IBINIDA NI BBM SA SONA WASAK SA BAGYONG EGAY

WINASAK ng Super Bagyong Egay ang ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na naibaba nito ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ginawa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pahayag matapos magbabala ang mga ito na inaasahang tataas ang presyo ng bigas, gulay, poultry products at iba pang uri ng pagkain dahil sa epekto ng bagyo, hindi lamang sa Central at Northern Luzon kundi sa iba’t ibang dako ng bansa. “Mabilis na makakalimutan…

Read More

NFA RICE PARA SA KALAMIDAD IBINEBENTA NI BBM SA KADIWA

(BERNARD TAGUINOD) ISINIWALAT ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na mula sa buffer stock ng National Food Authority (NFA) ang bigas na ibinebenta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga Kadiwa center sa halagang P25 kada kilo. Sa kanyang contra-SONA o State of the Nation Address, sinabi ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na paglabag ito sa batas dahil ang buffer stock ng NFA ay dapat gamitin sa panahon ng kalamidad upang may makain ang mga apektadong tao. “Ang bigas na binebenta ng 25 pesos per kilo…

Read More

MABILIS NA AKSYON NG MERALCO DAPAT TULARAN NG IBANG ELECTRIC COOP

(RUDY SIM) HINDI bababa sa sampung bagyo ang nanalasa sa Pilipinas kada taon. Kalimitan, nagdudulot ito ng pagbaha sa mabababang lugar o kaya naman pagkasira ng imprastraktura depende kung gaano kalakas ang sama ng panahon. Dahil nga hindi naman bago na sa ating bansa ang pananalasa ng bagyo, hindi tuloy napigilan ni Senador Imee Marcos na maglabas ng sama ng loob sa tila kahinaan ng aksyon ng Ilocos Norte Electric Cooperative o INECO na siyang nagseserbisyo sa probinsya ng Ilocos Norte. Kabilang kasi ang Ilocos Norte sa matinding tinamaan ng…

Read More

PAUL SORIANO LIGWAK SA DOT SCANDAL

USAP-USAPAN sa social media ang paghahain ng indefinite leave ni Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications. Naniniwala ang marami na pasakalye na ito sa tuluyang pamamaalam ng direktor sa kanyang posisyon matapos ang eskandalo sa tourism campaign video ng Department of Tourism (DOT). Magugunitang, Hunyo 27 ay inilunsad ng DOT ang bagong tourism slogan ng Pilipinas na kapalit ng “It’s More Fun in the Philippines.” Sa unang pahayag, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco, P49 milyon ay ginamit para sa paglikha ng logo, pagsasagawa ng global, regional, at…

Read More

BAGYONG FALCON LALONG LUMAKAS

LUMAKAS pa ang Bagyong Falcon habang nananatili sa Philippine waters. Huli itong namataan kahapon sa layong 1,205 km sa silangan ng Central Luzon. Kumikilos ang bagyo nang pahilaga kaya hindi ito inaasahang tatama sa alinmang bahagi ng bansa. Taglay ng tropical storm Falcon ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 90 km/h. Ito na ang ika-anim na sama ng panahon na pumasok sa Philippine area of responsibility. Samantala, umabot sa P1.1 billion ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng nagdaang Bagyong Egay. Sa ulat…

Read More

GO SA DBM AT DOH: TUPARIN PANGAKO NI PBBM SA HEALTH WORKERS

PINATITIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Budget and Management (DBM) at sa Department of Health (DOH) na matutupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) Tinukoy ni Go ang mabilis na distribusyon ng risk allowances ng mga healthcare workers na naging frontliners ng kampanya kontra COVID-19 pandemic. “Bilisan po ang backlog, ibig sabihin yung mga previous years na dapat ibigay na mga risk allowance para sa mga health workers,” saad ni Go. Ipinaalala ng senador na itinaya…

Read More

KAHANDAAN NG BANSA SA EL NINO, NAIS BUSISIIN SA SENADO

NAIS busisiin ni Senador Win Gatchalian ang kahandaan ng gobyerno laban sa El Niño phenomenon na posibleng magpatuloy hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon. Sinabi ng senador na mismong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr sa kanyang ikalawang State of the Nation Address ang nagpahayag ng kahalagahan ng pagtugon sa epekto ng El Niño. Sinabi ng Pangulo sa kanyang SONA na kumikilos na ang gobyerno para labanan ito, at isa sa mga nakikitang hakbang ang pagsasagawa ng cloud seeding. Sa kanyang Senate Resolution 691, tinukoy ni Gatchalian na…

Read More

MGA SANGKOT SA LAGUNA LAKE TRAGEDY, KASUHAN AT PAPANAGUTIN

HANDA si Senate Committee on Public Services chairperson Grace Poe na ikasaa ang imbestigasyon sa paglubog ng passenger boat sa Laguna Lake na sakop ng Binangonan, Rizal. Kasabay nito, hinimok ni Poe ang Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang Maritime Industry Authority (MARINA) na huwag lamang tanggalin sa pwesto ang mga matutukoy na nagpabaya kaya nangyari ang insidente at bagkus kasuhan ang mga ito upang papanagutan ang kanilang kasalanan. “Hindi lang dapat i-relieve o paalisin sa pwesto ang mapapatunayan na may kasalan, dapat ay kasuhan. Kasi okay lang sige tanggal…

Read More

2 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA ILOILO HABANG BAGYO

DEAD on the spot sa encounter site ang dalawang hinihinalang kasapi ng communist terrorist group, matapos na makasagupa ang mga tauhan ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army nitong nakalipas na linggo sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay at ng umiiral na southwest monsoon sa Brgy. Ayabang, Leon, Iloilo. Ayon sa ulat na ipinarating kay Lieutenant General Benedict M. Arevalo PA, commander ng AFP Visayan Command, nakasagupa ng mga sundalo mula 61st IB na nasa ilalim ng 3rd Infantry Division ng Joint Task Force Spear, ang apat na miyembro…

Read More