PINAHINTO ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng aktibidades sa pagka-quarry sa Lian, Batangas matapos malaman na wala itong permit mula sa lokal na pamahalaan. Anim ang inarestong indibidwal noong Hunyo 24 dahil sa pagsasagawa ng quarry nang walang kaukulang dokumento mula sa gobyerno. Sinabi ni Cimatu, bagama’t mayroong Special Permit to Transport and Dispose mula sa Batangas Provincial Environment and Natural Resources Office, wala naman itong permit mula sa bayan ng Lian. Wala rin umanong naipakitang permit mula sa DENR-Mines and Geosciences Bureau sa Calabarzon na nagsabing walang…
Read MoreDay: July 4, 2021
MAG-TIYUHIN TODAS KAY LOLO
CAVITE – Patay ang isang 47-anyos na lalaki at nadamay ang kanyang 15-anyos na pamangkin nang pagbabarilin ng kanilang lolo matapos na magtalo dahil sa linya ng tubig na dumaan sa bahay ng huli sa Gen. Trias City noong Sabado ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Gentri Doctors and Gentri Medical Hospital ang mag-tiyuhin na sina Alfredo Alcaraz y Javier, at alyas Yumiko, 15, kapwa residente ng Brgy. Javalera, Gen. Trias City habang arestado naman sa follow-up operation ang suspek na si Alfredo Javier ng nasabi ring lugar. Ayon…
Read MoreDRIVER NIRATRAT NG PINSAN, PATAY
BATANGAS – Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng kanyang pinsan sa bayan ng Balete sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ng Balete Police ang biktimang si Marlon Linatoc, 37, residente ng Barangay Malabanan. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga, nakaupo sa kanyang tricycle ang biktima na nakaparada sa isang basketball court nang lapitan ito ng kanyang pinsan na si David Linatoc Jr., 54, kabarangay ng biktima. Bigla na lamang nagbunot ng baril ang suspek at walang habas na pinagbabaril ang pinsan na…
Read MoreP1.6-M SHABU NADAKMA SA PAROLADO
BATANGAS – Tinatayang P1.6 milyong halaga ng shabu ang nadakma mula sa isang dating New Bilibid Prison inmate sa operasyon ng mga awtoridad sa Batangas City noong Biyernes ng gabi. Batay sa report ng Batangas Provincial Police Office (BPPO), ikinasa ng mga tauhan ng OPD-DEU, PIU BPPO at Batangas City Police ang buy-bust operation kay Joseph Alvarez, sa Sitio Pulo, Brgy. Balagtas dakong alas-9:00 ng gabi. Matapos ang transaksyon, inaresto ang suspek at narekober mula rito ang isang sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 250 gramo at…
Read More17 NPA SA MASBATE SUMUKO SA PNP-PRO5
TUNGO sa pangmatagalang kapayapaan ay patuloy ang pagpupursige ng PNP-PRO5, katuwang ang Philippine Army Southern Luzon Command, upang hikayatin ang mga kasapi ng New People’s Army na magbalik-loob at tanggapin ang mga benepisyo at tulong ng pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay. Sa huling tala ng Bicol PNP, sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, 17 miyembro ng NPA ang sumuko nitong nakalipas na linggo sa pinagsamang mga tauhan ng Aroroy MPS; PIU Masbate; Masbate 1st PMFC; 96MICO; 2nd Infantry Battalion PA 93RD CMO COY; 9CMO Battalion, Army…
Read MoreStar-studded delegation, ipadadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics
LIMAMPU at pitong taon na ang nakalilipas (1964) nang ang Pilipinas ay unang nagkamit ng medalyang pilak sa Olimpiyada sa kagandahang loob ng boksingerong si Anthony Villanueva, na tinalo ng Rusong si Stanislav Stepaski sa kontrobersiyal na desisyon sa finals ng featherweight division para sa gold medal na ginanap sa tanyag na Korakuen Stadium sa Tokyo. Kauna-unahang pagkakataon na ang pangunahing siyudad ng bansang Hapon ay naging lupong abala sa Olimpiyada na noon ay nasa XVII edisyon. Unang pagkakataon din iyon na ang isang bansang Asyano ay nakapag-host na kada…
Read MoreCASIMERO-RIGONDEAUX ULIT
BALIK si Cuban boxer Guillermo Rigondeaux bilang challenger ni John Riel Casimero sa Agosto 14 sa Carson, California, taya ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown ng Pinoy champion. Kinumpirma ni Sean Gibbons, president ng MP Promotions, tuloy na ang laban (Casimero-Rigondeaux) na naunang ikinasa, matapos umatras si WBC champion Nonito Donaire sa dapat sana’y unification fight ng dalawang Pinoy champion. Isang linggo matapos ihayag ang sagupaang Donaire-Casimero bout, nag-palitan ng atake sa social media ang magkabilang kampo, na una’y may kinalaman sa VADA (Voluntary Anti-Doping Association) testing at nauwi…
Read MoreSUNS-BUCKS SA NBA FINALS
Ni VT ROMANO NAGHINTAY ng 47 taon ang Milwaukee Bucks para muling makarating sa NBA Finals. Linggo (Manila time) kahit absent ang superstar na si two-time MVP Giannis Antetokounmpo, tinalo ng Bucks ang Hawks, 118-107 sa Game 6 ng Eastern Conference finals sa Atlanta. Umiskor si Khris Middleton ng 32 points, kasama ang 16 sunod na puntos sa third period, na naging turning point ng laro, upang pangunahan ang Bucks. Isinara ng Milwaukee ang series, 4-2 at umabante sa NBA Finals kontra Suns. Sa Miyerkoles (Manila time) ang Game 1…
Read MoreNAT’L CHAMPIONSHIP TRIALS FOR DOWNHILL SA DANAO
IKINASA ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) ang 2021 National Mountain Bike Championship Trials for Downhill sa Agosto 27-29 sa Danao City sa Cebu. Ipinahayag ni PhilCycling MTB Chairman Boying Rodriguez, handa na ang lahat para sa ikalawang disiplina ng pederasyon at mga bagong magrerepresenta sa bansa sa downhill event sa international tournaments. Nauna rito, noong Hunyo 11-13 ay isinagawa ang 2021 Philippine National MTB XCO (Cross Country). Sanctioned ng Union Cycliste Internationale (UCI), ang international cycling governing body, target ng downhill trials na makahanap ng mga bagong…
Read More