TAIWANESE PATAY SA AMBUSH SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang Taiwanese national matapos barilin ng riding in tandem sa isang restaurant sa San Pablo City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ng San Pablo CPS, kinila ang biktimang si Hsien Chieh Chang, 63, residente ng nasabing lugar. Batay sa imbestigasyon, dakong alas -7:00 ng umaga, ang biktima ay nakatayo sa labas ng receiving area ng isang restaurant sa Brgy. Del Remedio, nang dumating ang dalawang hindi kilalang riding in tandem. Lumapit umano ang isa sa mga suspek at nagpakilalang ahente ng LPG at pinagbabaril…

Read More

DALAGA TIMBOG SA FB, GCASH SCAM

CAVITE – Arestado ang isang dalaga makaraang makagoyo ng halagang P14,500 mula sa pekeng Facebook at GCash account na kanyang nilikha, sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Allyn”, inaresto dahil sa reklamo ng biktimang si alyas “Catherine”. Ayon sa ulat ni Police Staff Master Sergeant Glen Soriano ng Silang Police Station, nag-message ang ‘tiyuhin’ ng biktima sa pamamagitan ng Facebook account at humingi ng halagang P14,500 sa pamamagitan ng GCash account. Matapos na ipadala ng biktima sa ‘tiyuhin’ ang…

Read More

3 BATA UMABSENT SA KLASE, NALUNOD

DAVAO CITY – Tatlong batang lalaki na tumakas sa klase para maligo sa ilog, ang nalunod Liloan Riverside, Purok Sunflower, Barangay Mandug, sa lungsod na ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Takie Sanico, 13; Jerick Redulla, 12, at Kian Bituin, 12-anyos. Ayon sa report, limang magkakaklase ang nagtungo sa ilog subalit apat lamang sa mga ito ang naligo. Ayon sa batang si Mark na hindi lumusong sa ilog, napansin niya na biglang lumaki at tumaas ang tubig at pagkaraan ay nakita niyang natangay ng…

Read More

‘PLAN A’ NI ROMUALDEZ VS VP INDAY SUMABLAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SABLAY ang kampo ni House Speaker Martin Romualdez dahil hindi umubra ang pinalutang na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ganito ang reaksyon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa matabang na impeachment na umugong sa Kamara. Para sa naging tagapagsalita ni dating pangulong Rodrigo Duterte, bagaman itinatanggi ni Romualdez na siya ang nasa likod ng mga pag-atake laban kay VP Duterte, hindi mapasusubalian ang impluwensya nito sa mga kapwa kongresista. “Galing po ako dyan sa House, wala pong demokrasya dyan. What the speaker says,…

Read More

PUV MODERNIZATION ISA PANG ‘BUDOL’ NG BBM ADMIN

INIHALINTULAD ng isang mambabatas sa Kamara sa Maharlika Investment Fund (MIF) ang modernisasyon ng jeepney na sapilitang isinusubo sa mga tsuper at operator. “Tulad ng Maharlika Investment Scam, isa na naman itong budol ng administrasyong Marcos Jr. para tiyakin ang kita ng mga kasosyo nitong dayuhang kapitalista na nakahandang itambak sa napakamahal na presyo ang kanilang mga “modern” jeep di umano,” ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel. Sa sandaling maisakatuparan ang Public Utility Vehicle Modernization Program, hindi na ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep ang magiging ‘hari ng kalsada’…

Read More

Hamon sa mga tutol sa pagpasok ng ICC DRUG WAR NI DUTERTE PAIMBESTIGAHAN SA DOJ

HINAMON ng Makabayan bloc ang mga tutol na pumasok ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas para mag-imbestiga sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na atasan ang Department of Justice (DOJ) na mag-imbestiga at magsampa ng kaso hindi lamang sa mga pulis kundi sa mga pasimuno nito. Ginawa ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang hamon matapos palagan ng anak ni Duterte na si Vice President Sara Duterte ang dinidinig na resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para payagan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa war…

Read More

PETISYON KONTRA GUANZON DIRINGGIN NG SC SA MARTES

MULING itinakda ng Supreme Court ang oral argument kaugnay sa petisyon ng Duterte party-list group na huwag payagan makaupo sa Kongreso si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon bilang kinatawan ng isang party-list. Sa abiso ng Korte Suprema, isasagawa ang pangalawang oral argument sa bukas, November 28, alas-2 ng hapon. Magugunitang kinuwestiyon ng Duty to Energize the Republic Through the Enlightenment of the Youth o Duterte Youth party-list ang Comelec kung bakit pinayagan si Guanzon bilang substitute nominee para sa (P3PWD) Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities. Iginiit nito…

Read More

‘ILLEGAL RECRUITER’ NATUNTON SA CORRECTIONAL

MAKARAAN ang halos walong taon, sinilbihan ng warrant of arrest ang isang 52-anyos na ginang sa kasong illegal recruitment, makaraang matunton sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City noong Biyernes ng hapon. Sa pakikipag-ugnayan ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, sa pamunuan ng jail, isinilbi ni Police Chief Master Sergeant Arnel Santos ang warrant of arrest sa suspek na kinilalang si alyas “Jessica”, residente ng Parañaque City. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, bandang alas-3:30 ng hapon nang isilbi sa suspek ang warrant of…

Read More

SENADOR GINAMIT SA PANGINGIKIL, 4 KALABOSO

APAT na indibidwal ang isinadlak sa likod ng rehas na bakal ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang madakip sa pangingikil umano ng pera gamit ang opisina ni Senador Win Gatchalian, sa Pasay City. Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang mga suspek na sina alyas “David Luis Tan”, “Engineer Maderazo”, “Dina Bartolome”, at “Ma. Luisa”, pawang mga residente ng Pasay City. Base sa ulat ng Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD), may kinalaman umano sa reclamation project ang kinasangkutang pangingikil ng mga suspek sa lungsod…

Read More