LAGUNA – Isa na namang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution, ang nadiskubreng nakasilid sa plastic drum sa bayan ng Mabitac sa lalawigang ito, noong Huwebes ng tanghali. Batay sa report ng Mabitac Police, nadiskubre ng katiwala ng lupa ang bangkay ng biktima sa loob ng asul na drum na iniwan sa isang farm sa Manila East Road, Barangay San Miguel. Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, iginapos ng t-shirt ang kamay ng biktima at may mga tama ng bala sa bibig, dibdib at likod. Walang nakuhang pagkakakilanlan…
Read MoreMonth: February 2021
2 BABAE NIRATRAT SA VAN, 1 PATAY
LAGUNA – Hinarang saka pinagbabaril ang sinasakyang van ng dalawang babae na ikinamatay ng isa sa mga ito, nitong Biyernes sa harap ng isang eskwelahan sa Biñan City, Kinilala ng hepe ng Biñan City Police na si P/Lt. Col. Vannie Martinez, ang mga biktimang sina Ernee Grace Marie Uberas Cabisag at Honey Lee Ronomeron Algara. Base sa ulat ng Biñan City Police, bandang alas-6:40 ng gabi, binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng Biñan National Highway at nang sumapit sa Sto. Tomas Elementary School sa Brgy. Sto. Tomas ay bigla na…
Read More2 BIFF TERRORIST BOMBERS, NAPATAY
DALAWANG terrorist bombers na sinasabing kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na nadakip sa joint AFP-PNP counter terrorism operation, ang napatay dahil sa pang-aagaw umano ng baril sa Rajah Buayan, Maguindanao. Sa unang ulat, naaresto ang dalawang sinasabing mga terorista na kinilalang sina Rasul Dubpateg at Bhadz Dupbale dahil sa pagkakasangkot sa mga serye ng pambobomba sa Cotabato City at Central Mindanao bandang alas-10:00 noong Huwebes ng umaga. Sinasabing ang dalawa ay miyembro ng isang grupo na sumusuporta sa international terror group Dawalah Islamiyah. Ayon kay PNP Chief Debold Sinas,…
Read MoreTOP NPA LEADER, PATAY SA ENGKUWENTRO SA QUEZON
ITO ang ulat nitong Biyernes ni 2nd Infantry Division commanding general, Maj. Gen. Greg Almerol, kasunod ng marching order ng bagong talagang chairman ng Joint Chief of the Armed Forces of the Philippines na si Gen. Cirilito Sobejana. Sa ulat na natanggap ni MGen. Almerol, napaslang ang NPA top leader na kinilalang si Ronnel Batarlo alyas “Marwin,” sa isinagawang military operation sa Sitio Pung-uy, Barangay Masaya, Buenavista Quezon nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon kay 2nd Infantry Division Public Affair Officer Captain Jayrald Ternio, napatay Si Batarlo sa kasagsagan ng…
Read MoreLEGAZPI HOSPITAL, INI-LOCKDOWN DAHIL SA COVID-19
ISINAILALIM sa lockdown ang pagamutan sa Lungsod ng Legazpi sa Albay dahil nagpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito. Ayon kay Mayor Noel Rosal, ipinag-utos niya ang lockdown sa Legaspi City Hospital (LCH) para makapagsagawa ng mga hakbang upang hindi na madagdagan ang mga pasyente ng COVID-19 sa LCH. Ani Rosal, tatlo na lamang ang natitirang mga pasyente sa LCH dahil nailabas na ang 13 mula sa 16. Magsasagawa rin ang pamunuan ng ospital ng COVID-19 swab testing at contact tracing upang matukoy kung saan nakuha ng isa sa 120…
Read More40 biktima sumugod sa presinto ILLEGAL RECRUITER NASAKOTE NG MPD
KALABOSO ang isang 66-anyos na lalaking umano’y ilegal recruiter na bigong mapaalis ang mga biktimang gustong magtrabaho sa ibang bansa, nang maaresto ng mga awtoridad sa isang fast food restaurant sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya nitong Biyernes. Kinilala ni P/Major Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District- General Assignment and Investigation Section, ang suspek na si Epifanio Supapa, may asawa, ng #137 Daang Bakal St., Ampid 1, San Mateo, Rizal. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Patrick Gregorio, bandang alas-6:00 ng gabi noong Pebrero 4, nagsagawa ng surveillance operation ang…
Read MoreBANGKAY NATAGPUAN SA ILALIM NG TULAY
BUMULAGA sa mga residente ang bangkay ng isang hindi kilalang lalaki na tadtad ng tama ng saksak sa tiyan, sa ilalim ng tulay ng Mel Lopez Boulevard (dating Road 10) sa Vitas Tondo, Manila nitong Biyernes ng umaga. Tinatayang nasa edad 20 hanggang 30 ang biktimang nakasuot ng gray short pants at green long sleeves. Base sa ulat ng Manila Police District-Station 1, bandang alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa ilalim ng tulay sa nasabing lugar, ng isang Albert Ibañez, 32, tanod ng Barangay 128 sa…
Read MoreINA NG NAVOTAS MAYOR PAGMUMULTAHIN Sa ammonia leakage
NAGBABADYANG pagmultahin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ina ni Navotas City Mayor Toby Tiangco at mga kapatid nito na may-ari ng TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage kung saan dalawa ang namatay dahil sa nangyaring ammonia leakage. “Kung sakaling lumabas na may paglabag sa standard natin, nag-i-impose po ang DOLE ng administrative fine for noncompliance to standard that will result to grave injury or death,” ayon kay Engineer Noel Binag, Executive Director ng Occupational Safety and Health Center ng DOLE, sa panayam. Aniya, sakaling may nangyaring…
Read More13 WANTED PERSONS HULI SA QCPD
INANUNSIYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang pagkakadakip sa 13 wanted persons, kabilang ang top 8 MWP ng Kamuning Police Station (PS-10), sa Quezon City noong Huwebes. Kinilala ni P/BGen. Macerin ang top 8 most wanted person na si Zally Joy Dacoco, 33, nadakip noong Pebrero 4 sa #78 Everlasting St., Brgy. Central. Si Dacoco ay may nakabinbing warrant of arrest para sa slight physical injuries, na inisyu ni Hon. Roslyn M. Rabara-Tria, presiding judge ng Branch 94, RTC, Quezon City. Sinilbihan…
Read More