KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 50% sa bansa o 109 milyong populasyon ang magiging fully vaccinated laban sa COVID-19 bago mag-Pasko. Ang pahayag na ito ng pangulo ay bunsod na rin ng ulat na may 23 milyong Filipino na ang fully vaccinated. Sa Kalakhang Maynila, 77% ng mga residente ang fully vaccinated. “The challenge is now to further speed up our vaccination rollout, especially in the provinces, in the key cities and municipalities to achieve our target of at least 50% of the country’s target population by the…
Read MoreDay: October 12, 2021
KAWALAN NG TRABAHO BAHAGYANG NATUGUNAN NG DOLE
LUBHANG ikinalungkot ni Senador Joel Villanueva sa ipinakita ng Department of Labor and Employment (DOLE ) na bahagya lamang natugunan ng National Employment Recovery Strategy (NERS) ng gobyerno ang malawakang kawalan ng trabaho sanhi ng pandemya. Dahil dito, muling iginiit ni Villanueva ang kahalagahan ng paglikha ng regular at sustainable na mga trabaho sa ilalim ng NERS ng gobyerno dahil bahagya lamang natugunan nito ang malawakang kawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic. Bagama’t may nalikhang 780,119 na trabaho mula sa NERS Action Agenda na inilahad ng DOLE kamakailan, ipinunto…
Read MoreSAP SCAM ‘TINUTULUGAN’ NG KAMARA
KINALAMPAG ng militanteng mambabatas ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso para bigyan pansin ang kanilang resolusyon na imbestigahan ang pinasok na kontrata ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa StaryPay para sa distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP). Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang pangangalampag kaugnay ng inihain nilang House Resolution (HR) 2146 noon pang Agosto 19, 2021 subalit nananatiling nakabinbin sa Kamara. Ayon sa mambabatas, hindi dapat palagpasin ng Kamara ang anila’y maanomalyang transaksyon ng DSWD sa StarPay dahil kaduda-duda na nabigyan it…
Read MoreSa matatandang naturukan ng China vax BOOSTER SHOT INIREKOMENDA NG WHO
REKOMENDADO ng World Health Organization Organization (WHO) na bigyan ng booster shot ang matatandang unang naturukan ng Sinovac at Sinopharm COVID-19 vaccines at maging mga indibidwal na may mahinang ‘immune system’. Pero nilinaw ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) na hindi nila inirerekomenda ang pagbibigay ng booster shot sa mayorya ng populasyon kahit ginagawa na ito sa ibang bansa. Sa halip, nais ng WHO na magpatupad ng moratorium sa booster doses hanggang hindi nababakunahan ang mga populasyon ng mahihirap na bansang kapos pa sa suplay ng bakuna.…
Read MoreP1-B IBINALIK NG PCSO SA BTr
IBINALIK na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Bureau of Treasury (BTr) ang charity fund nito na may kabuuang P1 bilyon. Pormal na iniabot ni PCSO General Manager Royina Garma ang tseke ng nasabing halaga sa isang turn-over ceremony nitong Lunes ng umaga sa ground floor ng PCSO Conservatory sa Mandaluyong City. Ang nasabing halaga ay bukod pa umano sa P2.2 bilyon dividend remittance na ibinigay ng ahensya sa pamahalaan noong 2019. Ang karagdagang P1 bilyon remittance ay gagamitin ng pamahalaan sa pagsugpo sa COVID-19. Pinasalamatan naman ni Garma…
Read MorePag-eksena ni ‘Bato’ barado SUBSTITUTION IBABASURA SA KAMARA
(BERNARD TAGUINOD) HINDI na uubra sa mga susunod na halalan ang substitution ng mga kandidato tulad ng nangyari kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections. Sa pamamagitan ito ng pag-amyenda sa election law na isinusulong ngayon sa Kamara. Bukod dito, nais ibalik ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na kapag naghain na ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang mga kandidato, halal man o miyembro ng Cabinet ay otomatikong resign na sa kanilang puwesto. “One reform I am proposing is an almost absolute ban on substitution of candidates by political parties.…
Read More35-taong hustisya ‘LIFE’ SA PUMATAY SA LABOR LEADER
MAKALIPAS ang 35 taon ng paglilitis, hinatulan ng korte ang tatlong dating sundalong miyembro ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) para sa pamamaslang sa lider-obrerong si Rolando Olalia at kasamang Leonor Alay-ay sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal. Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Edre Olalia na tumatayong pangulo ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang iginawad na sintensiya ng Antipolo City Regional Trial Court kina Desiderio Perez, Dennis Jabatan, and Fernando Casanovas. “Iko-confirm ko na a few seconds ago, guilty ‘yung tatlong…
Read MoreAll-MVP Group teams, posible sa PH Cup Finals
SA kauna-unahang pagkakataon sa magkahiwalay na semifinal best-of-seven series sa pagitan ng Talk ‘N Text at San Miguel, Meralco at Magnolia, matagumpay na nakaiskor ang MVP Group ni Manny V. Pangilinan ng double whammy laban sa mga katunggaling koponan ng RSA Group ni Ramon S. Ang nang talunin kapwa ng Tropang Giga ang Beermen at Bolts ang Hotshots noong Biyernes sa 2021 PBA Philippine Cup. Wagi ang Tropang Giga, 115-98, laban sa Beermen at ang Bolts, 91-86, kontra Hotshots sa tahanan ng All-Filipino semi-bubble sa DHVU Gym sa Bacolor, Pampanga.…
Read More2021 PBA Philippine Cup Finals MAGNOLIA NAMUMURO
ISANG panalo na lang ang kailangan ng Magnolia patungong 2021 PBA Philippine Cup Finals. Nitong Linggo ay kinubra ng Hotshots ang importanteng ikatlong panalo laban sa Meralco Bolts, 81-69, sa Game 4 ng kanilang best-of-seven semifinal series. Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Hotshots at agad nagpasilab kontra Bolts kung saan lumamang sila ng hanggang 22 puntos. Dahil sa laki ng abante ng Magnolia ay hindi na kinaya ng Meralco na makadikit pa at tuluyang nagkolaps sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga. Sinamantala nina Ian Sangalang, Calvin Abueva…
Read More