GLOBE 5G TRAFFIC TUMAAS NG 24X NOONG PEBRERO

NAKARANAS ang Globe ng malaking pagtaas sa traffic — hanggang 24 beses sa 416.76 TB noong Pebrero 2021 mula noong Setyembre 2020 habang patuloy nitong pinalalawak ang 5G network nito sa bansa. Nakatulong sa paglago ng teknolohiyang ito ang pagpapalakas sa 5G sites, gayundin ang availability ng abot-kayang devices na nagbibigay-daan para matamasa ng mga customer ang mas mahusay na data experience. Ang ‘unbeatable speeds’ ng 5G at ang halos real-time latency ay nagbukas sa mundo ng hindi mabilang na posibilidad na maaaring asahan ng mga Filipino dahil mas marami…

Read More

COVID VACCINES INIHATID NG BLACK HAWK SA SOUTHERN LUZON

Dalawang brand new S-70i Black hawk Utility Helicopters ng PAF ang naghatid kahapon ng 2,400 vials ng covid vaccines sa Quezon Province, Camarines Sur at Albay mula sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City. Nauna nang ipinag-utos ni Philippine Air Force chief Lt. Gen. Allen T Paredes ang full mobilization ng kanilang air assets na dineploy para sa paghahatid ng COVID-19 vaccine sa malalayong lalawigan. Sunod nilang target ang delivery sa mga medical center and hospitals sa Northern Luzon, ayon kay PAF PIO chief Col. Meynard Mariano. (JESSE KABEL) 215

Read More

Palasyo aminado PAGBABAKUNA BUMAGAL

BUMAGAL nang bahagya ang COVID-19 vaccine rollout ng pamahalaan dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga health worker na makapamili ng gusto nilang brand ng bakuna. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa tanong kung ang target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong indibidwal laban sa COVID-19 sa pagtatapos ng taon ay maisasakatuparan lalo pa’t naideliber na sa bansa ang 1.12 million donated doses ng COVID-19 vaccine mula Sinovac at AstraZeneca—na parehong ibinibigay ng two doses. “Huwag mo naman i-compute iyong high end [na target].…

Read More

PINAS ‘DI NA KAYANG BUMALIK SA STRICTER QUARANTINE LEVEL

HINDI na kayang bumalik ng Pilipinas sa “stricter quarantine levels” sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases. Sa Metro Manila, nakapagtala ito ng 1,025 new daily cases sa nakalipas na 7 araw, tumaas ng 42% mula sa nakalipas na linggo at 130% kumpara sa nakalipas na 2 linggo, ayon sa OCTA Research group. Ang impeksyon ay mabilis na kumakalat kumpara noong “July-August surge,” ng nakalipas na taon, nang ang National Capital Region (NCR) ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na third strictest ng 4 lockdown levels. At nang…

Read More

Isabela mayor nadulas ARROYO BINUKING SA ILEGAL NA PAGPAPABAKUNA

(BERNARD TAGUINOD) UMUGONG ang balitang nabakunahan na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo gamit ang bakunang hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) matapos itong ikwento mismo ng nakasama niyang alkalde. Ibinuko ni Cabatuan, Isabela Mayor Charlton Uy ang pagpapabakuna ni Rep. Arroyo gamit ang Covovax, sa pakikipag-usap nito sa mga opisyal ng kanyang bayan hinggil sa kanilang vaccination program. “I was with Congressman Mikey Arroyo last night and he mentioned, what was that? Novavax? They say it’s better because it is supposedly 91 percent [effective]. We have to pledge…

Read More

QUARANTINE HINDI PA KAILANGANG HIGPITAN

WALA pang nakikitang pangangailangan o dahilan ang pamahalaan para magpatupad ng mahigpit na community quarantine sa kabila ng pagsirit ng bilang ng bagong COVID-19 cases. Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sabay sabing maaari namang magpatupad ang local governments ng granular lockdowns. “Right now, hindi naman kinakailangan—if you’re talking about mag-MECQ (modified enhanced community quarantine) ba tayo or ECQ (enhanced community quarantine). Hindi naman po kailangan,” ang pahayag ni CabSec Nograles nang tanungin kung may tsansa ba na ang bansa ay isailalim sa “stricter lockdown.” “The LGUs already…

Read More

Mula nang ikasa ang vaccine rollout NABAKUNAHANG PINOY NASA 29K NA

TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Pilipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1. Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.” Nakapagpadala na ang pamahalaan ng 383,980 doses ng bakuna na dinevelop ng Chinese firm Sinovac at British-Swedish pharmaceutical company AstraZeneca sa mga ospital at medical facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa. Inaprubahan naman ng Food and Drug Administration (FDA)…

Read More

PANUKALA PARA SA PROTEKSYON NG KABABAIHAN, INIHAIN NG ALL WOMEN SENATORS

ISINUSULONG ng mga babaeng senador ang panukala para sa pagbuo ng mga hakbangin na tutugon sa gender-differentiated needs at iba pang public health concern ng mga babae partikular ang mga kabataan sa panahon ng emergencies at disasters. Ang Senate Bill 2088 o ang proposed Gender Responsive and Inclusive Pandemic Management Act of 2021 ay inihain nina Senador Risa Hontiveros, Nancy Binay, Pia Cayetano, Leila de Lima, Imee Marcos, Grace Poe at Cynthia Villar sa araw mismo ng pagdiriwang ng International Women’s Day nitong Lunes. Sa kanya namang privilege speech sa…

Read More

BENEPISYO NG 3M SSS MEMBERS MAGLALAHO

AABOT sa tatlong milyong kasapi ng Social Security System (SSS) ang posibleng hindi pakinabangan ang kanilang mga benepisyo kung patuloy silang hindi magbabayad ng buwanang kontribusyon. Inilabas ito ng mismong pangulo at chief executive officer ng SSS na si Aurora Ignacio kasabay sa pagkumpirma na itinuloy ng ahensiya ang 13 porsiyentong buwanang hulog ng mga miyembro simula noong Enero 1 ng kasalukuyang taon. Higit itong mataas mula sa 12% sinisingil sa mga kasapi. Sa 13%, ang hatian dito ay 4.5% sa bahagi ng manggagawa o empleyado, at 8.5% sa parte…

Read More