KAILANGANG tiyakin ng Department of Energy (DOE) na hindi magkakaroon ng brownout sa sandaling simulan na ang mass vaccination laban sa COVID-19 hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Sa kanyang House Resolution (HR) 1572, nais makasiguro ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na walang magaganap na brownout sa mass vaccination rollout lalo na’t ilan sa mga bibilhing bakuna ay nangangailangan ng malamig na temperature. “Given the importance of successfully implementing the vaccination program, the government must ensure that the vaccination program will not be disrupted by power…
Read MoreMonth: February 2021
Militanteng grupo umaasa ng tagumpay ORAL ARGUMENT SA ATA SIMULA NA
BAGAMA’T ngayong araw, Martes, Pebrero 2, pa lamang magsisimula ang Oral Argument sa Korte Suprema sa kinukuwestiyong Anti-Terror Act (ATA), tila umaasa na agad ng tagumpay ang militanteng grupo. “We expect that the SC oral arguments would result in a pro-democracy ruling and a victory for the people,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite. Sa ngayon ay umaabot sa 37 ang petisyong nakahain sa Kataas-taasang Hukuman na kumuwestiyon sa legalidad ng nasabing batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong July 3, 2020. Sinasabing mapanganib at labag sa 1987…
Read MorePanelo: PNP findings tanggapin PAMILYA DACERA ‘PINATATAHIMIK’ NA
HAYAGANG pinatitigil ng abogado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya Dacera sa pagkamit ng katarungan sa pagkamatay ng 24-anyos na flight attendant na si Christine. Sabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na tanggapin na ng pamilya Dacera ang iginiit ng Philippine National Police (PNP) na si Christine ay hindi ginahasa at hindi pinatay. Ang posisyon ng PNP na ipinarating sa piskalya ng lungsod ng Makati ay namatay si Christine dahil sa “ruptured aortic aneurysm”. Ito ay resulta ng autopsy report ng PNP. Lumaki raw ang timbang ng puso ni…
Read More‘Propaganda’ sa covid response sinopla ni Roque LENI ‘BULAG AT BINGI’
(CHRISTIAN DALE) BINUWELTAHAN ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo na ‘bulag at bingi’ matapos nitong hikayatin ang pamahalaan na itigil na ang “propaganda” at sa halip ay ituon ang panahon at pansin sa pagtugon sa hamon na dala ng COVID-19 pandemic. Todo-depensa si Presidential spokesperson Harry Roque sa pagtugon ng gobyerno sa hamon ng pandemiya sa bansa. Sa katunayan, ginamit ni Sec. Roque ang data mula sa World Health Organization (WHO) para gamiting panabla sa pahayag ni Robredo. Ani Sec. Roque, ang Pilipinas ay ranked 32nd worldwide pagdating sa…
Read MorePAGHAHATI SA 2ND DISTRICT NG RIZAL, LUSOT NA SA SENADO
LUSOT na sa Senado ang panukala upang gawing tatlong legislative districts ang ikalawang distrito ng lalawigan ng Rizal. Sa botong 23-0, inaprubahan ng mga senador ang House Bill 6222 na nagdedeklarang bahagi ng second district ng Rizal ang mga munisipalidad ng Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jalajala, Pililla, at Teresa, habang ang San Mateo ay magiging ikatlong distrito at ikaapat naman ang munisipyo ng Rodriguez. Sinabi ni Senador Francis Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government na siyang nag-sponsor sa panukala na magiging malaking tulong sa local government units ang…
Read MoreANONG KALOKOHAN ITO?
PARANG wala sa timing ang pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) sa Republic Act 11229 o ang “Child Safety in Motor Vehicles Act” na nag-oobliga sa mga motorista na maglagay ng special seat sa loob ng pribadong sasakyan para sa mga batang edad 12 pababa. Tinawag na child restraint systems (CRS) ang special car seats para sa batang pasahero ng kanilang magulang at kaanak na nakapaloob sa nasabing batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019 pa. Ang tagal gumawa ng Implementing Rules and Regulation (IRR)? Sabagay hindi…
Read MoreBAGONG BATAS NG CHINA SA WPS PANANAKOT
KASAMA sa malalagay sa panganib ang mga mangingisdang Pinoy na nagtutungo sa West Philippine Sea (WPS) sa bagong batas ng China. Binibigyan kasi nito ng pahintulot na gamitan ng pwersa o barilin ng kanilang Coast Guard ang sinumang magtutungo na hindi nila kalahi sa nasabing karagatan na kanilang inaangkin. Ito ay nagpapatunay na pagbabanta o pananakot lalo na sa mga maliliit na bansa na umaangkin din sa WPS. Kawawang Juan dela Cruz ‘di kayang ipagtanggol ang kanyang sariling nasasakupan laban sa mga mananakop. Ibang klase ang China dinadaan nilang lagi…
Read MoreP100 MILYONG ILEGAL NA MGA PRODUKTO
HINDI ko alam kung talagang mahigpit na ipinatutupad ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Cost Guard (PCG) ang mga batas at patakaran ng pamahalaan upang hindi makapasok sa ating bansa ang mga produktong ilegal. Alam na alam naman ng mga opisyal at kawani ng BOC at PCG na trabaho, tungkulin at obligasyon nila ang maging mahigpit laban sa mga gawain at transaksiyon ng mga balasubas at mandurugas na kapitalista. Sana tapat sila sa kanilang sinumpaang trabaho, tungkulin at obligasyon. Napakaganda kung tapat ang BOC at PCG dahil milyun-milyong halaga…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-3 Bahagi) LABANG NAGDALA KAY MANNY SA RUROK NG TAGUMPAY
Ni EDDIE ALINEA TATLONG taon matapos mag-debut bilang mandirigma sa ibabaw ng ring, hinubdan ni Emmanuel “Manny ” Pacquiao si Chathai Sasakul ng Thailand ng korona sa WBC flyweight sa pamamagitan ng walong round na pagpapatulog para sa kanyang unang titulong pandaigdig. Ang panalong ito kay Sasakul ang nagsilbing hudyat sa mahigit isang dekadang kampanya ng ngayon ay senador nang si Pacquiao para maging kaisa-isang boksingero sa kasaysayan ng sweet science na umangkin sa ‘di kukulangin sa 12 korona sa walong dibisyon ng boksing. Subalit kung gaano kabilis nakamit ni…
Read More