TINIYAK ng mga awtoridad na may sapat na suplay ng syringe o hiringgilya ang bansa para sa tuloy- tuloy na vaccination effort ng gobyerno. Ito ang inihayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing sa harap ng gagawing pagtuturok ng booster shot sa iba pang priority sector simula sa Disyembre 10. Maliban aniya ito sa suplay ng syringe ng Pfizer kung saan sila nagkaroon ng problema. Inaasahan naman ang magkakasunod na delivery ng hiringgilya simula Disyembre 2 para sa Pfizer mula sa UNICEF. “For the Pfizer syringe,…
Read MoreDay: December 2, 2021
DICT MULING KINALAMPAG VS TEXT SCAMMERS
MULING kinalampag ni Senador Grace Poe ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tugisin at parusahan ang lahat ng text scammers na nambibiktima ng consumer sa gitna ng pandemya habang papalapit ang Kapaskuhan. Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat patunayan ng pamahalaan na mas magaling at mas mabilis ang ahensiya kaysa sa naglipanang text scammers. “Walang oras na dapat masayang ang mga ahensya upang mahuli ang mga manloloko at masawata ang kanilang iligal na gawain,” giit ni Poe. Aniya, umaasa siyang mas paiigtingin pa ng telcos at…
Read More177 paaralan sa NCR lalahok F2F CLASSES TULOY SA LUNES
SIMULA Disyembre 6, mas marami pang paaralan ang lalahok sa ipatutupad na face-to-face pilot testing ng Department of Education (DepEd) na nilahukan ng 177 eskwelahan, kabilang ang 28 pampublikong paaralan sa Metro Manila. Ayon sa DepEd, higit na marami ang bilang ng mga paaralang makikibahagi sa pambungad na pagpapatupad ng in-person classes na una nang inaprubahan sa 118 lang na paaralan nitong nakaraang buwan. Dalawang paaralan mula sa mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Caloocan City, Mandaluyong City, Marikina City, Muntinlupa City, Navotas City, Parañaque City, Pasig City, Taguig City,…
Read MoreMotorcade ilalarga sa Dec. 8 UNITEAM SA QC, PINAIKOT NI BELMONTE – DEFENSOR
(BERNARD TAGUINOD) SA halip magtipon-tipon sa Liwasang Aurora sa Quezon City sa Disyembre 8, magdaraos na lamang ng motorcade ang BBM-Sara UniTeam dahil pinaiikot lamang umano sila ni Mayor Joy Belmonte. Kinumpirma ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor na inabandona na nila ang planong magsagawa ng malakihang gathering para sa tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte. Ayon kay Defensor na kinatawan ng Anakalusugan party-list sa Kamara, magsasagawa na lamang ang mga ito ng motorcade sa lungsod sa December 8, 2021. “We’ve…
Read MoreLTO EMPLOYEE TIMBOG SA ‘LICENSE FOR SALE’
LUCENA CITY – Arestado sa entrapment operation ng mga pulis ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) matapos ireklamo ng dalawang biktima na hiningian nito ng pera kapalit ng pekeng lisensya. Natimbog ng mga tauhan ng Candelaria Police ang suspek na si Jose Manalo Campos Jr., 67-anyos, residente ng Brgy. Isabang, Tayabas, at liaison officer ng LTO-Lucena City District Office, sa entrapment operation sa Barangay Bukal Sur, sa naturang bayan noong Miyerkoles ng gabi. Si Campos ay inireklamo ng mga biktimang sina Rannie Samonte Penuela at Noel Arellano Resurreccion,…
Read More8 WANTED, GINANG NA DRUG SUSPECT TIMBOG SA PNP-PRO5
WALONG wanted persons na may kinahaharap na iba’t ibang kaso, ang naaresto ng mga kawani ng PNP Bicol sa isinagawang manhunt operation nitong nagdaang araw Sa probinsya ng Camarines Sur, ang mga nahuli ay sina Alfredo Pilapil y Cortezano, 56, may kasong paglabag sa Special Protection of Children against Child Abuse-Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) na may piyansang P80,000; Edwin Borac y Mangubat, 50, nahaharap sa kasong robbery na may piyansang P100,000, at Victor Del Socorro Jr. y Boto, 25, may nakabinbin namang kasong frustrated murder na may…
Read MorePOLITICAL RALLIES BAWAL PA – DILG
SA gitna ng pagbabalik-bantang dala ng bagong diskubreng COVID-19 Omicron variant, mahigpit na ipatutupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang pagbabawal sa anumang pagtitipon kaugnay ng halalan. Partikular na tinukoy ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga political rallies ng mga kandidato, partido at maging ng kanilang mga tagasuporta. Gayunpaman, nilinaw niyang pinahihintulutan ang mga pagtitipon base sa panuntunang itinakda ng pamahalaan, bagay na kailangang aprubahan muna ng local government units (LGU) kung saan idaraos ang aktibidades. Higit pa sa pagsang-ayon ng…
Read MoreP1-B SMUGGLED PRODUCTS NASABAT SA PASAY
SINALAKAY ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ilang bodega sa Baclaran, Pasay City kung saan nakumpiska ang aabot sa P1.1 bilyong halaga ng smuggled na pekeng branded na mga produkto. Sa naantalang ulat ng BOC, Nobyembre 29 nang salakayin ng BOC Intelligence Group (IG) Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Right Division (CIIS-IPRD) at ng BOC-Port of Manila (BOC-POM) ang Baclaran Wholesale Complex sa panulukan ng F.B. Harrison at J. Fernando Streets sa Baclaran, Pasay City. Armado ng Letter of Authority (LOA) mula kay BOC Commissioner Rey…
Read MoreWakas ng tigasing killer cop NUEZCA PATAY SA BILIBID
HINDI na kailangan pang bunuin ng tinaguriang “killer cop” na si dating Police Staff Sergeant Jonel Nuezca ang sentensiya ng husgado na habambuhay na pagkakakulong makaraang pumanaw, tatlong buwan matapos mapatunayang may sala sa brutal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre ng nakaraang taon. Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag, bandang alas-6:45 ng gabi nang nawalan ng malay si Nuezca habang naglalakad sa labas ng kanilang dormitoryo. Mabilis naman aniyang dinala si Nuezca ng mga kapwa bilanggo sa pagamutan sa loob ng National…
Read More