Ni angel f. jose HINDI biro ang dagok na dulot ng malawakang cigarette smuggling sa hanay ng mga magsasakang Pilipino, ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos III. Kaya naman ang kanyang mungkahi sa Kamara de Representantes, mas mabigat na parusa sa mga napatunayang nagkasala sa kasong smuggling. Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, inaprubahan ang House Bill 3917 na naglalayong patawan ng parusang pagkabilanggo hanggang 40 taon ang mga smuggler na aniya’y pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka sa…
Read MoreDay: November 20, 2022
BOC, BUMIDA SA P150-M MUNTINLUPA DRUG OPS
ASAHAN ang mas marami – kung hindi man mas malaking huli kontra droga, pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kasunod ng matagumpay na anti-illegal drug operation kamakailan sa Lungsod ng Muntinlupa. Para kay Ruiz, malaking bentahe sa kampanya ng gobyerno laban sa mga sindikato sa likod ng kalakalan ng ipinagbabawal na gamot ang sabayan at sama-samang pagkilos ng kawanihang pinamumunuan, ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang katuwang na tanggapan ng pamahalaan. Katunayan aniya, ang matagumpay na P150-million drug bust sa Muntinlupa ay bunga ng palitan ng…
Read MorePUSLIT-YOSI BISTADO SA SULU, KONTRABANDO KUMPISKADO!
SANDAMAKMAK na abandonadong smuggled na sigarilyo ang sinamsam kamakailan ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang inspeksyon ng pampasaherong barkong patungo sana sa Zamboanga. Sa paunang imbestigasyon, aabot sa 10 malaking kahon na naglalaman ng 300 reams – katumbas ng halagang P210,000 – ang sinasabing inabandona ng isang pasaherong lulan ng MV Ever Queen of the Pacific na noo’y nakadaong sa Port of Siasi sa lalawigan ng Sulu. Batay sa kalatas ng PCG, nagsasagawa umano ng inspeksyon kontra droga ang mga operatiba nang hindi sinasadyang napansin ang…
Read More33 AGRI-IMPORTERS KINASUHAN SA DOJ
Nasa 33 importers na pinaniniwalaang sangkot sa malawakang pagpupuslit ng mga produktong agrikultura ang sinampahan ng Bureau of Customs (BOC) ng patong-patong na kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) kamakailan. Bukod sa mga bulilyasong importer, kabilang din sa mga inasunto ang 11 licensed customs brokers na hinihinalang kasabwat sa agri-smuggling na ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ay labis na nagpapahirap sa mga magsasakang Pilipino. Sa 33 kaso, 22 ang isinampa sa paglabag sa Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016). Sa datos ng ahensya, tinatayang aabot…
Read More24 KILO NG ALAHAS, BULILYASO SA NAIA
NANANATILING palaisipan sa Bureau of Customs (BOC) ang pagkadiskubre ng nasa P80-milyong halaga ng mga mamahaling alahas na ikinubli sa palikuran ng isang eroplano mula sa bansang Hong Kong. Ayon sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), natagpuan ang nasa 24.4 kilo ng iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas sa lumapag na commercial flight ng Philippine Airlines (Flight PR301) sa NAIA Terminal 2 nito lamang nakaraang Huwebes. Ani BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan, nakatanggap sila ng tawag mula sa Aircraft Operations Division hinggil sa umano’y natagpuang mga plastic…
Read MorePBBM AT US VP HARRIS MAGPUPULONG NGAYON
WALANG negatibong epekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang napipintong pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan. Tugon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanong kung may masamang epekto ang napipintong byahe ni Harris sa Palawan sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Dumating ng Linggo ng gabi sa Pilipinas si Harris matapos dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand. Makikipagpulong ito kay Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte ngayong Lunes bago magtungo bukas sa Palawan, itinuturing na “one of the Philippines’…
Read MoreAPEC economies hinikayat HAMON NG SERVICE SECTOR SA REHIYON SOLUSYUNAN – PBBM
(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) member economies na tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng service sector ng rehiyon partikular na ang “shipping at logistic services”. Ito kasi ani Pangulong Marcos ang nagsisilbing ‘backbone’ ng global trade at investment. Sa interbensyon ng Pangulo sa APEC Leader’s Speech and Formal Dialogue, umapela ang Chief Executive na tuldukan na ang diskriminasyon laban sa mga produkto na nagmula sa maliliit na negosyo. Nanawagan din ang Pangulo sa APEC leaders na tugunan ang climate…
Read MoreKAKULANGAN NG SENIOR CITIZENS COMMISSION BUBUSISIIN SA KAMARA
ISASAGAWA ngayong araw sa Kamara ang pagdinig sa mga pagbubunyag ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes sa mabagal na pagkilos ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). Magugunita na noong nakaraang buwan, sa kanyang privilege speech, ibinahagi ni Ordanes ang sa kanyang mga palagay ay pagkukulang at mabagal na pag-aksyon ng NCSC, na pinamumunuan ni Chairman Franklin Quijano. “Dalawang taon na ang nakakalipas nang mabuo ang NCSC ngunit wala pa rin nangyayari sa dapat na paglilipat ng mga responsibilidad sa NCSC mula sa Department of Social Welfare and…
Read MoreEX-KONSEHAL NG CAMSUR, PATAY SA AMBUSH
CAMARINES SUR – Patay ang isang dating konsehal ng bayan ng Pili sa lalawigang ito, matapos pagbabarilin sa labas mismo ng kanyang apartment sa naturang bayan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Raul Delfin Divinagracia, residente ng Barangay Cadlan, Pili. Ayon sa ulat ng Pili Municipal Police Station, dakong alas-9:00 ng gabi, kabababa lang ng biktima sa kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek. Isinugod ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam ang posibleng motibo sa krimen…
Read More