TIBO, KASABWAT HULI SA BUY-BUST

BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at ng Philippine Drug Enforcement agency (PDEA), ang isang tomboy at kasabwat nito, sa isinagawang buy-bust operation sa Paco, Manila, iniulat ng pulisya nitong Lunes. Kasalukuyang nasa kustodiya ng District Drug Enforcement Unit ng MPD ang mga suspek na sina Marife Bunaga, alyas Tomboy, 37; at Roberto de la Cruz, 46, kapwa residente ng Paco, Maynila. Batay sa ulat ni P/Major Dionelle Brannon, hepe ng DDEU-MPD, nagsagawa ng buy-bust operation sa target na si “Tibo” sa bahay nito bandang alas-8:30 ng…

Read More

Lumabag sa health protocols 2 MAKATI RESTO BAR IPINASARA

AGAD ipinasara ni Makati City Mayor Abby Binay ang dalawang resto bar sa Brgy. Poblacion matapos mahuli sa isinagawang raid ng mga awtoridad noong Biyernes ng gabi, sa paglabag sa curfew at hinahayaan ang mga kostumer na hindi sumunod sa ipinatutupad na social distancing. Ipinag-utos din ni Mayor Binay ang kanselasyon ng permit ng Movida Fashion Food and Club at Royal Indian Curry House, dahil sa nasabing paglabag. Nagbabala rin ang mayor sa mga establisimyento sa lungsod at gayundin sa mga parokyano, na seryosohin ang mga patakaran ng LGU tungkol…

Read More

Protocols hinigpitan, granular lockdown pinairal sa Maynila, Camanava area COVID CASES TULOY SA PAGSIRIT

NAGTALA ng tig-isang patay ang mga lungsod ng Malabon at Navotas dahil sa COVID-19 noong Marso 7, habang umabot na sa 1,499 ang active COVID cases sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area. Ang pinakahuling namatay sa Navotas ang ika-199 pandemic fatality sa fishing capital, kung saan 6,391 na ang tinamaan ng COVID at 5,678 ang gumaling. Sumipa naman sa 514 ang active cases sa lungsod matapos na 79 ang magpositibo sa swab test at 12 lamang ang naitalang gumaling. Nabatid naman sa City Health Department ng Malabon City na…

Read More

DEPORTASYON SA DUTCH ACTIVIST PINANINDIGAN NG BI

TINANGGIHAN ng Bureau of Immigration (BI) ang apela ng Dutch national na si Otto Rudolf De Vries kaugnay sa kanselasyon sa kanyang residence visa. Sa kautusan noong Pebrero 26, ibinasura ng 3-man BI Board of Commissioners (BOC) ang kahilingan ni De Vries na baliktarin ang ruling kaugnay ng kanselasyon ng Section 13 permanent residence visa. Ayon sa BI BOC, ang motion for reconsideration na inihain ng dayuhan noong Pebrero 8, ay walang valid legal cause. Ibinasura ang apela ni De Vries dahil sa pagkabigong magbigay ng ebidensiya para mabaliktad ang…

Read More

SINO PROTEKTOR NG CLOUD TRAVEL SA BI?

BAGO pa man nabuking ang modus ng mag-asawang Sharon at Peter Paul Lai ng Cloud Travel Consultancy Corp. ay maraming Chinese ­nationals na umano ang ­naging biktima ng mga ito na ­nabigyan ng fake documents kagaya na lamang ng fake visa upon arrival at DFA Endorsement upang makapasok bilang POGO workers sa bansa. Ayon sa ating source mula sa NAIA ay kasabwat umano nina Sharon at Peter ang ilang mga opisyal ng Bureau of Immigration Travel Control Enforcement Unit o BI-TCEU upang makapasok sa bansa na hindi na sisitahin ang…

Read More

SYMBOLIC COVID-19 VACCINATION SA BULACAN

PINANGUNAHAN ng Provincial Government ng Bulacan ang simbolikong COVID-19 vaccination sa 833 frontline health workers ng Bulacan Medical Center (BMC) na unang nakatanggap ng bakuna na ginanap sa harap ng Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod ng Malolos nitong Lunes ng umaga. Ang naturang kick-off activity ng COVID-19 vaccine rollout sa probinsiya ay pinangasiwaan ni Dr. Emily Paulino ng Department of Health-Bulacan (DOH-Bulacan) na sinaksihan nina Governor Daniel Fernando, Board Member Alex Castro ng Ikaapat na Distrito at ng lahat ng mga head department ng Kapitolyo sa pangunguna ni…

Read More

CIGARETTE MAKING MACHINES, PEKENG SIGARILYO HULI SA BOC-ESS

Naglunsad ng sabay-sabay na operasyon ang Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (EG-ESS) na dahilan ng pagkakahuli ng cigarette ­making machines, ­counterfeit cigarettes at iba pang paraphernalia sa mga storage facilities na matatagpuan sa Barangay Balagtas, Orion Bataan. Armado ng Letter of ­Authority (LOA) na pirmado ni Commissioner Rey ­Leonardo B. Guerrero, ang mga ­miyembro ng BOC-ESS sa pakikipag-ugnayan sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng inspeksyon sa dalawang storage facilities at nadiskubre ang…

Read More

SCANNING CAPABILITIES NG BOC PINALAKAS

Bilang isang border protection unit na ang mandato ay mapalakas at magbantay sa 17 puerto sa buong bansa, dinagdagan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang ipinapatupad na mga pamamaraan sa scanning at inspection capabilities kaugnay ng tinatawag na enhancement ng kanilang x-ray operations. Sa pamamagitan ng kanilang Interim Training and Development Division (ITDD), nagsagawa ang ahensiya ng ibat-ibang pagsasanay sa kanilang mga tauhan na nakatalaga sa X-ray Inspection Project (XIP). Ang mga ito ay ang port personnel ng XIP, Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation…

Read More

CLAIMANT HULI SA P13.62-M SHABU SA BOC-NAIA, PDEA, NAIA-IADITG

Huli sa Bureau of Customs NAIA, BOC Quick Response Team (QRT ESS), Philippine Drug Enforcement Agency Region III at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang panibagong claimant ng illegal drugs sa isang controlled delivery operation sa Sta. Maria, Bulacan noong Marso 5, 2021. Dakong alas-5:00 ng hapon ang consignee, na nagngangalang “Jayson Quiloy”, 38-anyos, ang nag- claimed ng package na naglalaman ng 2,003 gramo ng metamphetamine o “shabu” na nasa loob ng 2 hotpot grills. Ang nasabing ­package ng shabu ay ­tinatayang may street value na Php13,620,400. Naunang…

Read More