintawak area before a traveler enters NLEX,” ani Defensor kaya dapat umanong bawasan ang tollfees upang kahit ang mga ordinaryong motorista ay magamit ang Skyway 3 at…
Read MorePURO IMPORTATION ANG SOLUSYON
DATI, noong maganda ganda pa ang ekonomiya ng Pilipinas, hindi pa masyadong baon sa utang ang bansa, kapag tumataas ang presyo ng tinapay lalo na ang pandesal ay natataranta na ang mga nasa gobyerno. Bakit? Ang tinapay ang pinakamurang almusal ng Pinoy dahil isawsaw mo lang sa mainit na kape ayos na buto-buto. Nakatawid ka na sa isang kainan, nakatipid ka ng husto. Agad nareresolba ang problema sa tinapay kapag tumaas ang presyo. Kung baga hindi nagtatagal kahit ang mga materyales partikular na ang harina ay inaangkat sa ibang bansa.…
Read MoreGOV’T PRICE CEILING SA MANOK AT BABOY PINALAGAN NG MANININDA
MARAMING meat vendors sa mga palengke sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila ang nagsabi na magsasara sila o hindi na lang sila magtitinda kung ipagpipilitan ng gobyerno ang kanilang price ceiling sa mga karneng baboy at manok. Kamakailan sa meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ay inapruban niya ang Executive Order No. 124 na may kaugnayan sa mataas na presyo ng mga karne. Pinagbasehan ng gobyerno ng kanilang price ceiling ay ang presyo ng karneng baboy at manok bago pa sumapit ang Pasko 2020. Ito ay naglalaro mula…
Read MorePara sa anti-covid vaccination TRAINING SA HEALTH WORKERS INAAPURA NG DOH
RATSADA na ang isinasagawang pagsasanay sa health workers ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) para sa pagbabakuna ng anti-COVID-19 vaccines na inaasahang darating sa huling linggo ng first quarter ng taon. Sinabi ni DOH-Regional Director Eduardo C. Janairo, lahat ng health workers na naatasan sa implementasyon ng COVID-19 vaccines ay kinakailangang may sapat na kaalaman at kasanayan para masiguro ang kaligtasan at pangangasiwa kung ito ay ipakakalat na sa local level. “Our health workers play critical roles in the proper vaccine storage, handling, preparation,…
Read More