MABILIS NA PAGPAPAUNLAD SA PABAHAY ITINAKDA SA PAMPANGA

SA kabila ng hamon na dulot ng nagpapatuloy na pandemiya ay itinakda sa lalawigan ng Pampanga ang mapabilis pa ang pagpapaunlad sa programang pabahay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng benta at demand ng komunidad na magkaroon ng sariling bahay. Ito ang isiniwalat ni housing Czar at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario kaugnay ng kanyang pagbisita at pag-inspeksyon sa site ng Xevera Mabalacat Township project nitong Biyernes. Ang pormula ng Pag-Ibig Fund partikular para sa mga proyekto ng Xevera ay naging…

Read More

DUTERTE MULING BINIRA ANG ABS-CBN

MULING binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN network. Hindi kasi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang ginawa ng may-ari ng ABS-CBN network na nagpalabas ng paumanhin subalit kalaunan ay itinanggi naman ang kanilang pagkakamali. Sa naging talumpati ng pangulo sa Cagayan de Oro City ay inalala nito kung paano humingi ng paumahin ang ABS-CBN para sa kanilang pagkukulang noong nakaraang taon bago pa sapilitang ipatigil ang kanilang free-TV operations bunsod ng kanilang expired franchise. “Sila pay ga-apologize. Headline, nasa front page,” ayon sa punong ehekutibo. “Oh og di ka…

Read More

P20-M PROJECTS IPINAMAHAGI NA SA MGA ‘NPA-FREE’ BARANGAY

NAGSIMULA na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto sa mga barangay na wala na umanong presensiya ng New People’s Army (NPA). Lumipad si Pangulong Duterte sa Cagayan de Oro City, araw ng Biyernes para dumalo sa pulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na nakatanggap ng P19 bilyong piso sa ilalim ng 2021 budget. Sa ilalim ng alokasyon, may kabuuang 822 barangay ang inaasahan na makakakuha ng tig-P20 million sa development assistance. “We have 822 barangays under…

Read More

GRADE 8 STUDENT, 4 PA HULI SA DRUG DEN

LIMANG drug personality, kabilang ang isang 17-anyos na totoy, ang dinamba sa isang hinihinalang drug den noong Biyernes ng gabi sa Valenzuela City. Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Paulo Rejuzo, 26, ng Bagong Sikat, Purok 4, Mapulang Lupa; Alexander Calub, 38, ng Home Centrum Subd., Mapulang Lupa; Richmon Laguna, 27; Aeriel Vincent Corneta, 22, ng Guansing St., Marulas, at ang 17-anyos na Grade 8 student na si alyas “Tukmol”. Ayon sa ulat, alas-11:50 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa Unit-4 Trinidad Building sa West Service…

Read More

MANILA LGU NAGBABALA VS FAKE SWAB TEST

BINALAAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang sindikato kaugnay sa operasyong pag-aalok nang mabilisang swab test kapalit ng kaukulang halaga at nambibiktima ng mga tao gustong makabalik ng kanilang probinsya. Ang babala ay ginawa ng alkalde makaraang iprisenta ng Special Mayor Reaction’s Team (SMaRT), sa pangunguna ni Lt. Col. Rosalino (Jhun) Ibay Jr., ang dalawang suspek na kinabibilangan ng isang lalaki at babae, na nambibiktima umano ng mga Badjao na nais umalis ng Maynila at bumalik sa kanilang probinsya. “Uulitin ko, ang swab test sa Maynila ay…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA E-MAIL SCAM

NAGBABALA ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) sa publiko hinggil sa kumakalat na e-mail scam na gumagamit ng pangalan ng kanilang tanggapan upang makapanloko ng ibang tao. Ayon sa PhilPost, modus ng mga tiwaling indibidwal na impormahan ang bibiktimahin, sa pamamagitan ng e-mail, text o social media messages, na may nagpadala sa kanila ng parcel o sulat na dapat kunin sa post office ngunit kalaunan ay sasabihin na mayroon itong kaukulang bayad. “Pinapaalalahanan ng Philippine Postal Corporation ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga e-mail, text o social media messages…

Read More

MURDER SUSPECT ARESTADO SA BULACAN

ARESTADO ang isang number 4 most wanted person sa Maynila dahil sa kasong murder, ng mga operatiba ng Manila Police District sa Pandi, Bulacan nitong Sabado ng tanghali. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na kinilalang si Alvin Moya, alyas “Mike Pagdaraong,” 29, residente sa Gate 46, Parola Compound, Binondo. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Domingo, station commander ng MPD-Station 13, bandang alas-11:00 ng tanghali nitong Marso 6 nang arestuhin si Moya sa Pandi, Bulacan, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ana…

Read More

Globe kinilala bilang Global Rising Star in Video and Voice App Experience ng Opensignal

KASUNOD ng tuloy-tuloy nitong performance year on year sa 4G network at 5G improvements, ang Globe ay itinanghal na Global Rising Star in Video and Voice App Experience ng international analytics firm Opensignal sa Global Awards nito ngayong Marso. Ang kompanya ay kinilala sa pagkamit ng 16% improvement laban sa global average na 5.8% para sa Video Experience, base sa datos na nagkukumpara sa H2 2019 at H2 2020. “Consistency is key in delivering better service to our customers, and this award is a validation of our efforts towards improving…

Read More

MAG-UTOL NA HOLDAPER, NALAMBAT SA CAVITE

CAVITE – Nadakip ang dalawang lalaking magkapatid makaraang tangayin ang P18,000 halaga ng pera mula sa hinoldap nilang tindahan sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito. Kinilala ang mga suspek na sina Abdul Rahim Madrona, 42, at Omar Madrona, 43, kapwa residente ng Kalayaan, Kawit, Cavite, agad nadakip ng mga awtoridad makaraan ang maigsing habulan, Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagario, ng Tanza, Police, dakong alas- 2:50 ng hapon noong Biyernes nang mangyari ang insidente sa tindahan ng biktimang si Edgar Padulla, 50, ng Casa Amaya Subd., Brgy. Amaya…

Read More