INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang implementing rules and regulations (IRR) ng transition committee ng Department of Migrant Workers (DMW). Sa isang pagdinig na isinagawa sa House committee on overseas workers affairs, anim na ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang nagkumpirma ng validity ng memorandum na sinasabing mula sa Malakanyang na nagsasaad na inaprubahan na ng Pangulo ang IRR ng Republic Act No. 11641 o “An Act Creating the Department of Migrant Workers”. “In recognition of…
Read MoreDay: April 21, 2022
FLEXIBLE WORKING HOURS SA RAMADAN
IPINATUPAD ng Department of Education (DepEd) ang flexible working hours para sa mga Muslim personnel hanggang Mayo 3 o sa panahon ng Ramadan. Sa memorandum na ipinalabas ni Education Secretary Leonor Briones, nakasaad na ang mga Muslim staff na nagpa-fasting, bahagi ng paggunita sa kanilang holy month of Ramadan ay maaaring magtrabaho ng walong oras nang walang ‘noon break.’ “The Department of Education respects the rights of all Filipino Muslims to observe fasting during the month of Ramadan from April 3 to May 3, 2022,” ayon sa DepEd. “In view…
Read More7 ASSAULT RIFLES NG NPA NAREKOBER
NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine Army na nabawasan nang bahagya ang banta ng karahasan ngayong papalapit na ang national and local elections sa lalawigan ng Surigao del Sur dahil sa pagkakabawi sa pitong matataas na kalibre ng baril ng New People’s Army sa Tago, Surigao del Sur. Ayon kay Army 4th Infantry Division commander, Maj. Gen. Wilbur Mamawag, isang residente ang nagturo sa mga armas na ibinaon sa Sitio Lagangan sa Barangay Caras-an. Pinaniniwalaang ang mga sandata ay sadyang ibinaon para madaling makuha ng communist terrorist group ano mang oras…
Read MoreP300K pabuya inilaan vs suspek BATA NG TAYTAY MAYOR, PATAY SA PAMAMARIL
RIZAL – Naglaan ng pabuyang P300,000 ang tanggapan ni Taytay Mayor Joric Gacula sa makapagtuturo sa suspek na pumatay sa staff nito kahapon sa bayan ng Taytay. Ayon sa FB post ng alkalde, binaril at napatay ang kanyang staff na si Fhel Malaqui na tinamaan ng apat na bala mula sa .45 kalibreng baril nitong Huwebes ng umaga sa Obadiah St., Floodway, Brgy. Sta. Ana, Taytay. Ang pabuya ay upang agad na mahuli ang posibleng nasa likod ng krimen at upang mabatid ang posibleng motibo. Sinabi ng alkalde na si…
Read MoreGRAND RALLY NG UNITEAM SA MAYNILA KASADO NA
MAGDARAOS ng makasaysayang grand rally ang Uniteam sa darating na Sabado, April 23, alas-3:00 ng hapon sa Earnshaw St. corner Bustillos St., Sampaloc, Manila sakop ng distrito 4. Inaanyayahan ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas sa pagka alkalde ng lungsod na si Atty. Alex Lopez ang mga Manilenyo na makilahok sa rally. Hiniling ni Mayor Alex ang suporta ng lahat ng Manilenyo para sa pagbabalik ng tinaguriang Tigre ng Norte na si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Mayor Inday Sara na Agila naman ng Davao. Magsisilbing host sa…
Read MoreKunwari’y nasunugan sa Valenzuela PUBLIKO PINAG-IINGAT SA MANGGAGANTSO
PINAG-IINGAT ang publiko sa pagbibigay ng donasyon o ano mang tulong sa nagsasabing mga biktima sila ng sunog sa Dulong Tangke, Valenzuela City. Ayon sa Pamahalaang Lungsod, ito ay sa dahilang maging ito ay napasok na rin ng mga manggagantsong labis na mapagsamantala, na pati ang pagdurusa ng mga nasunugan ay hindi pinatawad. Dagdag ng City Hall, para makasiguro ay maaaring magpaabot ng ‘in-kind donations’ sa City Social Welfare and Development Office na matatagpuan sa Valenzuela City ALERT Center. Para naman sa cash donation ay maaaring magdonasyon sa City Treasurer’s…
Read MoreNO. 10 MOST WANTED NG NPD TIMBOG SA CALOOCAN
ARESTADO ang ikasampu sa talaan ng most wanted persons ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City. Nasakote ang suspek na si John Michael De Jesus, 25, residente ng Barangay 28, Dagat-dagatan, ng lungsod, dakong alas-5:15 ng hapon noong Abril 20 sa Pamasawata, C3 Road, Barangay 28, Dagat-Dagatan. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted homicide na inisyu ng Malabon Regional Trial Court Branch 120. Inirekomenda ng korte na makapaglagak ng piyansang P36,000 ang suspek para sa pansamantala niyang kalayaan. (ALAIN AJERO) 104
Read MoreVLOGGER INIREKLAMO NG CYBER LIBEL
ISANG vlogger na si Niño Barzaga, alyas “Boy Mura” at iba pa ang inireklamo ng cyber libel sa National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod ng Quezon. Ayon sa salaysay ng complainant na si Emmanuel Doctor Plaza, isang Filipino Chinese at residente ng Sto. Cristo St., Binondo, Manila, bandang alas-2:00 ng hapon noong Abril 5 nang ipalabas sa social media ni Barzaga na ang mga vendor ay paaalisin na sa Divisoria mall dahil umano’y ibinenta na ito sa halagang P15 bilyon. Sinabihan din umano ito ni Barzaga na may puwesto…
Read MoreAGATON DEATH TOLL: 224
UMABOT na sa 224 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao matapos madagdagan ng 46 ang mga bangkay na nakuha ng iba’t ibang search and retrieval teams. Ang Region 8 ang may pinakamalaking bilang ng mga namatay na umabot na ngayon sa 202, habang sa Region 6 ay may naitalang 17, at sa Region 7 ay may dalawang namatay. Sa inilabas na update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, may 147 pa ang nawawala dahil sa nagdaang kalamidad. Lumalabas…
Read More