2022 FIBA U16 Women’s Asian C’ship GILAS WOMEN’S SWAK SA SEMIS

Ni VT ROMANO

WINALIS ng Gilas Pilipinas women’s team ang Group A ng 2022 FIBA Under-16 Women’s Asian Championship Division B, matapos idemolis ang Samoa, 94-65, nitong Linggo sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.

Limang tres para sa team-high 22 puntos ang ibinato ni Kristan Geyl Yumul para sa Pinay dribblers at kunin ang outright semifinals berth ng eight-team event.

Mula sa 15-point lead sa first half, kumamada pa at nagpaulan ng puntos ang Pilipinas upang ang 67-52 lead ay gawing 83-55, kasunod ng jumper ni BJ Villarin, 7:03 pa sa laro.

Si Villarin ay tumapos na may 13 points at seven rebounds off the bench. Habang si Naomi Panganiban, 14 points, seven rebounds, five assists at three steals.

Sa nalalabing 52.1 ­seconds naghagis ng tres si Sierra Jade Patricio, tungo sa 94-63 lead ng mga Pinay.

Magpapahinga ng dalawang araw ang tropa nina coach Julie Amos at Brian Rosario habang naghihintay ng kanilang kalaban sa semis sa Miyerkoles, at desididong makaakyat sa Division A sa unang pagkakataon mula noong 2009.

Bilang top seed sa Group A, haharapin ng Gilas Women U-16 ang winner sa playoff sa pagitan ng Group A third seed Samoa at Group B two-seed, na pinaglalabanan ng Iran, Lebanon, Kazakhstan at Jordan.

Bukod kina Yumul, Panganiban at Villarin, nagsumite rin sina Samantha Medina, Camille Nolasco at Kailah Jade Oani ng tig-nine points, habang si Gabby Ramos, four points, 10 rebounds at four steals.

165

Related posts

Leave a Comment