OFW NAMATAY SA SOBRANG STRESS, PAGOD SA KUWAIT

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga Kabayani, bago ko simulan ang aking paksa sa kolum na ito ni OWWA Board of Trustee Dr. Chie Umandap. Hayaan n’yo po akong magpakilala muna sa ating ­masugid na readers. Ako po si Florante Rosales, dating News Anchor at Executive Producer sa MBC-DZRH. Nagsilbi rin po akong Host sa ­programang Aksyon Bantay OFW at Operation Tulong sa nasabing himpilan. Napamahal at napa­lapit sa puso ko ang mga OFW dahil ang ­aking mismong mga ­kapamilya, mga kaibigan at mga kamag-aral noong High School ay nagtatrabaho sa ibang bansa…

Read More

BAGO AT MAS MALIWANAG NA MERALCO BILL, NANDITO NA!

NAGSIMULA nang ma­ka­tanggap ang mga ­Meralco customer ng bagong bersyon ng bill nito na inaasahang mas kaaya-aya at mas madaling intindihin para sa mga customer. Ang mga pagbabagong ito ay batay sa ­mabusising market research na gi­nawa ng kompanya. Kaya naman umpisa pa lang ay marami nang mga customer ang nagpahayag ng tuwa sa bagong format ng bill na ipinaabot sa social media at mga feedback sa Meralco. Ilan sa mga ito ay pinuri ang bagong format, at nagsabing mas madali itong basahin at mas madaling makita ang mga importanteng…

Read More

PALPAK NA ASUNTO

HINDI na bago ang pagbasura ng husgado sa mga isinampang asunto ng Philippine ­National Police (PNP) sa korte kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa pinakamaunlad na kalakalan sa bansa – ang droga. Sa tuwing idi-dismiss ng korte ang kaso, karaniwang nagiging batayan ang kabiguan ng piskalya na patunayan ang sala ng mga akusado nang walang bahid alinlangan. Bahagi rin ng dahilan kung bakit pinawalang-sala ang marami sa mga sangkot sa droga ang palpak na kasong isinasampa ng pulis laban sa kanilang mga naaresto sa moro-morong buy-bust operation sa mga…

Read More

BUCKS UMISKOR SA SPURS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO DUMAYO ang Milwaukee Bucks sa San Antonio, umiskor si Khris Middleton ng 28 points at nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 21 para talunin ang Spurs, 121-111. Nagtala si Doug McDermott ng 25 points at si Keldon Johnson, 20 points sa ikalawang sunod na talo ng San Antonio, matapos ang season-opening home win kontra Orlando. Tinapatan ng Bucks ang paulit-ulit na spurt ng Spurs tungo sa pagkolekta ng kanilang ikalawang double-digit victory. Bawat Milwaukee starter nag­tala ng double figures at si George Hill ay nagdagdag ng…

Read More

Bakit hindi naglalaro para sa Pilipinas si Super GM Wesley So?

LIMANG araw pa lamang ang nakararaan, ng ang Super Grandmaster na si Wesley So ay matagumpay na naipagtanggol ang kan­yang korona bilang U.S Chess Champion. Ang ikinalulungkot ng mga kababayan niya sa Pilipinas, nakamit niya ang karangalan hindi na bilang isang Pilipino. Ang 28 anyos na tubong Bacoor, Cavite ay tatlong beses nang ­naging U.S champion. Ngunit sa pagkakataong ito, bilang isa nang ganap na mamamayan ng Amerika matapos makuha ang kanyang bagong citizenship noong Pebrero 2021. Ilang mensahe ang natanggap ng ­kolum­nistang ito mula sa mga mambabasa na nagtatanong…

Read More

VACCINATION FOR MINORS IKAKASA NA NATIONWIDE

MAAARI nang isagawa sa iba’t ibang panig ng bansa simula sa Oktubre 29 ang pagbabakuna sa mga kabataan. Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, kasunod ito ng matagumpay na pilot rollout sa National Capital Region noong Oktubre 15 at 22 para sa 12-17 age group na may comorbidities. Umaasa si Galvez na mas marami pang kabataan ang magpapabakuna sa susunod na linggo. Naghahanda na rin ang mga lokal na pamahalaan at mga ospital para sa naturang programa. Samantala, tiwala ang Malakanyang na…

Read More

Siksikan sa sementeryo babantayan GIMIK SA HALLOWEEN PAMPAMILYA LANG

HANGGA’T maaari, panatilihing pampamilya ang mga Halloween party at trick or treat ng mga bata ngayong nananatiling may pandemya. Paalala ito ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ngayong sasapit na Todos Los Santos. Ayon kay PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar, kung maari ay gawing eksklusibo sa pamilya ang mga party ngayong holiday season upang makaiwas sa pagkalat ng coronavirus disease. Magugunitang inabisuhan ng Department of Health ang bawat pamilya na mahigpit na sundin ang health protocols kung may balak silang magdaos ng Halloween parties at trick…

Read More

PAG-APRUBA NG DOE SA CHEVRON-UDENNA DEAL DEPEKTIBO – SOLON

NANINDIGAN si Senador Win Gatchalian na base sa mga ebidensyang nakalap ng Senado, depektibo at hindi wasto ang ginawang pag-apruba ng Department of Energy (DOE) sa pagbenta ng 45% stake ng Chevron Malampaya sa Malampaya gas project sa Udenna group ni Dennis Uy. “Sa aking opinyon, depektibo itong approval. Samakatuwid, hindi wasto ang pagsang-ayon ng DOE dito sa transaksyon dala ng maraming pabago-bago o magkakasalungat na pahayag. At para sa isang malaking transaksyong kagaya nito, dapat walang kalituhan. Sa halip na makapagbigay liwanag sa isyu, mas lalo kaming naguluhan sa…

Read More

LPA NAISPATAN SA PALAWAN; LUZON AT VISAYAS UULANIN

NAISPATAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low-pressure area (LPA) sa Palawan at inaasahang maghahatid ito ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas. Sa weather bulletin ng PAGASA kahapon, ang LPA ay huling namataan sa layong 205 kilometro ng West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan (10.6°N, 117.1°E). Ayon sa PAGASA, ang naturang ‘weather disturbance’ ay maaaring maging isang ‘tropical depression’ sa loob ng 36 na oras habang ito’y kumikilos pakanluran at papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan kahapon…

Read More