(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
SABLAY ang kampo ni House Speaker Martin Romualdez dahil hindi umubra ang pinalutang na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ganito ang reaksyon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa matabang na impeachment na umugong sa Kamara.
Para sa naging tagapagsalita ni dating pangulong Rodrigo Duterte, bagaman itinatanggi ni Romualdez na siya ang nasa likod ng mga pag-atake laban kay VP Duterte, hindi mapasusubalian ang impluwensya nito sa mga kapwa kongresista.
“Galing po ako dyan sa House, wala pong demokrasya dyan. What the speaker says, goes. Ganyan po talaga lalo na sa panahon ng budget na lahat ng congressman nakaganyan (lahad ang palad) penge, pengeng project. So ang iniisip ko kabahagi pa rin ito ng pulitika,” pahayag ni Roque sa kanyang programa sa SMNI.
Ayon pa kay Roque, tinatantiya lang ng kalaban ni VP Duterte ang umano’y pagsusulong ng impeachment complaint.
Matatandaang lumutang kamakailan na pinag-uusapan ng mga kongresista ang impeachment laban sa batang Duterte dahil sa P125 million confidential funds nito noong 2022.
Gayunman, para sa Makabayan bloc, hindi dapat malihis ang atensyon ng publiko sa impeachment dahil ang tunay na isyu ay ang P125M na ginastos ng tanggapan ng bise presidente sa loob lamang ng 11 araw.
Matatandaang binanatan kamakailan ni VP Duterte ang grupo ni Romualdez sa Kamara na nanghihikayat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan ang Pilipinas sa ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ng batang Duterte na mismong si Pangulong Marcos na ang nagsabi noon na tapos na ang pakikipag-usap sa ICC nang kumalas ang Pilipinas noong Marso 2019.
Sabi ni Duterte, dapat igalang ng mga mambabatas ang pahayag ni Pangulong Marcos na aniya’y chief architect ng foreign policy ng Pilipinas.
“Any probe conducted by the ICC would be an intrusion into our internal matters, and a threat to our sovereignty… We are done talking with the ICC. Like what we have been saying from the beginning, we will not cooperate with them in any way, shape, or form.
Matatandaang sinampahan ng kasong crime against humanity si dating Pangulong Duterte dahil nauwi na umano sa karahasan ang anti-drug war campaign.
164