WALANG ibang dapat na mabago sa mga nasa law enforcement natin kundi ang kanilang mga asal o “values”. Kahit anong panukalang batas pa ang ipasa ng Kongreso para pigilan ang korapsyon at katiwalian, hindi pa rin ito garantiya na tuluyan itong mawawalis sa ating lipunan. Kung tutuusin ay sobra-sobra na nga ang mga batas natin sa Pilipinas pero ganunpaman ay balewala pa rin ito lalo na sa mga tiwali na nasa pamahalaan. Sobrang dami na talaga ng korap at sobrang lala na ng korapsyon sa sistemang ating ginagalawan. Kapag ikaw…
Read MoreMonth: March 2021
NAPAKABULOK ANG IDEYA NG INQUIRER COLUMNIST TUNGKOL KAY ROBREDO (1)
ABSOLUTO ang paniniwala at paninindigan ko na hindi masamang purihin ang sinumang opisyal ng pamahalaan, kabilang si Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo, sa kanilang mga nagagawa. Ngunit, huwag naman umabot ang papuri sa pagpapakawala ng bulok na ideya upang bumango lang ang pangalan at kredebilidad ni Robredo, partikular na kung ikakabit ito sa makasaysayang “EDSA Uno” na naganap noong 1986. Hindi ako nagbabasa ng kolum na “Horizons” ni Richard Heydarian sa Philippine Daily Inquirer (PDI) dahil hindi ko gusto at hindi rin ako kumbinsido sa mga “analysis” ni Heydarian…
Read MoreSa pag-arangkada ng vaccine rollout MONITORING SA SIDE EFFECTS KASADO NA
PREPARADO na ang deployment plan ng National Adverse Event Committee na siyang tatanggap ng mga ulat na may kinalaman sa masamang epekto na mararanasan ng isang nakatanggap na ng bakuna. Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, Executive director of Philippine Foundation for Vaccination, nakahanda na ang komite sa pagtanggap at pagkuha ng impormasyon hinggil sa anomang maiuulat na adverse event. Mahalaga ani Dr. Bravo na makita at mai-report ang anomang side effect dahil makatutulong ito sa harap ng pagsisikap ng gobyerno para maging maganda ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna. Mula…
Read MoreRoque: Kung sa Palasyo ay Laging Handa LENI LAGING MALI
ITINUTURING ng Malakanyang na conter-part ng Laging Handa ng pamahalaan si Vice President Leni Robredo. Ang tinutukoy ni Sec. Roque ay ” Laging mali” si Robredo. Hugot ni Roque sa panibagong buwelta sa bise presidente ay nang sabihin nitong dapat dumaan sa Health Technology Assessment sang-ayon sa Universal Health Care ang pagdating ng Sinovac sa bansa. Sinabi ni Sec. Roque na malinaw naman kasi sa probisyon ng batas na ang HTAC ay isang transparent priority setting mechanism na recommendatory sa DOH at hindi mandatory gaya ng pinalalabas ni Robredo. Ang…
Read MorePara may makulong na protektor, financier MAHUHULIHAN NG DROGA ‘GUILTY’ AGAD
UMAASA ang isang mambabatas sa Kamara na may mapapanagot nang drug lord, protektor o malalaking tao sa likod ng operasyon ng ilegal na droga ngayong pasado na ang batas na magpapalakas sa kampanya laban dito at ituturing agad ‘guilty’ ang mga mahuhulihan ng droga. “Your days are numbered,” banta pa ni House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers sa mga sangkot sa ilegal na droga matapos maipasa ang House Bill (HB) 7814 na naglalayong palakasin ang kampanya at tumbukin na ang mga drug lord kasama na ang mga…
Read MoreMAGSASAKA, HOG RAISERS PAKINGGAN
HINILING ni Senador Grace Poe sa executive department na dinggin ang hinaing ng magsasaka at livestock raisers bilang suporta sa pamamagitan ng hindi pagpapababa ng taripa sa inaangkat na bigas at karne ng baboy na magbubukas sa pagbaha ng imports at hahagupit sa lokal na produksiyon. Sa pahayag, sinabi ni Poe na sinalanta ng African swine fever (ASF) ang halos lahat ng pig farms sa Luzon kaya umurong ang malalaking conglomerates. “How will local production recover if we flood the market with imports without the necessary assurance that pork and…
Read MoreLEARNING RECOVERY PINASISIMULAN
“KAHIT tuluyan na nating masugpo ang COVID-19, patuloy pa rin tayo sa pagtugon sa mga pinsalang idinulot ng kawalan ng face-to-face classes. Bukod sa pag-urong ng kaalaman, kabilang din dito ang pag-akyat ng mga kaso ng karahasan, pang-aabuso, at ang pagdami ng mga batang ina.” Ito ang sinabi ni Senador Win Gatchalian na siyang matagal nang nagsusulong ng localized limited face-to-face classes para mapabilis ang “learning recovery” ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng “Proposed Senate Resolution (PSN) No. 663 taking into consideration PSN 668,” isinusulong ng Senado ang rekomendasyon na…
Read MoreSinang-ayunan ng Senado F2F LEARNING ILALARGA NG DEPED
POSIBLENG matuloy na ang plano ng Department of Education (DepEd) na paglulunsad ng face-to-face classes sa kalagitnaan ng implementasyon ng sistemang distance learning dahil nagpasya ang Senado pabor dito. Subalit, nilinaw ng Senado na dapat isagawa ito ng DepEd sa mga paaralang sakop ng mga lugar na mababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga buwan. Ang hakbang ng Senado na tinawag nitong “pilot testing” ng pagbabalik ng face-to-face learning method ay nakasaad sa Proposed Senate Resolution No. 663 (PSR 663) na ipinasa nitong Martes. “It is…
Read MoreTAIWANESE NASAGIP NG PNP-AKG * Gumahasa sa apo, nasakote
ISANG Taiwanese national ang nailigtas ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa Parañaque City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni P/Gen. Estomo, kinilala ang nailigtas na dayuhan na si Wu Keng Hao. Ayon kay PNP-AKG spokesman. P/Lt. Col. Rannie Lumactod, isinagawa ang rescue operation matapos silang makatanggap ng ulat hinggil sa pagdukot sa biktima, mula sa isang Dr. Charlie Wu na kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office Police Attaché. Inabutan ng mga tauhan ng PNP-AKG Intelligence Research and…
Read More