WASAK hindi lamang ang kabahayan, kundi maging ang kaligtasan at kinabukasan ng hindi bababa sa 100 pamilya makaraang pasukin ng mga berdugo ang isang maliit na komunidad sa VV Soliven, Barangay Mayamot sa Lungsod ng Antipolo. Pinalayas ang mga pobreng residente sa gitna ng pandemya – bagay na ipinagpilitan ng mga kawani ng Antipolo City Engineering Office, kasama pa ang sangkaterbang armadong pulis mula sa Rizal PNP sa hangaring mapasakamay ang 2.3-ektaryang lupang saklaw ng titulo sa pangalan ng isang Danilo Cortez. Isang private property ang nasabing lugar, na taliwas…
Read MoreDay: November 30, 2021
SANA ‘DI MAPURNADA
NAGKAROON tayo ng pag-asa na makapagdiwang ng Pasko matapos humupa ang COVID-19 lalo na ang Delta variant mula noong Oktubre matapos itong ipagkait sa atin noong nakaraang taon dahil sa virus na ito na courtesy ng China. Sa katunayan, naghahanda na ang pami-pamilya para makapagdiwang ng Pasko nang sama-sama at salubungin ang bagong taon na may kasamang pag-asa at dasal na sana sa susunod na taon ay tuluyan nang mawala ang COVID-19. Marami na sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa ang naka-book na ang kanilang flight pabalik sa…
Read MoreNAGBABADYANG BALIK-SINDIKATO
KASABAY ng babala ng World Health Organization (WHO) kaugnay ng bagong tuklas na COVID-19 variant, muling nabuhayan ng pag-asa ang mga utak sindikato sa gobyernong kasapakat ng mga wanted na Tsino. Pag-amin mismo ni vaccine czar Carlito Galvez, posibleng muling gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields na simbolo ng mga dorobo. Giit ni Galvez, mas mabangis ang peligrong dala ng Omicron variant. Tama naman ang Kalihim pero hindi sagot ang panibagong pasanin ng naghihikahos na Pilipino sa nagbabadyang pandemyang mistulang gatasan ng mga tiwali sa gobyerno. Maging si Health…
Read MoreSa gitna ng banta ng Omicron variant LOCKDOWN, FACE SHIELD NAGBABADYANG IBALIK
(JESSE KABEL/BERNARD TAGUINOD) NAPIPINTONG umiral na naman ang mga lockdown at muling pagpapagamit ng face shield ngayong may banta ng Omicron strain ng Coronavirus na kumakalat na sa ilang bahagi ng mundo. Kaugnay nito, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa sila sakaling magpatupad ng hard lockdown ang Inter-Agency Task Force (IATF). Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, hindi na ito bago sa PNP, at mayroon na silang template o gagayahing estratehiya katulad noong unang pinairal ang pinaka-istriktong quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa. Gayunman, aminado ang…
Read More7 BANSA NADAGDAG SA TRAVEL RESTRICTIONS
PITONG bansa pa ang idinagdag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa travel restrictions hanggang Disyembre 15 dahil sa umusbong na bagong COVID-19 variant Omicron. Ang mga bansang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy ay idinagdag sa red list. Nauna nang idinagdag sa red list ang south African nations kabilang na ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique. Sa isang kalatas, sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang inbound international travel ng isa man sa kabilang sa red list…
Read MorePaalala ng Palasyo sa pagsipa ng Nat’l Vax Day CHAPERONE LANG ‘DI EXCUSED SA TRABAHO
NILINAW ng Malakanyang na hindi saklaw ng inilabas nitong proklamasyon kamakailan ang mga bakunado nang empleyado pero magsisilbing chaperone ng kanilang mga anak o kasamang senior sa bahay na may schedule sa tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan. Ani acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang kanilang pinaninindigan ay ang general rule na kung ang isang manggagawa ay may naka-schedule na bakuna alinman sa araw ng November 29 hanggang December 1 ay dapat itong payagan ng kanyang employer at hindi dapat ikonsiderang absent. Paglilinaw ni Nograles, labas sa panuntunang…
Read More