NAKABALIK na rin si Devin Booker sa lineup ng Phoenix Suns, kumamada ng 16 points at tinulungan ang NBA-leading Phoenix Suns sa paglista ng season-scoring high, nang tambakan ang Charlotte Hornets, 137-106, sa Arizona. Pitong larong absent si Booker sanhi ng hamstring injury, 26 minuto siyang sumalang at naupo na lang sa fourth quarter habang lamang ang Phoenix. Ang Suns, 24-5, ay angat na ngayon ng kalahating laro sa Golden State Warriors. Siyam na Phoenix players ang may double figures, JaVale McGee (19 points sa 16 minutes off the bench),…
Read MoreDay: December 20, 2021
LAKERS DUROG SA BULLS
BALITANG NBA Ni VT ROMANO AKARAAN ang dalawang linggong pagliban sanhi ng NBA’s health and safety protocols, nagbalik si DeMar DeRozan, umiskor ng 38 puntos at inakay ang Chicago Bulls sa 115-110 win kontra bisitang Los Angeles Lakers, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Illinois. Nagsumite si Nikola Vucevic ng 19 points at 13 rebounds at si Lonzo Ball ay may 19 points sa pagputol ng Bulls sa two-game losing streak. Ito ang unang laro ng Chicago sapol noong Disyembre 11 nang ma-postpone ang dalawa nitong games. Nagtala si LeBron…
Read MoreP7.3-M AYUDA NAIHATID SA ILANG LALAWIGAN
TULUYAN nang nadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tinatayang P7.3 milyong halaga ng mga pagkain at iba pang pangangailangan sa mga lalawigang sinalanta ng bagyong Odette nitong nakaraang linggo. Sa pinakahuling Laging Handa briefing, binigyang pagkilala naman ni DSWD spokesperson Irene Dumlao ang Philippine Army sa pamumuno ni Maj General Romeo Brawner, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard at mga private shipping companies para sa paghahatid ng higit na kinakailangang supplies sa mga apektadong pamilyang pansamantalang nanirahan sa mga evacuation centers. Bukod sa pagkain, bahagi rin…
Read More52 katao, missing pa rin NASAWI SA BAGYO SUMIPA NA SA 208
SUMAMPA na sa 208 ang kabuuang bilang ng mga nasawi bunsod ng paghagupit ng bagyong Odette sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP). Bukod sa bilang ng mga namatay, may naitalang 52 katao ang hindi pa natutunton ng search and rescue teams na pinakawalan ng PNP at local government units (LGU). Nasa 239 katao naman ang nasaktan. Samantala, malayo naman sa naitalang bilang ng PNP ang datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroon lamang 58 casualties, 18…
Read MoreMAG-ANAK SUGATAN SA DUMP TRUCK
BATANGAS – Grabeng nasugatan ang limang miyembro ng pamilya matapos araruhin ng kasalubong na dump truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa national highway sa bayan ng Calaca sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Batay sa report ng Calaca Police, nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho ng dump truck na 24-anyos na helper na si Darwen Gerela kaya sinalpok nito ang tricycle na minamaneho ng padre de pamilya ng mga biktima na si Roldan Cesario, 35-anyos. Grabeng nasugatan si Cesario ganoon din ang maybahay nitong si Genoveva Cesario, 33, at mga…
Read More2 TODAS SA MOTORCYCLE ACCIDENT SA BATANGAS
BATANGAS – Dalawa ang patay sa dalawang magkahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng motorsiklo at isang tricycle sa lalawigang ito, noong Linggo. Nangyari ang unang aksidente sa Sto. Tomas-Lipa Road sa Barangay San Isidro kung saan sumemplang ang tricycle na minamaneho ni Walter Esuma, 34, matapos na sumalpok sa gutter ng kalsada noong Linggo ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktima dahil sa grabeng pinsala sa katawan. Grabe ring nasugatan ang pasaherto nito na si Pedro Bintang, 24, nilalapatan ng lunas sa ospital. Samantala sa Batangas City,…
Read MoreDriver umiwas sa tumatawid PASAHERO NG AMBULANSYA PATAY, 4 SUGATAN
CAVITE – Imbes na masagip ang buhay, hindi na nakarating pa sa ospital at tuluyang nalagutan ng hininga ang isang 34-anyos na pasyente nang bumangga sa mga sasakyan ang sinasakyan nitong ambulansiya nang iwasan ng driver nito ang isang taong tumatawid sa kalsada na nagresulta rin sa pagkakasugat sa apat katao sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Joselito Rotaryo habang ang mga nasugatan ay sina Nina Madrigal, 38; April Tibayan, 32, pawang residente ng Nasugbu Batangas, mga pasahero ng ambulansiya;…
Read MoreBULACAN NAMAKYAW ULIT NG PARANGAL
HINDI pa man humuhupa ang pagdiriwang ng Bulacan, kinilalang pinakamayamang lalawigan sa buong bansa, muli itong rumatsada makaraang humakot ng parangal para naman sa husay ng programa sa population development. Sa pagtatapos ng validation ng Commission on Population and Development (CPD) – Region III, nasungkit ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang prestihiyosong “The Outstanding Population Structure (TOPS) regional award sa kategoryang Adolescent Health and Development at Population and Development Integration Component. Pumangatlo naman ang Bulacan sa kategoryang Population Program Implementation. Binigyang pagkilala naman ni Bulacan Gov. Daniel…
Read More‘Pag ‘di naresolba P5.1-B backwages ng OFWs TOTAL DEPLOYMENT BAN SA SAUDI ARABIA – DOLE
NAGBANTA si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na magpapatupad siya ng total ban sa labor deployment sa Saudi Arabia dahil sa patuloy na pagka-delay ng pag-aayos sa mahigit sa P5.1 bilyong bayarin sa sweldo ng mahigit sa 11,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa nasabing bansa. “If this problem will not be settled, I’m seriously considering recommending to President [Duterte] a total deployment ban of our overseas workers to the Kingdom of Saudi Arabia,” pahayag ni Bello sa isinagawang balitaan noong nakaraang Biyernes. “I have all…
Read More