RADIO PROGRAM NI ‘BOY UMBAG’, ‘DI PATOK

SI Ces Drilon ang isa sa mga broadcaster na nawalan ng magandang trabaho nang hindi na bigyan ng Kamara de Representantes ng bagong 25-taong prangkisa ang ABS – CBN Corporation noong 2020. Mahal ni Ces ang pagiging broadcaster, kaya nagpatuloy siya. Nagkaroon ng panibagong raket si Ces kung saan kasama niya si Ang Probinsiyano party-list Rep. Alfred delos Santos. Pokaragat na ‘yan! Kilala ng ­napakaraming tao si Ces dahil sikat na broadcaster ito. Ngunit, hindi natin kilala si Delos Santos kahit mambabatas ang taong ito dahil hindi naman kasing sipag…

Read More

Mga biktima ng sunog kinalinga AYUDA NI MARCOS RAMDAM DIN SA PATEROS

(NELSON S. BADILLA) HINDI lang mga naapektuhan ng Bulkang Taal sa ilang bayan ng Batangas, kundi tinulungan din ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. maging ang ilang pamilyang nasunugan sa Pateros kamakailan. Nag-iisang munisipalidad ng Metro Manila (MM) ang Pateros kung saan maliit lang ang pondong ibinibigay ng pambansang pamahalaan dito. Sabi ni Marcos: “Sa kabutihang loob ng ating mga kaibigan, nakapagparating tayo ng kaunting tulong sa mga nasalanta ng apoy sa may Pateros kamakailan lang”. “Ito sana ay makaalalay sa inyong agarang pagbangon mula sa sakunang ito,” patuloy…

Read More

Labor issues ng food delivery riders IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang mambabatas sa Kamara ang FoodPanda dahil mistulang may sariling batas ito sa paggawa at hindi makatao ang pagtrato sa kanilang mga rider. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, hindi maaaring palagpasin ang hindi maayos na pagtrato ng food delivery service app na ito matapos suspindehin ang may 30 riders ng mga ito na nagpaplanong magprotesta laban sa wage policy ng nasabing kumpanya sa Davao City. “Planning protests are worthy of suspension? Anong batas ba ang umiiral sa Foodpanda? May sarili ba silang Labor Code? May…

Read More

May P1.9-T war chest? DUTERTE TAGILID SA VOTE BUYING

(BERNARD TAGUINOD) MADADAGDAGAN ang kasong isasampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag namili ito ng boto sa susunod na eleksyon para matiyak ang kanyang panalo at ng babasbasan nitong presidential candidate. Ito ang babala ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos ipagyabang ni Duterte sa national assembly ng PDP-Laban noong Sabado na mangangampanya ito ng siyudad sa siyudad, probinsya sa probinsya at magdadala ng sako-sakong pera. Base sa Election Code 181.2, sinoman ang mapatunayang bumili ng boto o kaya nagbebenta ng boto ay maparurusahan ng hanggang 5 taong pagkakabilanggo.…

Read More

ALERT LEVEL 3 NANANATILI SA TAAL

NAKATAAS pa rin sa alert level 3 status ang Bulkang Taal matapos makapagtala ng 10 volcanic earthquakes, siyam na volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang anim na minuto, isang low frequency volcanic earthquake at low level background tremor simula noong Hulyo 8, 2021. Aabot sa 900 metro na volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes ang ibinuga ng bulkan patungong hilagang silangan mula sa main crater nito. Mayroong 2,441 tonelada kada araw na SO2 o sulfur dioxide ang ibinuga mula kamakalawa (Hulyo 18). Ang ground deformation ng bulkan ay…

Read More

DEKALIDAD NA COLLEGE EDUCATION GIIT NG SOLON

BAGAMA’T makatutulong sa professional development ng mga guro ang mga training o pagsasanay kapag nagsimula na silang magturo o ang tinatawag na in-service training, nanindigan si Senador Win Gatchalian na dapat makatanggap ang mga nagbabalak maging guro ng dekalidad na edukasyon sa kolehiyo pa lamang o sa pre-service training. Ang pag-reporma sa sistema ng edukasyon para sa mga guro ang isa sa mga panukala ng Senate committee on basic education, arts and culture noong una nitong kinilala noong 2020 na ang sektor ng edukasyon ay nababalot sa isang krisis. Bagama’t…

Read More

CONCEPCION GANG MEMBER PATAY SA PNP-PRO5

NAPASLANG ng mga tauhan ni ni PNP-Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo ang isang miyembro ng Concepcion organized crime syndicate sa ikinasang law enforcement operation sa Brgy. Libtong, Libon, Albay. Ayon kay P/Brig. General Estomo, target ng police operation ang napatay na si Ernanny Maraño Concepcion, isang hardcore member ng Concepcion criminal group na kumikilos sa Bicol Region, Calabarzon at maging sa Metro Manila. Armado ng warrant of arrest, sumalakay sa Barangay Libtong ang pinagsamang puwersa ng Region Special Operation Unit 5; Regional Police Drug Enforcement Unit 5;…

Read More

2 BEBOT ITINUMBA SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang dalawang babae kabilang ang isang umano’y “asset” ng mga pulis sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Sta. Rosa City at sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Linggo. Dalawang tama ng bala ang tumagos sa katawan ng biktimang si Cora Obo Alojado makaraang pagbabarilin ng suspek na kinilalang si Honorio Dela Cruz sa Sitio Iraq, Brgy. Macabling, Sta. Rosa City alas-3:00 noong Linggo ng hapon. Bumibili ang biktima sa tindahan nang barilin ng suspek na pagkaraan ay mabilis na tumakas. Agad binawian ng…

Read More

15 KATAO ISINELDA SA TUPADA, ONLINE SABONG

CAVITE – Arestado ng Cavite Police ang siyam katao makaraang maaktuhan na nagsasagawa ng tupada habang anim ang nadakip sa online sabong sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-11:00 noong Linggo ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Gen. Trias City Police hinggil sa isinasagawang tupada sa Brgy. Santiago sa nabanggit na lungsod. Agad nagresponde ang mga awtoridad at nadakip ang limang kalalakihan habang nakatakbo ang iba. Nagsagawa rin ng anti-illegal gambling operations ang Silang Police Station sa Sitio Banaba,…

Read More