EIDs SILAT SA PNP BICOL, PHIL. ARMY

ILANG malalakas na uri ng pampasabog ang narekober ng pinagsanib na puwersa ng PNP-PRO5 at AFP-Philippine Army sa composite tactical operation sa isang kampo ng NPA sa Sorsogon kahapon Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, iba’t ibang improvised explosive devices (IEDs) ang nasamsan sa kampo ng New People’s Army nang pinagsanib na pwersa ng PNP Bicol at mga sundalo na kinabibilangan ng 31IB, 31IB Intel Operatives, 22IB, at 903Bde. Ayon sa ulat mula sa Sorsogon Police Provincial Office, dakong 5:00 ng umaga nitong Oktubre 26, 2021 sa Brgy.…

Read More

LTOPF CARAVAN INILUNSAD NG PNP AT NPC

INILUNSAD kahapon ng National Press Club (NPC), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) ang isang kampanyang naglalayong tulungan ang mga mamamahayag na irehistro at gawing lehitimo ang pagmama-ari at pagbitbit ng baril bilang seguridad sa peligrong kaakibat ng trabaho. Ayon sa NPC na magdiriwang ng ika-69 na anibersaryo, malaking bentahe ang maging sigurista lalo pa’t peligroso ang trabaho ng mga peryodista sa paghahayag at pagsisiwalat ng balita at anomalya. Binigyang pagkilala din ng grupo ang malasakit na ipinamalas ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga mamamahayag na matapang…

Read More

P6.9-M DROGA NASABAT NG PNP-PRO5

UMABOT sa P6.9 milyong ang halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa ikinasang serye ng anti-narcotics operations katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ROV. Nagresulta ito sa pagkakahuli sa drug personalities na sangkot pagpapalaganap ng ilegal na droga sa rehiyon. Ayon sa ulat na isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, mahigit isang kilo ng shabu ang nakumpiska sa inilatag na high impact anti-drug operation sa Brgy. Palestina, Pili, Camarines Sur laban sa suspek na…

Read More

12-ANYOS PABABA BAWAL NA SA DOLOMITE BEACH

HINDI na pinapasok ang mga batang edad 12 pababa sa Manila Baywalk Dolomite Beach simula kahapon. Sa isang pulong, sinabi ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Leo Francisco na layon nitong maiiwas sa posibleng pagkahawa sa sakit ng mga bata at mapigilan ang posibleng superspreader event na resulta ng pagkukumpulan ng mga tao. Papayagan naman ang mga person with disability at mga senior citizen at magtatalaga ng special lane para sa mga ito. Kaugnay nito, isasara ang kontrobersyal na ‘beach’ ngayong Undas. Sarado rin ito tuwing Biyernes…

Read More

DENR pinakakasuhan sa IATF DOLOMITE BEACH SUPERSPREADER

HINDI dapat palagpasin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang katampalasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglagay sa peligro sa buhay ng hindi bababa sa 8,000 kataong sabayang dumagsa sa unang araw ng muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach, sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila. Sa isang panayam sa ANC kahapon, nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa IATF na sampahan ng karampatang kaso ang mga opisyal ng DENR na nagbukas ng kontrobersyal na pasyalan nang lingid sa kaalaman ng lokal na pamahalaan…

Read More

ISRAELI TIMBOG SA INVESTMENT SCAM

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa Israeli national na nahaharap sa 200 complaints na inihain sa Germany ng kanyang mga biktima sa fraud cases at multi-million-euro investment scam. Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang nasabing suspek na si Kfir Levy, 43-ayons, kasaluyan nasa kustodiya ng BI makaraang naaresto noong Biyernes, Oktubre 22, 2021 sa Diosdado Macapagal Avenue, Pasay City ng mga operatiba mula sa bureau’s Fugitive Search Unit (FSU). Sinabi ni Morente, sa pamamagitan ng inisyu niyang mission order, inaresto ng kanyang mga tauhan si Levy…

Read More

MOST WANTED SA MAYNILA ARESTADO SA BULACAN

SWAK sa kulungan ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDG) na nakabase sa Manila Police District, ang isang top 1 most wanted person dahil sa pagpatay at tangkang pagpatay sa live-in partners sa San Andres Bukid, Manila at natunton sa Baliuag, Bulacan noong Lunes ng gabi. Kinilala ni P/Major Delta Navarra, hepe ng CIDG-Manila, ang suspek na si Jhonny Martinez y Vinluan, 34-anyos, binata, kaanib ng Bahala na Gang at residente ng Batangas Line, San Andres Bukid. Batay sa ulat ni P/Capt. Alfredo Tan Jr., hepe ng MPD-Warrant and Subpoena Section,…

Read More

2 ARESTADO SA P6.8-M SHABU SA PASAY

ARESTADO ang dalawang lalaki sa drugs buy-bust operation makaraang makumpiskahan ng isang kilong shabu na tinatayang P6.8 milyon ang halaga sa Pasay City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, dakong alas-8:55 gabi nang magsagawa ng magkasanib na operasyon ang PDEA RSET, PDEA ORMIN PO, PDEA Marinduque PO at at PDEA Romblon laban kina Jake Hernandez at Lorieben delos Santos, 18-anyos, sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng isang malaking plastic sachet ng isang kilo ng shabu, at buy-bust money. Inihayag ng mga awtoridad…

Read More

SAPATOS NI MJ NABENTA NG $1.47-M

BALITANG NBA Ni VT ROMANO NABENTA sa halagang $1.47 million ang pares ng sneakers na ginamit ni Michael Jordan noong rookie year niya. Sa auction na ginanap noong Linggo (Lunes sa Manila), natabunan nito ang dating record na $615,000 set ng Jordan shoes noong nakaraang taon. Sa estima ng Sotheby’s, ang naturang sapatos ay nasa pagitan ng $1 million at $1.5 million. Si Nick Fiorella, isang card collector, ang may winning bid na $1.47M sa Sotheby’s Icons of Excellence & Haute Luxury auction sa Las Vegas. Isinuot ni Jordan ang…

Read More