INDAY INUPAKAN NI YORME ISKO

(NELSON S. BADILLA) INUPAKAN ni Manila Mayor Isko Moreno si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio sa pag-iikot nito sa iba’t ibang lugar na hindi sakop ng kanyang kapangyarihan. Hindi diniretso ni Moreno ang birada niya kay Duterte – Carpio, ngunit tanging ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alkalde ng lungsod na kitang-kitang nagtutungo sa ibang lalawigan. Nang matapos ang kanyang State of the City Address (SOCA), idiniin ni Moreno na: “This is not the right time for taking pictures, aligning, partnership with politicians. Kasi ‘yung mga politiko…

Read More

ILANG LALAWIGAN ISINAILALIM SA ECQ

ITINAAS ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang community quarantine classification ng Iloilo Province at Iloilo City sa enhanced community quarantine (ECQ) mula modified enhanced community quarantine (MECQ). Epektibo ito mula Hulyo 22, 2021 hanggang Hulyo 31, 2021. Gayundin ang ginawa sa Cagayan de Oro kung saan ay mula sa MECQ ay isinailalim na ito sa ECQ. Samantala, ang General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions classification” ay ipatutupad sa Antique at extended ito mula Hulyo 22, 2021 hanggang Hulyo 31, 2021. Ang Misamis Oriental, na galing sa Community Quarantine (MGCQ)…

Read More

BINABANTAYANG LPA GANAP NANG BAGYO

GANAP nang bagyo ang namataang Low Pressure Area (LPA) at kahapon ay pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa ulat ng PAGASA. Namataan ang weather disturbance na ito sa layong 1,240 kilometers sa silangan ng hilagang Luzon. Tatawagin itong bagyong Fabian. Ayon kay Ana Clauren ng PAGASA, bagaman maaring lumakas at maging tropical cyclone, hindi ito inaasahang tatama sa lupa base na rin sa kanilang forecast track. Maaring palakasin pa ng namumuong bagyo ang southwest monsoon o habagat, na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng…

Read More

PANGKAT NI DUTERTE BIBIGUIN SA 2022

HINDI umano makakaasa ng kahit isang boto ang ‘pangkat’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga militanteng mambabatas sa darating na eleksyon dahil kailangang wakasan ang kanilang pamumuno. Ito ang siniguro ng Makabayan bloc sa Kamara na dating sumuporta kay Duterte noong 2016 election na naging dahilan kung bakit nagkaroon ang ilan nilang kaalyado ng posisyon sa gobyerno subalit tinanggal din sila kalaunan. Sa press conference, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na sinoman ang makakalaban ng standard bearer ng administrasyong Duterte sa susunod na eleksyon ay doon umano…

Read More

Spox Roque pumiyok KORAPSYON BIGONG WALISIN NI DUTERTE

AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan. Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon. Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque ng iskor na “8 out of 10” ang pamahalaan sa isyu ng kampanya na linisin ang burukrasya. Ayon kay Sec. Roque, may ginawa nang mga hakbang ang pangulo para walisin ang mga corrupt official, habang ang pakikipaglaban…

Read More

Sa posibleng pagsipa ng kaso ng Delta variant HOSPITAL BED CAPACITY DARAGDAGAN

RENE CRISOSTOMO/CHRISTIAN DALE) BILANG paghahanda sa posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa, iniutos ng Department of Health (DOH) na dagdagan ang bed capacity sa mga pampubliko at pribadong ospital. Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unti-unti na ring ina-upgrade at pinalalawak ang mga pasilidad ng ospital para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19. Dahil dito, inatasan ang mga pribadong ospital na magkaroon ng kahit 20% at karagdagan pang kapasidad para sa posibleng muling pagsipa ng kaso. 30% naman sa mga pampublikong ospital ang…

Read More

DA KINALAMPAG SA TUMITINDING GUTOM

NANAWAGAN si Sen. Grace Poe sa Department of Agriculture (DA) na palakasin at pasiglahin ang produksiyon ng lokal na agrikultura upang maibsan ang kagutumang nararanasan ng maraming Filipino. “Nagugutom ang ating mga mamamayan. Nakababahala ang reyalidad na ito para sa isang bansang agrikultural,” diin ni Poe. Ipinakita ng pinakahuling survey ukol sa kagutuman ng Social Weather Stations na umakyat ang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng gutom sa 4.2 milyon nitong Mayo. Mas mataas ito ng kaunti kumpara sa naitala nitong bilang noong Nobyembre 2020. Patuloy na lumiliit ang sektor…

Read More

‘One Filipino, One Bank Account’ SUSI SA MAAYOS NA AYUDA DISTRIBUTION – SOLON

MAIIWASAN na ang pagkaantala ng pamimigay ng tulong pinansyal ng gobyerno kung direkta itong idi-deposito sa nakatalagang bank accounts ng mga benepisyaryo at hindi na kailangang idaan pa sa mga digital platform na minsan ay sumasablay, ayon kay Senador Win Gatchalian. Ito aniya ang dahilan kung bakit marami ang hindi pa nakakakuha ng kanilang ayuda na noong isang taon pa ipinangako. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2251 o ang panukalang One Filipino, One Bank Account Act na inihain ni Gatchalian, ang mga benepisyaryo ay direkta nang makatatanggap ng ayuda…

Read More

TULONG NG PUBLIKO KAILANGAN SA PAGSUGPO SA KORAPSYON

MAS magiging epektibo at matagumpay ang mga hakbang para basagin ang “vicious cycle” ng korapsiyon, kung makikiisa at magiging aktibo ang publiko sa laban na ito. Isa ito sa mga nakikitang solusyon ni Senador Panfilo Lacson, sa harap ng katotohanan na naging ugali na ng mga nasasangkot na magpalamig at manahimik lamang muna hanggang sa tuluyan nang makalimutan ng tao ang kanilang ginawa. “Some officials have lost all sense of shame. Even if charges are filed against them, they just lie low because they know that once the issue dies…

Read More