MAGANDANG araw, mga ka-Saksi at mga kabayani! Pinawi ng Department of Foreign Affairs ang pangamba ng ilang sektor na nagkaroon ng posibleng dayaan sa nagpapatuloy na Overseas Absentee Voting (OAV) sa abroad. Bagama’t inamin ng DFA na may isang ‘spoiled ballot’ na naibigay sa OFW sa Singapore na kinakitaan ng pre-shaded na balota, ito ay isang isolated case lamang at human error, “I would like to emphasize and inform the Committee that there is no truth to the allegations circulating in social media that pre-shaded ballots were distributed to overseas…
Read MoreDay: April 21, 2022
DESPERADONG TRAPO
HALOS tatlong linggo na lang ang nalalabi sa panahon ng kampanya at alam na marahil ng mga kandidato ang kanilang kalalagyan pagsapit ng takdang araw ng halalan. May sasampa sa pwesto, mayroon din namang diretso sa posonegro. Kapa na kung sino ang liyamado at mga kailangang magdasal para sa isang milagro. Pero sa ikalimang distrito ng Quezon City, sadyang kakaiba ang estilo ng mag-utol na pulitikong tila ba naghuhuramentado. Bakit kamo? Sa pinakahuling political survey sa nasabing distrito, lumalabas na dehado ang kapatid ng nakaupong kongresista. Kaya naman ang kanilang…
Read MoreWALANG KUKURAP SA MAY 9 ELECTIONS
MAKARAANG ibasura ng COMELEC ang pinakahuling nuisance petition laban sa kandidatura ni presidential front-runner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay kwalipikado ito na maglingkod sakaling mahalal bilang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas. Wala nang makapipigil pa sa sambayanan na muling ibalik sa Malacañang si BBM kahit kaliwa’t kanan ang paninira, pagpapabagsak at hinahamak ang kanyang pamilya sa maraming taon, kailanman ay hindi natin naringgan at nakitang gumanti ang mga ito. Nanawagan si BBM na sa araw ng halalan ay ating bantayan ang ating boto sa posibleng pandaraya ng kabilang…
Read MoreMOTIBO SA LIKOD NG VETO NG PANGULO
GINIMBAL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko nang dedmahin niya ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sana laban sa mga kriminalidad gamit ang internet na kalakip ng makabagong panahon. Sa halip na lagdang hudyat ng katapusan ng mga promotor ng fake news, at cybercrime, “veto” ang naging tugon ng Pangulo. Ang totoo, talamak na ang krimen gamit ang mobile phones at social media. Hindi na nga marahil batid ng cybercrime prevention agencies sa bansa ang eksaktong bilang ng mga biktima – o maging yaong mga nambibiktima. Dangan naman kasi, tanging…
Read MoreGood or bust para sa Bolts sa Game 6
TULOY na ngayon ang Game 6 ng PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco. Nakansel ang laro sa Araneta Coliseum noong Miyerkoles makaraang magkasunog sa Big Dome, na swerteng naagapan agad. Sa ngayon ay 3-2 na ang iskor kaya isang panalo na lang ang kailangan ng Gin Kings, habang dalawa ang kailangan ng Bolts upang makamit ang inaasam na unang titulo ng koponan sa ilalim ni coach Norman Black. Para kay Kings coach Tim Cone, pipilitin nilang tapusin ang serye sa Game 6 dahil batid niya…
Read MoreBUKLOD FILIPINO PARTY-LIST, KASAMA SA LABAN NG PAMILYANG PILIPINO!
MATAGAL nang naitatag ang “party-list system” sa Pilipinas.Ngunit may ilan pa raw na hindi nauunawaan ang tungkol dito. Isa itong sistema ng pagboto kung saan nakabatay ang bilang ng upuan na makukuha ng isang partido sa dami ng mga bumoto sa partido. Tinatayang 20 porsiyento ng mga upuan sa lower house ang nakalaan para sa party-list system sa ating bansa. Kung titingnang maigi, ang mga ‘party’ o partidong inihahalal ng sistemang ito ay iba kumpara sa mga malalaking partido na kinabibilangan ng iba pang mambabatas sa Kamara. Batay kasi sa…
Read MoreBBM-SARA UNITEAM SUPORTADO NG PINAKAMALAKING SHIPPING GROUP
YAKAP ang pagkakaisa na dala ng BBM-Sara UniTeam, nagpahayag ng buong suporta ang Philippine Coastwise Shipping Association, Inc. (PCSA), ang pinakamalaking shipping association sa bansa, sa tambalan nila presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at running mate na si Inday Sara Duterte. Ang naturang asosasyon ay kinabibilangan ng mga Filipino shipowners at operators na nag-ooperate ng mahigit 700 barko at nagseserbisyo sa libo-libong pasahero at mga kargamento sa buong bansa. Ayon sa isang pahinang manifesto of support na nilagdaan ni Edgardo Nicolas, administrator ng PCSA at iba pang opisyal at…
Read MorePANALO NI BBM SA MAY 9 POLLS TITIYAKIN NG BBM YOUTH
NANAWAGAN ang pamunuan ng BBM Youth Advocate sa milyon-milyong tagasuporta ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, na manatiling matatag at higit pang palakasin ang hanay upang tuluyan nilang makamit ang tagumpay sa darating na halalan. Maraming political expert ang nagsasabi na dahil sa laki ng kanyang kalamangan sa mga pre-election survey, malaki ang posibilidad na si BBM na ang magiging kauna-unahang majority president ng bansa sa ilalim ng multi-party system. Ayon kay Harrold Toledana, director general ng BBM Youth Advocate, ngayong isang…
Read MoreNakatadhanang maging pangulo – Gov. Mandanas PAG-UNLAD NG BAWAT PINOY PAKAY NI BBM
SINABI ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas nitong Miyerkoles na nasa tadhana ng buhay ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang maging ika-17 presidente ng Pilipinas. Ang pahayag na ito ni Mandanas ay idineklara sa harap ng daang libong kababayang Batangueño na nagpakita ng suporta sa BBM-Sara UniTeam grand rally sa LiMa Park sa Lipa City ng lalawigan. Anang opisyal, kailangan ng bansa si Marcos dahil siya ang may mabuting pakay para paunlarin ang bawat Pilipino. “Ngayong gabi, ang magandang buhay natin…
Read More