BOC NEWLY APPOINTED EMPLOYEES PINANUMPA NI COMMISSIONER RUBIO

PINANGUNAHAN ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang oath-taking ceremony para sa isang grupo ng newly appointed employees sa isinagawang Monday flag raising ceremony sa OCOM grounds ng Bureau of Customs (BOC). Labinlimang indibid­wal ang inisyuhan ng promotional and original appointments para sa Customs Operations Officers at Administrative Aide positions. Ang seremonya ay isang makabuluhang hakbang sa pag-secure ng mga appointee sa pangakong dapat tuparin ang trabaho at responsibilidad na nakaatang sa kani-kanilang mga ranggo. Sa kanyang pananalita sa nasabing okasyon, binigyang-diin ni Commissioner Rubio ang mahalagang papel ng nasabing…

Read More

KASABAY ng pagdiriwang ng mundo sa International Customs Day, nagpaabot si Bureau of Customs Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, ng kanyang mainit na pagbati at pinagtibay ang port’s commitment sa tema ngayong taong selebrasyon, “Customs Enga­ging Traditional and New Partners with Purpose”. Binigyang-diin ang ang dedikasyon ng port sa pangangalaga sa ligtas at maunlad na trade environment, ini-highlight ni District Collector Atty. Morales ang kahalagahan ng kolaboras­yon, kapwa sa tradisyunal at bagong partners. “In alignment with this year’s theme, the Bureau of Customs Port…

Read More

INTER’L CARGOES HAHAWAKAN NG BOC-CDO AT ORO PORT CARGO HANDLING SERVICES INC.

TINALAKAY sa pagpupulong ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro at Oro Port Cargo Handling Services Incorporated noong Enero 31, 2024, kung paano nila paplantsahin ang paghawak sa international containerized cargoes sa Macabalan Port. Dito ay pinagpulungan na sa pagdating ng barkong MV Sheng An, ang pagdiskarga at pag-load ng international containerized shipment ay isasagawa sa Macabalan Port sa halip sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Mi­samis Oriental. Gagayahin ng BOC Cagayan de Oro at Oro Port Cargo Handling Services ang cargo handling at Customs processes ng…

Read More

P27.6-M SMUGGLED YOSI NASABAT SA BOC-ZAMBOANGA

NAHARANG ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang P400,000 halaga ng motorized wooden craft na may kargang illegally imported 482 master cases ng mga sigarilyo na tinatayang ang market value ay aabot ng P27.6 milyon, sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City, noong Enero 26, 2024. Pinangunahan ng BOC Water Patrol Division (WPD), kasama ang Enforcement and Security Service-Customs Police Division and Customs Intelligence and Investigation Service, ang maritime patrol operation na nagresulta sa pagkakahuli sa motor boat na may markang “FB JFM 2”. Sa isinagawang inspeksyon, ang watercraft,…

Read More

PAGTUTULUNGAN PARA SA KALIKASAN

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI na natin maitatanggi ang matinding epekto ng climate change hindi lamang sa Pilipinas, na alam naman natin na isa sa pinaka-vulnerable dito, kundi sa buong mundo. Maraming mga kampanyang nagsusulong ng environmental protection na pawang maganda ang mga adhikain, pero dahil sa lawak nito, hindi madali para sa marami sa atin na makilahok dito. Sino nga naman ang mag-iisip ng kalikasan kung napakarami nang personal na problema na kailangang tugunan at solusyunan? Kaya sa aking palagay, napakahalaga pa rin na hindi magsawang palaganapin ang…

Read More

BAGONG PILIPINAS, BAGONG PANGAKO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NANGAKO na naman ang Presidente. Sa ginanap na seremonyal na palay harvesting at pamamahagi ng iba’t ibang tulong sa Brgy. Mandili sa Candaba, Pampanga, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makararanas ng gutom ang mga Pinoy sa ilalim ng Bagong Pilipinas. Aniya, walang Pilipinong maiiwang gutom sa Bagong Pilipinas na isa sa mga inaasam ay mabigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka at magkaroon ng makabagong kaalaman sa agrikultura. Pinuri rin ni Marcos ang mga magsasaka sa kanilang dedikasyon, sakripisyo at pagsusumikap, na…

Read More

PULSO NG BAYAN 2024, SALAMIN NG GALING NG MIMAROPA GOVERNORS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA pagtatapos ng taong 2023, naglunsad ang Hyphothesis Philippines ng isang makabuluhang survey na naglalayong masuri ang job performance ng mga gobernador sa MIMAROPA (Mindoro [Occidental at Oriental], Marinduque, Romblon, at Palawan). Ang resulta ng “Pulso ng Bayan 2024” ay nagdudulot ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kababayan sa buong rehiyon. Ang nasabing survey ay isinagawa mula Disyembre 19, 2023, hanggang Enero 9, 2024, kung saan nakuha ang opinyon ng 10,000 respondents mula sa iba’t ibang panig ng MIMAROPA. Ipinakita ng resulta na mataas ang…

Read More

TULONG SA MAGSASAKA SERYOSOHIN

EDITORIAL NILAGDAAN ng Vietnam at Pilipinas ang rice cooperation trade agreement nang bumisita si President Ferdinand Marcos Jr. sa Vietnam kamakailan. Sa ilalim ng Rice Trade Cooperation agreement, susuplayan ng Vietnam ang Pilipinas ng 1.5 milyon hanggang 2 milyong metric tons ng bigas kada taon sa susunod na 5 taon. Ang MOU ay bilang tugon sa kakapusan ng bigas sa Pilipinas. Sa datos mula sa Department of Agriculture, may patlang na 300,000 metric tons sa pagitan ng produksyon at konsumo kung saan nasa kabuuang 13.2 milyong metric tons ang produksyon…

Read More

Apela kina Marcos at Duterte TAUMBAYAN ‘WAG IDAMAY SA AWAY

HINDI dapat idamay ng mga Duterte at Marcos ang sambayanang Pilipino sa kanilang away dahil sa kapangyarihan. Ito ang panawagan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa dalawang kampo at sa halip mag-away ay bigyang atensyon ang mga problemang kinakaharap ng mamamayan tulad ng pagtaas na presyo ng mga bilihin lalo na ang bigas. “Dinadamay pa nila ang masang Pilipino sa away nila (Marcos) sa mga Duterte para sa kapangyarihan,” pahayag ni Manuel. Ayon sa mambabatas, hindi ang Mindanaoans ang makikinabang sa plano ni Duterte na simulan ang paghiwalay ng…

Read More