NAGHAIN ng reklamo ang property developer na Primariland Holdings, Inc. (PHI) laban sa Inquirer.net dahil sa paglabag umano nito sa advertising agreement na pinasok nito sa kumpanya matapos ihinto o tanggalin ang online publication nang walang paunang abiso, sa Summons by Publication na inilabas ng Regional Trial Court Br. 53, Sorsogon City. Ito ay kaugnay sa kasong isinampa ng PHI at Philippine Primark Properties (Primark) laban sa Premier Towncenter Holdings (PTC), SM Investments Corporation (SMIC), at Corporate Assets Investments Limited (CAIL). Ang naturang reklamo ay kinabibilangan ng isang petisyon ng…
Read MoreMonth: February 2021
3 ARESTADO SA RIOT SA TONDO
BINITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong lalaki na umano’y sangkot sa nangyaring riot sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at F. Yuseco St. sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo. Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 155 ng RPC (alarms and scandal) at RO 864-C (concealing deadly weapon) ang mga suspek na sina Joshua Durango y Garcia, alyas “Tokwa,” 19, ng #1035 F. Yuseco St., Tondo; Peter Alfred Paz y Fuedan, alyas “Poga,” 23, ng #1100 Old Antipolo St., Tondo, at Erwin Barroga y…
Read MoreTulong ng DOLE sa mga obrero OSH TRAINING LIBRE NGAYONG 2021
HINDI na magbabayad ang mga maggagawa kung sasailalim ang mga ito sa Occupational Safety and Health (OSH) training hinggil sa pagiging ligtas at malusog habang nagtatrabaho sa mga kumpanyang micro, small and medium enterprises (MSMEs) ngayon taon. Nagpasya si Labor Secretary Sylvestre Bello III na ipatigil ang bayad sa nasabing pagsasanay ngayong taon upang makabawas sa gastusin ng mga manggagawa. “We are waiving the training fees being charged to micro and small businesses, and those companies in distress,” anunsyo ni Bello. Ipinaliwanag niya: “The workers in those enterprises have to…
Read More‘Pag ‘di tumalima sa open dumpsite closure LGU OFFICIALS KAKASUHAN
HINDI magdadalawang isip si Environment Undersecretary Benny Antiporda na sampahan ng mga kaso ang sinumang opisyal sa mga pamahalaang lokal na hindi tatalima sa March deadline sa pagpapasara sa “open dumpsites” na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ani Antiporda, lahat ng sangay ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) ay inatasang isara ang lahat ng open dumpsites hanggang Marso ng kasalukuyang taon. Kapag naisara na ay kailangan mag-apply ang mga pamahalaang lokal sa nakasasakop na DENR-EMB, ng sertipikasyong nagsasaad ng “safe closure and rehabilitation of said areas,” patuloy…
Read MoreSa kampanya vs ASF DILG SA LGUs: DIREKTIBA TIYAKING TUGMA SA DA, IATF
PINAALALAHANAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na huwag maglalabas ng mga direktiba laban sa African Swine Fever (ASF) na taliwas at babangga sa mga patakaran ng pambansang pamahalaan. Nagsalita ang DILG tungkol sa ASF dahil ayon sa tagapagsalita nito na si Undersecretary Jonathan Malaya, nabalitaan ng kagawaran na maraming LGUs ang naglabas ng kanya-kanyang direktiba na “restricting or limiting the entry of pigs, hogs, and related items to protect against the spread of ASF but this must not impede the flow…
Read More34 NADAGDAG SA COVID CASES SA KAMARA
NAKAPAGTALA ng 34 bagong kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikalawang mass testing sa 2,848 empleyado at opisyales sa Batasan Pambansa. Ito ang nabatid mula kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, kaya mula nang maging Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay umaabot na sa 132 ang naitatalang COVID-19 case sa kapulungan. “This is equivalent to a positivity rate of only 1.19 percent, which is way below the 5 percent positivity rate recorded during the first mass testing,” ani Mendoza. Magugunitang unang nagsagawa ng mass…
Read More43 LABOR LEADERS NAPATAY
PUMAYAG si Labor Secretary Sylvestre Bello III na makipagpulong sa mga lider-manggagawa upang talakayin ang hinggil sa pagkamatay ng 43 pinuno ng mga unyon, gayundin ang karapatan ng mga ito na magtayo ng unyon at sa nangyayaring paglabag sa karapatang pantao. Sa Miyerkoles (Pebrero 3) ay makikipag-usap ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at mga namumuno ng Council of Global Unions (CGU) – Pilipinas. Ayon sa tagapangulo ng NAGKAISA Labor Coalition na si Atty. Jose Sonny Matula, matagal nang ipinarating ng NAGKAISA kay Bello ang hinggil…
Read MorePara sa kampanya vs illegal drugs ANTI-MONEY LAUNDERING ACT PINALAKAS
IKINATUWA ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 11521, na pagpapalakas ng Anti-Money Laundering Act of 2001. “This is a significant development in the campaign against illegal drugs. Now that the amendment has been passed, it will greatly help in the aspects of prosecution and judicial measures of our anti-drug campaign,” ani DDB Chairman Secretary Catalino S. Cuy. Pinaliwanag niya, ito rin ay pagpapalakas sa pagsasagawa ng financial investigation para sa drug cases. “By looking into the channels where drug traffickers funnel…
Read More