ISINUSULONG sa Senado ang pagpapalakas sa Bureau of Fire Protection (BFP) upang higit itong maging epektibo sa pagtugon sa mga insidente ng sunog. Sa isang pahayag kamakailan, binigyang-diin ni Senador Bong Go ang kahalagahan na mapagbuti ang serbisyo ng BFP at kasabay nito ay pinaalalahanan niya ang publiko na ang buwan ng Marso ay “Fire Prevention Month”. Ayon kay Senador Go, “maging mas maingat po tayo dahil itong buwan na ito ay panahon ng mga sunog at mahihirapan ang ating mga bumbero na maapula ang mga sunog kapag nagsabay-sabay na…
Read MoreMonth: March 2021
REMEDYO SA AN-AN
Ni Ann Esternon Ang an-an (tinea versicolor) ay isang uri ng sakit sa balat. Ang sakit na ito ay dala ng fungal infection o fungus na hindi makontrol ang dami ngunit ito ay hindi nakahahawa. Ang itsura nito ay patches sa balat na kulay puti (o darker) na parang mapa (maaaring bumalot sa malaking bahagi ng katawan) kumpara sa ibang natural na kulay ng balat. Ito rin ay makati at parang nagkakaliskis. Nagkakaroon ng an-an kapag tayo ay may oily skin, pawisin, mahina ang immune system (o pag-inom ng medikasyon na…
Read MoreMGA BENEPISYO NG SAPAT NA TULOG
Ni Ann Esternon Mahalaga sa bawat isa sa atin na magkaroon ng sapat na tulog upang makuha ang mga benepisyo nito partikular para sa ating kalusugan upang manatiling maayos ito o malusog. Ang halaga ng sapat na tulog ay kasing halaga rin ng regular na ehersisyo at tamang pagkain. Ang tulog na sapat ay dapat ding nasa oras at hindi basta kung kailan ka lamang gustong matulog. Tandaan na ang tulog sa gabi ay mas mabuti kumpara sa tulog sa umaga o kung kailan may araw. MGA BENEPISYO NG SAPAT…
Read MoreBAKIT NAKARARANAS NG KABAG?
Ni Ann Esternon Ang kabag (gastritis) ay anumang uri ng kondisyon na maaaring magpamaga sa ating stomach lining o protective lining sa ating tiyan. Ang kabag ay nakukuha sa sobrang pag-inom ng alak, sobrang pag-inom ng pain medications, o pagkakaroon ng H. pylori bacteria. Ang pasyente ay maaaring makaranas ng pagduduwal, pagsusuka, at isang negatibong sensasyon sa tiyan. Kapag napabayaan ang kabag ay maaaring mauwi ito sa chronic gastritis na tatagal ng ilang taon. Kapag sira o manipis ang stomach lining, prone rin ang taong magkaroon ng gastritis. Nakararanas din ng…
Read MoreKAWALAN NG PANDINIG, NAKAAALARMA
Ni Ann Esternon Maraming dahilan kung bakit humihina o nawawala ang pandinig. Ayon sa pag-aaral, ang kawalan ng pandinig ay maaaring nasa lahi o namamana. Ito rin ay dahil kung may dysfunction sa looban ng tainga, cochlea, auditory nerve, o dahil sa brain damage. Ang pagkawala ng pandinig ay nasa isang tainga (unilateral) o parehong tainga (bilateral). Ang pagkawala ng pandinig ay nangyari bago pa makapagsalita ang isang tao (pre-lingual) o matapos na matutong na makipag-usap (post-lingual). Ang pagkawala ng pandinig ay pareho sa magkabilang tainga (symmetrical) o magkakaiba sa…
Read MorePAGLABO NG PANINGIN, BIGYANG PANSIN
Ni Ann Esternon Ang pagkasira ng ating paningin ay bagay na dapat na ikonsidera. Kapag nasisira ang paningin ito ay dahil sa eye trauma, pagkakaroon ng katarata (lalo sa nagkakaedad), pagkasira ng retina dahil sa sakit na diabetes, pamamaga ng optic nerve, migraine at marami pang ibang kadahilanan. Ang kadalasang pagkasira ng paningin ay dahil sa edad lalo na sa mga tumatanda. Isa pa rito ay kung laging tutok ang mga mata sa paggamit ng computer. Gayunman, ang pagkasira ng paningin ay maaaring maremedyohan ng pagsuot ng tamang salamin sa…
Read MoreINTERNATIONAL WOMEN’S DAY, PAANO NAGSIMULA?
Ni Ann Esternon Sa Marso 8 ay gaganapin ang International Women’s Day. Anong nalalaman ninyo rito? Ang Women’s Month o Buwang ng mga Kababaihan ay isang paggunita sa mga kontribusyon ng mga kababaihan sa pag-angat ng lipunan. Unang kinilala ang okasyon bilang International Women’s Day noong Marso 19, 1911 na ipinagdiwang ng mga kalalakihan at kababaihan. Simulan ang pagkilala sa mga kababaihan sa Amerika mula sa mga hanay ng garment workers na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Nabago ang petsa ng pagdiriwang nang magkaroon ng malagim na insidente kung saan noong…
Read MoreLTO, TINAWAG NA MONEY MAKING OFFICE
TINAWAG ni Senador Richard Gordon na money-making office ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa iba’t ibang programa na hindi dumaraan sa tamang proseso. Tinukoy ni Gordon ang mga programa kaugnay sa mga plaka ng sasakyan at ang bagong polisiya sa inspeksyon ng mga sasakyan bago ang pagrehistro na ipinaubaya sa Private Motor Vehicle Inspection Companies (PMVIC). “Talagang nagma-money making,” pahayag ni Gordon sa panayam ng DWIZ. “Tingin ko ginagamit para may campaign fund. May nag-uutos sa kanila para may campaign fund,” diin pa ni Gordon. Kinumpirma ni Gordon na…
Read MoreIMEE, KONTRA SA PAGBABA NG TARIPA SA IMPORTED NA BABOY
KINONTRA ni Senador Imee Marcos ang plano ng gobyerno na ibaba ang taripa sa imported na karne ng baboy upang dumami ang suplay nito sa bansa. Sa paniniwala ni Marcos, mayayamang importer at hindi ang taumbayan ang makikinabang sa planong ito ng gobyerno. Sinabi ni Marcos na kayang bayaran ng mga importer ang taripa hindi naman ito makaaapekto sa kanilang kita kaya’t hindi na nila kailangan ng dagdag na ayuda. “Nagulat ako sa NEDA sinuportahan ang DA na mag-import uli. Bakit pa natin tutulungan at ibabagsak ang taripa akala ko…
Read More