CAVITE – Arestado ang apat na kalalakihan makaraang holdapin ang isang pasahero sa pampasaherong bus sa Dasmariñas City, sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado na sina Arwin Cuadra, 33; Rosauro Kapili, 52; Jerome Luna, 30, at Edwin Lopez,45, pawang mga residente ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City Ayon sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police, dakong alas-3:00 noong Lunes ng hapon nang sumakay sa isang pampasaherong bus patungong Maynila ang biktimang si Dionisio Dilubio, 25, ngunit pagsapit sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Salitran…
Read MoreMonth: March 2021
12 ECQ VIOLATORS HULI SA ZAMBALES
ARESTADO ang 12 indibidwal dahil sa paglabag sa ipinatutupad na health protocols sa inilatag na quarantine checkpoints ng Zambales Police Provincial Office. Ayon sa Zambales PPO, sa pamumuno ni P/Col. Romano V. Cardiño, provincial director, noong Marso 28, dakong alas-6:00 ng gabi, naglatag ang PNP-Zambales team na kinabibilangan ng Police Patrol ID Palauig MPS, sa pangunguna ni P/Lt. Jesus M. Rendon, OIC, Palauig MPS, ng routinary patrol sa kanilang hurisdiksyon sa Km 5, Mount Tapulao, Sitio Dampay, Brgy. Salaza, Palauig, Zambales. Habang nagpapatrolya, nakatanggap ang mga awtoridad ng mobile call…
Read MoreLider, 3 tauhan napatay BONILLA KFR GROUP NALANSAG NG PNP-AKG
NANINIWALA si Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo, nabuwag na ang Bonilla kidnap for ransom syndicate nang mapatay ng kanyang mga tauhan ang lider ng grupo at tatlong miyembro nito sa sagupaan nitong Martes ng madaling araw sa Zuzuarregui St., Brgy. Old Balara, Quezon City. Ayon kay P/BGen. Estomo, bago ang sagupaan, nagsagawa ng surveillance and monitoring operation ang mga tauhan ng PNP-AKG laban sa Wilbert Bonilla kidnap for ransom group matapos iulat ng isang confidential informant ang hinggil sa planong pagdukot ng grupo…
Read More2 DRUG DEALERS, TODAS SA ENCOUNTER
NAPATAY ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang drug dealers makaraang makipagbarilan sa buy-bust operation sa Parañaque City nitong Martes ng Madaling araw. Ayon sa ulat, unang nagpaputok ang mga suspek sa mga pulis kaya bumawi ng putok ang mga awtoridad. Isa lang ang natukoy sa dalawang suspek ngunit sa alyas lamang na “Tongtong”. Nangyari ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa C-5 Road sa bahagi ng Barangay San Dionisio. Makaraan ang engkwentro, nakuha mula sa mga suspek ang dalawang .45 kalibreng baril, isang cellular phone, walong sachet ng umano’y…
Read MorePSA: 4.2M PINOY JOBLESS
WALANG trabaho ang 4.2 milyong manggagawa at empleyado noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Tumaas ito ng 200,000 mula sa mga nawalan ng trabaho noong Enero, 2021, saad ng PSA. Pinakamasahol na ang nasabing record ng unemployment sa bansa, banggit ng national statistician ng PSA na si Claire Dennis Mapa. Iba pa ang 4.2 milyon sa limang milyong nawalan ng trabaho noong 2020 na inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Enero. Ang itinurong dahilan ng PSA sa 4.2 milyong Filipino na nawalan ng trabaho ay…
Read MoreSENIORS, COMORBIDITIES BINAKUNAHAN SA MALABON
BINABAKUNAHAN na laban sa COVID-19 ang mga senior citizen at comorbidities sa Malabon City. Sa Malabon Elementary School isinasagawa ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga senior citizen habang maaari namang mamili kung Sinovac o AstraZeneca ang mga may comorbidity. Ang mga babakunahan ay galing sa master list ng mga nagparehistro sa online form at mula sa mga barangay health center. Maaaring makipag-ugnayan sa health center o hintayin ang kanilang text o tawag para sa iskedyul ng pagbabakuna. Tuloy-tuloy pa rin pagpaparehistro para sa bakuna sa lungsod. Maaaring pumunta sa…
Read More17 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS
NADAGDAGAN pa ng 17 ang bilang ng mga biktimang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 29, habang umabot na sa 4,272 ang active cases, ayon sa ulat ng City Health Offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, pito ang patay sa Valenzuela City hanggang alas-10:00 ng gabi noong Marso 29 habang 846 ang active cases makaraang 258 ang magpositibo at 259 ang naman ang gumaling. Sumampa na sa 12,571 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 11,404 na ang gumaling at 321…
Read MoreMedia, mayors, bumbero frontliners din PINASASAMA SA VACCINE PRIORITY LIST
HINILING ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga awtoridad na namamahala sa COVID-19 vaccines rollout, na isama sa listahan ng mga prayoridad ang mga bumbero, mga miyembro ng media at mga alkalde dahil sa papel na kanilang ginagampanan bilang frontliners sa gitna ng pandemya. Gayunman, paglilinaw ni Moreno, hindi niya isinasama ang kanyang sarili sa panukala na isama ang mga alkalde sa prayoridad sa bakuna. Aniya, nangangamba siya na ilang mga alkalde na ang tinamaan ng virus kabilang si Quezon City Mayor Joy Belmonte habang si Famy, Laguna…
Read MoreP100 WAGE INCREASE, IBINASURA NG DOLE
WALANG ibang magagawa ang mga manggagawa kundi pagtiyagaan ang umiiral na sahod dahil hindi ito madaragdagan. Ito’y dahil ibinasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE – NCR) ang P100 hininging dagdag sa buwanang sahod sa mga manggagawa sa buong bansa. Idiin ng RTWPB sa dalawang pahinang desisyon nito, wala itong kapangyarihan na aprubahan ang umentong P100 across-the-board dahil ang National Capital Region (NCR) lamang ang may saklaw ng nasabing yunit ng DOLE. Batay sa batas-paggawa, ang bawat…
Read More