BOC NAG-DONATE NG 5,038 MOBILE GADGETS SA DEPED

Bilang bahagi ng pagsisikap upang mai-akma ang edukasyon sa tinatawag ngayong “new normal”, nag-donate ang Bureau of Customs (BOC) ng nga mobile gadgets sa Department of Education (DepEd) para gamitin sa ginagawang online lear­ning program. Ang turn over ay isinagawa sa BOC Situation Room sa Maynila na dinaluhan ni Department of Education Secretary Leonor M. Briones at Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero at Department of Finance Secretary Carlos G. Dominguez sa pamamagitan ng kaniyang virtual presence. Nakiisa rin ang Bureau’s deputy Commissioners at mga kinatawan mula sa…

Read More

TEAM VS ILLEGAL DRUGS BINUO NG BOC-PORT OF SURIGAO AT PDEA RO XIII

Dahil nakalinya sa Bureau of Customs’ (BOC) ang pangako na pagpapalakas ng border control, ang BOC-Port of Surigao kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagsama kontra sa ilegal na droga sa CARAGA region. Nagpulong ang mga tauhan ng BOC na pinangunahan ni District Collector Noli P. Santua, Jr. at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO XIII na pinamumunuan naman ni Regional Director Aileen T. Lovitos. Isa sa mga naging highlights ng pulong ay ang official turn over ng PDEA K-9 Unit sa BOC bilang bahagi ng tinatawag na…

Read More

BOC, DA, DOH NAGSANIB VS ASF

Upang mahigpitan ang border ng bansa laban sa nakalalasong import goods at products, ang Bureau of Customs ay nananatili sa mahigpit na koordinasyon sa ibat-ibang trade regulatory agencies para tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng publiko. Kaya ang BOC ay sumusunod sa tamang pamamaraan para pigilan ang pagpasok sa bansa ng mga produktong pagkain na kontaminado ng mga sakit, tulad ng African Swine Fever (ASF). Kabilang sa mga nasabing pamamaraan ay ang pagtiyak na ang regulated at safe import commodities lamang ang maaaring makapasok sa bansa sa pamamagitan ng close…

Read More

20 PACKAGES LIQUID MARIJUANA HULI SA NAIA

JOEL O. AMONGO Aabot ng 20 packages na may kabuuang 116 bote ng hemp extract/liquid marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs NAIA kasama ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City. Ang mga bote ng liquid marijuana ay idineklara bilang “Dietary Supplements”, na may ibat-ibang consignees. Ang tangkang pag-smuggle ng ipinagbabawal na droga ay napigilan sa pamamagitan ng ‘strict profi­ling’ ng nakatalagang Customs examiner at sa isinagaw ang 100%…

Read More

Babarilin, istruktura wawasakin ‘MALILIGAW’ SA WPS, PATAY *New Coast Guard law ng China epektibo ngayon

(DANG SAMSON-GARCIA) PINAG-IINGAT ng isang senador ang mga pumapalaot na mangingisda ngayong epektibo na ang bagong batas ng China Coast Guard laban sa mga papasok sa mga inaangkin nilang teritoryo sa bahagi ng South China Sea. Sa bagong batas ng China na epektibo ngayong araw, February 1, gagamitan na ng armas ang sinomang papasok sa kanilang teritoryo at ide-demolish ang anomang istruktura na nasa kanilang lugar. Kaugnay nito, iginiit ni Senador Francis Tolentino na dapat pangunahan ng Pilipinas ang iba pang bansa na may claim sa West Philippine Sea sa…

Read More

22 KEY POSITIONS SA PNP SAPOL SA BALASAHAN

TINAMAAN ang 22 top positions sa Philippine National Police sa ipinatupad na balasahan. “We are infusing new blood into the command structure to fill the void created by the retirement of some senior officials and ensure continuity of command,” ani PNP chief Gen. Debold Sinas. Kaugnay sa magaganap na rigodon, si Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro ay itinalaga bilang acting director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa nakatakdang pagreretiro ni P/Maj. Gen. Joel Napoleon Coronel sa darating na Feb. 11, 2021. Si Maj. Gen. Dennis Agustin ay…

Read More

BAGONG AMLA LAW PIRMADO NA NI DUTERTE

OPISYAL nang tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 11521 o batas na magpapalakas sa 20-year-old Anti-Money Laundering Act ng bansa. Idinagdag ang security at confidentiality clause sa 11-page law, na ipinag-uutos sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at sa secretariat na protektahan at panatilihing confidential ang lahat ng impormasyon na kanilang matatanggap at ipoproseso kahit pa umalis na sila sa konseho. Ang mga lalabag sa confidentiality clause ay makukulong ng tatlo hanggang walong taon at magmumulta ng mula P500,000 hanggang 1 milyong…

Read More

Para ‘isuko’ ang American dream TAAS-SAHOD SA NURSE ‘DI LULUBAYAN NI DEFENSOR

KAHIT sa panahon ng pandemya, hindi binibitiwan ng Filipino nurses ang kanilang American dream o pangarap na makapagtrabaho sa Amerika kung saan napakataas ng suweldo kumpara sa Pilipinas. Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaya muli itong nanawagan sa liderato ng Kamara na ipasa na ang kanyang panukala na itaas sa P60,901 ang buwanang sahod ng mga nurse sa Pilipinas. Ginawa ni Defensor ang pahayag dahil umabot na sa 6,204 Pinoy nurse ang kumuha ng US licensure examination o National Council Licensure Examination (NCLEX) noong 2020. “We’re…

Read More

Sa halip habulin ang mga umiipit sa pork products – Marcos DA OA SA IMPORTASYON

NANANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa gobyerno na harangin ang pork importers na manipulahin o imaniobra ang lokal na supply ng mga karneng baboy at tuluyang patayin ang negosyo ng mga magbababoy na Pinoy. “Ang pagkatay sa kabuhayan ng ating mga lokal na hog raisers ay magsisimula kapag ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) ang plano nitong itaas ng tatlong beses ang minimum access volume o dami ng pwedeng iangkat na baboy sa bansa sa mas mababang taripa, na ngayon ay nasa 54,000 metriko tonelada,” diin ni Marcos. “Tila OA…

Read More