PAGBABAWAL SA SIN PRODUCTS COMPANIES NA MAKABILI NG BAKUNA, BINANATAN

BINATIKOS ng mga senador ang plano ng Department of Health at National Task Force na harangin ang pagbili ng malalaking kumpanya ng COVID-19 vaccines. May kinalaman ito sa draft na administrative order ng DOH na nagbabawal sa mga kumpanya na gumagawa ng sin products para makiisa sa tripartite agreement sa pagbili ng bakuna. “Tinutukoy dito ang malahiganteng kumpanya na tulad ng San Miguel group, buong Lucio Tan group, Puregod, Nestle, Destileria Limtuaco, lahat ng softrinks producers, Tanduay, Ginebra, White Castle at iba pa,” saad ni Senador Imee Marcos. “Kapag di…

Read More

Solon sa gobyerno PUBLIKO ‘WAG HIKAYATIN SA NON-ESSENTIAL TRAVEL

NANANAWAGAN si Senador Nancy Binay sa gobyerno na pigilan ang paghihikayat ng mga hindi mahalagang biyahe sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID. “Itigil muna natin ang pagpropose na bumiyahe at mamasyal. This is not the best time to relax and encourage everyone to go out and travel habang patuloy namang tumataas ang kaso ng COVID sa ating bansa,” diin ni Binay. “Makikita naman natin sa mga videos at pictures sa news at social media na kahit mga celebrities at influencers eh parang balik…

Read More

Hit back, utos ni Gen. Eleazar 5 PULIS PATAY, 2 SUGATAN SA NPA AMBUSH

CAMARINES NORTE – Limang police officers ang napaslang habang dalawa pang kasamahan nila ang malubhang nasugatan nang makasagupa ang isang grupo ng hinihinalang komunistang terorista sa bayan ng Labo, sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Sa inisyal na ulat na nakarating sa PNP Joint Operation Center, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga elemento ng 1st platoon ng Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (1st PMFC), hindi kalayuan sa kanilang himpilan, nang masabat nila ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan. Ayon kay PNP Officer in Charge P/Lt General…

Read More

UMIWAS SA OPLAN SITA, BUKING SA BARIL

CAVITE – Arestado ang dalawang lalaki makaraang mabuking sa itinatagong baril at bala nang tangkaing umiwas sa “Oplan Sita” sa Bacoor City. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang mga suspek na sina Xander Cruz, 36, security officer, at Bryan Atienza, 29-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Bernie Rusiana, nagsasagawa ng anti-criminality operation “Oplan Sita” ang mga operatiba ng Bacoor City Police sa Tirona Highway, Barangay Habay 1 ng naturang lungsod dakong alas-9:00 noong Biyernes ng gabi nang parahin ang motorsiklo ng mga suspek.…

Read More

Mag-asawang rider sumemplang MISTER NAGULUNGAN NG VAN, PATAY

CAVITE – Patay ang isang lalaki habang kritikal ang misis nito nang sumemplang sa isang rough road ang sinasakyan nilang motorsiklo at nagulungan ng kasunod na van sa bayan ng Kawit, sa lalawigang ito. Kapwa isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital si Noel Ibañez at misis nitong si Hazel, ngunit idineklarang dead on arrival ang una. Kinilala naman ang driver ng Toyota Hi-Ace commuter van na may plakang DAK 2506, na si Jose Mari dela Cruz. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Erwin Clerigo ng Kawit Police, binabagtas ng mag-asawa ang…

Read More

SENIOR CITIZEN BUWIS-BUHAY SA P5K

LAGUNA – Patay ang isang 80-anyos na senior citizen makaraang pumalag sa mga nanloob sa kanilang bahay sa bayan ng Calauan, Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Benigno Artiaga, residente ng Barangay Lamot 1. Batay sa report ng Calauan Police, bandang alas-9:15 ng gabi, matutulog na ang biktima ang at misis nitong si Carmelita Artiaga nang marinig ng mga ito na may kinakahulan ang kanilang aso sa labas ng bahay. Lumabas ang ginang ngunit dinaklot ito ng suspek kaya humingi ng tulong sa mister na kaagad ding lumabas.…

Read More

CALAMBA CITY, MODELO SA LOCAL CONFLICTS

KINILALA ng mga delegado mula sa European Union ang lungsod ng Calamba bilang isang pilot site para sa isang programang bibida sa sistematikong ugnayan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan para sa mabilis na ikalulutas ng anomang sigalot sa lokalidad. Bukod sa pagkilala, nagpahayag ng kahandaan ang EU Delegation para tustusan ang pagtataguyod ng “justice zone” sa ilalim ng kanilang Governance in Justice Programme II (GOJUST II), layong pag-ibayuhin ang umiiral na pamantayan sa pagtukoy ng suliranin at pagresolba ng mga hidwaan. Malugod namang tinanggap ng Calamba City government ang…

Read More

12 barangay pa nadagdag sa lockdown HOLY WEEK ACTIVITIES SA MAYNILA, BAWAL MUNA

BUNSOD nang biglang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila, dalawang executive order (EOs) ang ipinalabas ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno,” Domagoso. Kabilang dito ang hinggil sa pag-lockdown sa karagdagang 12 barangay, kalye at building, at ang pagbabawal ng ilang gawain na may kinalaman sa pagdiriwang ng Mahal na Araw. Ayon sa alkalde, nakasaad sa EO No. 8 ang pag-lockdown ng apat na araw sa sumusunod na mga barangay: 107, 147, 256, 262, 297, 350, 385, 513, 519, 624, 696 at 831. Kasama rin sa lockdown…

Read More

2 CALOOCAN SUBDIVISIONS, ILA-LOCKDOWN

ISASAILALIM ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa lockdown ang subdibisyon ng Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula alas-12:01 ng umaga sa Lunes, Marso 22, hanggang alas-11:59 ng gabi sa Linggo, Marso 28, 2021. Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, ang ipatutupad na lockdown ng pamahalaang lungsod ay bunsod nang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa lugar. “Kailangan muna nating limitahan ang galaw ng mga residente sa dalawang subdibisyon upang hindi na lumaganap ang sakit. Sa loob ng pitong araw na lockdown ay magsasagawa…

Read More