Unang taon puro band-aid solutions BONGBONG BAGSAK SA MGA EKONOMISTA

NABIGO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isakatuparan ang pagsusulong ng game-changing economic reforms sa unang taon niya sa puwesto. “Having used band-aid solutions to deal with persistent food shortages and spiraling prices,” ayon sa mga ekonomista. “Mr. Marcos is unlikely to undo decades of neglect in the agriculture sector with unsustainable policies such as food caravans for the poor and easing import restrictions, while the country faces a widening funding gap,” dagdag na pahayag ng mga ito. Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na tinitiyak ng gobyerno…

Read More

Pandodorobo sa P50-M pondo ng DOT binisto MARCOS INIPIT NI SORIANO?

MISTULANG dinorobo ang kaban ng bayan sa paggastos ng halos P50 milyon para sa kontrobersyal na tourism campaign ng gobyerno na “Love the Philippines”. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, sa manipulasyon umano ni Paul Soriano ay mistulang naipit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya lumusot ang palpak na tourism slogan. Si Soriano ay pamangkin ni First Lady Liza. Inaanak din ni Marcos sa kasal ang mag-asawang Paul at Toni Gonzaga. Sa Facebook post ng media influencer na si Sass Sasot, binuking nito na apat sa mga ipinakitang video clip…

Read More

Mga kakumpetensya pinahuhuli EX-COMELEC OFFICIAL, GABINETE NI BBM NASA LIKOD NG POGO RAID

KUMPETISYON sa negosyo ang tunay na motibo sa likod ng pagsalakay sa POGO hub sa Las Piñas City noong isang linggo kung saan may mga nasugatan umanong dayuhan. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, ayaw ng isang dating mataas na opisyal ng Comelec, isang gabinete ng Marcos administration at business partner ng mga ito na nagngangalang “Robert” na maapektuhan ang kanilang POGO operations kaya nila pinahuli ang kanilang mga kakumpetensya. Ayon pa sa impormante, ang POGO operations ng mga nabanggit ay matatagpuan sa isang gusali sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.…

Read More

OBRERO PATULOY NA MAGDURUSA SA MARCOS ADMIN

WALANG nakikitang pagbabago sa buhay ng mga manggagawang Pilipino lalo na sa pribadong sektor sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Deklarasyon ito ni dating Congressman Renato Magtubo ng Partido ng Manggagawa (PM) kaugnay ng P40 na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR). “The P40 increase in the NCR minimum wage ordered by the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) mirrors the state of poverty workers endured exactly one year after and will continue to suffer under the Marcos Jr. administration,” ani Magtubo.…

Read More

P40 WAGE INCREASE SA NCR KULANG – ACT CIS

HINDI sapat ang P40 daily wage increase ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) kumpara sa mataas na pamumuhay o “high cost of living” ngayon sa Metro Manila. Ito ang pahayag ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa isang media interview. Ani Tulfo, “kulang ang umento kasi hindi nga sasapat na pambili ng isang litro ng gasolina ang P40 kung nagmomotor yung manggagawa araw-araw”. Dagdag pa ng bagong miyembro ng ACT-CIS Party-list, “pero siyempre tinignan din siguro ng National Wage Board ang kakayahan ng mga employer kung hanggang magkano lang…

Read More

MAHARLIKA POSIBLENG MITSA NG REBOLUSYON

(BERNARD TAGUINOD) POSIBLENG maging mitsa ng rebolusyon ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) na pilit isinusubo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa sambayanang Pilipino. Ganito ang basa ni retired Col. Hector Tarrazona, Financial and Management Consultant, AIM Scholar, AIM MDM 1991 at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1968 hinggil sa Facebook (FP) post ng PMA Class 1967. “We are gearing towards a revolution.” This was an FB post yesterday of my 1967 PMA upper class. I take this comment very seriously!,” ani Tarrazona. Paglilinaw ng dating…

Read More

ROMUALDEZ: MGA BATAS NA LILIKHA NG TRABAHO, NEGOSYO INAAPURA SA KONGRESO

MINAMADALI ng Kongreso ang pagpasa ng mga batas na makalilikha ng marami pang negosyo para makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. Ito ang pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang pagpupulong. Ayon kay Speaker Romualdez, “pinapabilisan ko na ang pagpasa ng mga batas para sa mas madaling pagbubukas ng mga negosyo dito sa atin sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga “lagayan” at sangkaterbang requirements o “red tape”. “Dito nahihirapan at nate-turn off ang mga negosyante at mga mamumuhunan sa bansa,” pag-amin ni Romualdez. Ayon pa sa…

Read More

PAGPAPATUPAD NG GUN BAN NAIS BUSISIIN NI ROBIN

NAIS ni Senador Robin Padilla na busisiin sa Senado ang lohika ng pagpapatupad ng gun ban na saklaw ang mga gunowners na tumatalima sa lahat ng regulasyon para sa pagdadala ng armas. Sinabi ni Padilla na tatanungin niya ang Commission on Election kung bakit kailangang ang mga responsible gun owners ang apektado ng gun ban habang ang mga kriminal ay malayang nakakagamit nito. “Meron din isa pang hakbang tatanungin din natin bakit kapag election bakit gun ban at pinahihirapan ang mga legal gun holder pero ang mga kriminal sila ang…

Read More

MAG-ASAWANG MAYOR AT VM NG LOBO PINASASAGOT NG OMB

SA isang kalatas na may petsang Hunyo 19, 2023, inutusan ng Opisina ng Ombudsman ang mag-asawang mayor at vice mayor ng Lobo, Batangas na sina Lota Manalo at Gaudioso Manalo na sagutin ang reklamo ng isang korporasyon hinggil sa diumano’y paglabag nito sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Anti-Red tape Act. Ayon sa reklamo, ang mag-asawang Manalo, kasabwat si Municipal Treasurer Leandro M. Canuel, ay patuloy na tumatangging aksyunan ang aplikasyon para sa renewal ng business permit ng kompanyang nagngangalang Efren Ramirez Construction Corporation na kailangan sa patuloy nitong…

Read More