2022 PBA Philippine Cup 2-GAME BONUS

KUKUNIN ng Meralco Bolts ang two-game incentive papasok sa quarterfinals ng 2022 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Ngunit kakailanganin muna nilang dispatsahin ang talsik na ngunit mapanganib pa ring Terrafirma Dyip, ngayon (Huwebes) 5:15pm.

Maghaharap naman ang Barangay Ginebra at Phoenix sa main game, 7:15pm.

Bagama’t walang panalo sa 10 games, ilan beses ipinamalas ng Dyip na kaya nilang maghasik ng takot sa kalabang koponan, patunay nito ang muntikan nang pag-upset sa nangungunang San Miguel Beer, 86-89, noong Linggo.

Ang ikapitong panalo sa 11 laro sa elims ay magpapatibay sa puwesto ng Meralco para sa best-of-three duels kasama ang no. 3, 4, 5 at 6 teams.

Kapag nabigo, ang Bolts ay magiging 6-5 win-loss at bababa sa ikapito at makakatapat ang second-ranked team, kung mananalo ang Blackwater sa kanilang huling dalawang laro.

Ang NLEX, kasalukuyang nasa ikapitong puwesto at tinalo ang Meralco sa una nilang ­paghaharap, ay mas aangat ang ranking sa Bolts kung mananalo ang Road Warriors sa kanilang huling laban kontra NorthPort bukas (Biyernes).

Para kay Meralco coach Luigi Trillo, pansamantalang humalili sa naka-leave na si head coach Norman Black, mas nasa kanila ang pressure kaysa Dyip.

“We need to put all our focus and efforts on Terrafirma,” ani Trillo. “We know it’s not gonna be an easy game. Obviously, there’s no pressure on them (Dyip). But if we win, I think we’d cement what we wanted from this time, which is to be in the top six.” (ANN ENCARNACION)

244

Related posts

Leave a Comment