11 kidnappers arestado 4 CHINESE NASAGIP NG PNP-AKG

APAT na Chinese nationals na kidnap for ransom victims, ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group sa magkahiwalay na rescue operation sa Quezon City at Pampanga noong Miyerkoles ng gabi. Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-AKG Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, arestado sa nasabing operasyon ang 11 suspek na kinabibilangan ng Chinese at Malaysian nationals at ilang Filipino. Ayon sa inisyal na ulat na ibinahagi ni PNP-AKG spokesman, P/Lt. Col. Rannie Lumactod, nagkaroon ng ‘break’ sa kaso nang makatangap ng intelligence information ang…

Read More

IBP-QC MEMBERS HINIKAYAT BUMOTO

NANAWAGAN ang sekretarya ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), sangay ng Quezon City, na si Maria Angelica “Angie” de Ramos sa mga miyembro nito na mayroong malinis na katayuan na lumahok sa eleksyon at maghalal ng mga opisyal nito sa Sabado (Pebrero 27). Sinegundahan ni Atty. Lennard Constantine “Leng” Serrano ang panawagan ni De Ramos at nilinaw sa kasapian na sila ay maaaring makaboto nang personal, o sa pamamagitan ng online dahil sa limitasyong kinakaharap dulot ng COVID-19. Ang IBP-QC ang pinakamalaking sangay ng IBP sa buong bansa. Itinuturing…

Read More

Parke sa Navotas, lockdown din 14-DAY STRICT LOCKDOWN SA 55 BARANGAY SA PASAY

IPATUTUPAD sa loob ng 14-araw ang “strict lockdown” sa 55 barangay sa Pasay City upang matiyak na hindi kumalat ang COVID-19 sa buong lungsod. Inihayag ito ng City Health Office nang umabot sa mahigit 400 ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod mula sa mahigit 300 nitong nakalipas na linggo. Naniniwala ang City Health Office na ang istriktong 14-day lockdown ang sagot sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod. Batay sa rekord ng City Health Office, umabot na sa 7,650 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, habang…

Read More

BAHRAINI RAPE SUSPECT, LAGLAG SA BI

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa isang Bahraini national na wanted sa sex crimes sa kanyang bansa. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang pugante na si Alsendi Waleed Abdulla Hamad, 43-anyos, nadakip noong nakaraang Martes sa Brgy. San Francisco II, Dasmariñas, Cavite ng mga operatiba ng bureau’s Fugitive Search Unit (FSU). Ayon kay Morente, nag-isyu siya ng mission order para sa pag-aresto kay Hamad matapos na ipag-utos ng Department of Justice (DOJ) para malaman ang presensiya at status ng dayuhan sa bansa at para iproseso ang…

Read More

Korte nag-isyu na ng warrant SUSPEK SA COLUMNIST SLAY PINATUTUGIS

IPINAG-UTOS ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng manhunt operations sa umano’y killer ng Remate columnist na si Jupiter Gonzales at kanyang kasama na si Christopher Tiongson, matapos mag-isyu ng alias warrant kamakailan ang Regional Trial Court (RTC) para sa kasong double murder. Agad namang tumugon ang Pampanga Police Provincial Office (PPO) at nagbuo ng special tracker team para tugisin at maiharap sa korte ang akusadong si Armando Maglaya Velasco alyas “Ambet”. Si Ambet na local carnival (perya) operator at pangunahing…

Read More

ILANG SENADOR, IGINIGIIT ANG PILOT TESTING NG FACE-TO-FACE CLASSES

HALOS nagkakaisa ang ilang senador sa paggiit na dapat nang simulan ang pilot testing ng muling pagbabalik eskwela sa kabila ng pinakahuling desisyon ni Pangulong Roodrigo Duterte na walang face-to-face classes hangga’t walang vaccine rollout. Sa pagdinig ng Senado sa epekto ng COVID-19 sa pag-aaral, hinimok nina Senators Sherwin Gatchalian, Kiko Pangilinan, Nancy Binay, Imee Marcos at Pia Cayetano na ituloy na ng Department of Education ang paghahanda at ang rollout ng pilot testing ng face-to-face classes. “Hindi naman po ibig sabihin na kinansel ang face-to-face ay titigil na rin…

Read More

BAKUNA SA MGA GURO, KAILANGAN SA PAGBABALIK ESKWELA

INAMIN ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na wala pa silang datos sa bilang ng mga guro na handa at nais magpabakuna laban sa COVID-19 kasabay ng pagpapahiwatig na magiging bahagi ng protocol sa pagbabalik eskwela ang bakuna. Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education and Culture na pinangunahan ni Senador Sherwin Gatchalian, nangako si Malaluan na magsasagawa ng survey sa mga guro upang makuha ang bilang ng mga nais magpabakuna. “It was not included in our last survey, we just conducted a survey on the challenges of the first…

Read More

DOH, FDA IIMBESTIGAHAN ANG ILEGAL NA PAGPAPABAKUNA NI MON TULFO

HINDI porke “kolumnista” at “special envoy to China” si Ramon Tulfo ay ituturing siyang “sacred cow” sa pagpapaturok ng bakunang iligal na nakapasok sa bansa. IIMBESTIGAHAN ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang kolumnistang si Ramon Tulfo, special envoy ng Pilipinas sa China upang malaman kung ano ang kanyang pananagutan sa ilegal na pagpapaturok ng bakuna ng Sinopharm. Kung legal na proseso ang pag-uusapan, dapat wala pang bakuna ang Sinopharm sa bansa. Kahit bakuna mula sa ibang kumpanya ay hindi pa nakararating sa Pilipinas hanggang…

Read More

Ipinagmalaki pa ang paggamit ng smuggled vaccine MON TULFO WALANG HIYA – SOLON

(BERNARD TAGUINOD) “HINDI na nahiya, mali na nga ang ginawa, ipinagyayabang pa.” Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Ferdinand Gaite sa ipinagyayabang umano ni Special Envoy to China na si Ramon Tulfo na nabakunahan na ito ng Sinopharm vaccine. Isinulat ni Tulfo sa kanyang kolum sa Manila Times na nabakunahan na ito ng Sinopharm kasama ang ilang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte at isang senador. Ayon kay Gaite, ilegal ang ginawa ni Tulfo dahil malamang ay smuggled ang bakunang itinurok sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa nag-a-apply…

Read More