Kasunod ng ‘shoot-to-kill’ order ni Digong 3 patay, ilan pang aktibista nawawala ‘DEADLY RAID’ SA CALABARZON

NI LOU DEL CARMEN TATLO ang iniulat na napatay habang may ilang nawawala sa halos magkakasabay na “raid” ng umano’y nagpakilalang mga pulis sa mga bahay at tanggapan ng makakaliwang grupo sa Calabarzon area nitong Linggo. Ang madugong raid ay naganap matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tropa ng pamahalaan na “shoot and kill right away” ang mga komunista na patuloy na gumagawa ng krimen tulad ng pangingikil, rape at panununog. Sa sinasabing ‘police raid’, kabilang umano sa napatay si Manny Asuncion, kilalang lider ng grupong Bayan sa Cavite.…

Read More

WANTED RAPE SUSPECT NAARESTO NG PNP-AKG

ISANG fugitive rape suspect ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group sa inilunsad na law enforcement operation sa Brgy. Pasil, EB Magalona City, Negros Occidental nitong Linggo. Ayon sa ulat na isinumite kay PNP chief, P/General Debold Sinas, ni PNP-AKG director, P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang wanted personality na itinuturing na no. 1 most wanted person in city level, ang inaresto dahil sa panggagahasa sa isang 12-anyos na pamangkin nito. Kinilala ni BGen. Estomo ang suspek na si Romeo Dela Torre Taberos na pakay ng…

Read More

32 TULAK NABITAG SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa 32 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang 17-anyos na lalaki, ang binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, sa pagitan ng alas-11:00 ng umaga noong Sabado hanggang 2:20 ng madaling raw nitong Linggo, isinagawa ang buy-bust operation sa tatlong lungsod at at pitong bayan na nagresulta sa pagkakaaresto sa 32 hinihinalang mga tulak. Nanguna sa pinakamaraming bilang ng dinampot na mga tulak ang Lungsod ng Bacoor (11), sumunod ang General Mariano…

Read More

LALAKI NATUHOG SA GATE

LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na matuhog ng matulis na bakal sa gate ng kanilang bahay sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, Sabado ng gabi nang madiskubre ng kanyang kapitbahay ang bangkay ng biktimang si Daniel Lopez na nakasabit sa gate ng kanyang bahay sa Roseville Subdivision, Barangay Dita. Nakatuhog sa dibdib nito ang matulis na grill na bakal. Wala namang nakakita kung paano natuhog ang biktima. Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad kung may foul play sa pangyayari. (NILOU DEL…

Read More

Sa pagsipa ng covid cases NCR CINEMA OPENING HINDI TULOY – MMC

MAGLALABAS ngayong linggo ang Metro Manila mayors ng “opisyal na gabay” tungkol sa pagpapaliban sa pagbubukas ng mga sinehan at pasyalan sa National Capital Region (NCR) dahil sa pagsipa ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Batay ito sa kasunduan ng Metro Manila Council (MMC) noong Sabado, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr., matapos makipagpulong ang mga alkalde sa Department of Health (DOH). Ngayong Marso ang pagbubukas sa 25% kapasidad ng mga sinehan sa NCR. Nabatid ng mga alkalde na pumapalo sa 900 ang…

Read More

RIDER INABUTAN NI KAMATAYAN SA DAAN

PATAY ang isang 42-anyos na technician ang atakehin umano sa puso habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Malabon City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Richlee Mangali ng Block 6, Lot 11, Tahiti St., Crystal Places, Malagasang II-C, Imus, Cavite. Ayon kay Malabon Police Vehicular Traffic Investigation Unit chief, P/Capt. Andres Victoriano, minamaneho ng biktima ang isang Honda Beat motorcycle na may plakang CC-27646, dakong alas-8:34 ng gabi sa C-4 Road patungong Navotas City. Ngunit bago dumating sa kanto ng Leoño St., Brgy. Tañong ay nawalan ito ng kontrol…

Read More

MURDER SUSPECT INARESTO SA CITY JAIL

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang inmate dahil sa kasong murder, sa loob mismo ng selda ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang inaresto na si Lexter Betito alyas Jomarie Betito y Padernal, ng Gate 46, Parola Compound, Tondo, Manila. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng MPD- Station 13, bandang alas-3:00 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek. (RENE CRISOSTOMO)   450

Read More

PAGTUPAD NG INDIGENOUS PEOPLES SA EVOSS LAW KASADO NA

IKINALUGOD ni Senador Win Gatchalian ang pagtupad ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa mga probisyon ng Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS), dalawang taon matapos itong maging isang ganap na batas, at pasinayaan ang pagsusulong ng mga proyekto sa industriya ng enerhiya. Sa isang Commission En Banc Resolution, inaprubahan na ng NCIP ang nakasaad na time frame sa paglalabas ng Certificate of Non-Overlap (CNO) at Certification Precondition (CP) alinsunod sa ilalim ng EVOSS, ang batas na nagpaikli sa pagpo-proseso ng mga permit ng mga nagtataguyod ng energy projects sa…

Read More

TOURISM AT FOOD BUSINESS WORKERS SUNOD BAKUNAHAN

NANANAWAGAN ang isang advocacy group na isunod sa mga frontliner na bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business. Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, “gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, definitely tourism is the fastest way kasi isang taon nakakulong sa bahay ang mga tao and surely they want to go somewhere else”. “Sigurado maeenganyo ang mga turista lalo na mga local tourist na pumunta sa isang pasyalan kung alam nila na hindi sila mahahawa ng mga workers doon dahil nabakunahan na…

Read More