Hindi man pisikal na nagkabayaran – solon PONDO NG BAYAN NAGAMIT SA PI

NANINIWALA ang ilang senador na malinaw na ang pagkakaugnay ng mga mambabatas sa People’s Initiative sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng ilang kongresista na sila ang pasimuno ng pangangalap ng lagda. Ayon kay Senador Francis Chiz Escudero, bagama’t inamin na rin ni House Speaker Martin Romualdez na nagsilbi lamang siyang facilitator, kinumpirma na rin ni Noel Oñate, lead convenor ng PIRMA na lumapit siya sa mga kongresista upang hingin ang kanilang tulong sa pangangalap ng lagda. Ipinaliwanag pa ni Escudero na bagamat walang malinaw na perang inilabas, ang pahayag…

Read More

ESPIRITU NG ‘EDSA’ PINASIGLA NG CHA-CHA

MULING ipararamdam ng sambayanang Pilipino kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang espiritu ng EDSA People Power Revolution matapos itong gisingin ng Charter change (Cha-cha). Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung sa mga nakaraang taon ay nilalangaw ang paggunita ng EDSA People Power ay asahan umano ang malakihang mobilisasyon laban sa Cha-cha sa darating na Pebrero 25. “In fact, magkakaroon ng No to Charter change Action, magkakaroon ng mobilization sa February 25 kaya inaanunsyo na po natin ito ng pagsama-sama ng iba’t ibang No to Cha-cha coalition, No…

Read More

Away sa pangunguryente ng isda 11-ANYOS SUGATAN SA PAMAMARIL

LAGUNA – Malubhang nasugatan ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos mabaril ng lalaking nakaaway ng kanyang tiyo habang patungo sa pangunguryente ng isda sa bayan ng Victoria sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Victoria Police, bandang alas-9:30 ng gabi, kasama ang biktima ng kanyang tiyong si Junmark Calapatia upang manguryente ng isda sa palayan sa Purok 1, Barangay Masapang, ngunit nadatnan ng mga ito sa lugar ang lalaki na akmang mangunguryente rin ng isda. Nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ng tiyo ng bata na…

Read More

HOLDAPER NA SAKAY NG KOTSE TINUTUGIS

CAVITE – Nakipag-ugnayan na ang Cavite Police sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng driver ng isang Honda Civic, makaraang mangholdap at tumangay ng P98,000 cash at alahas sa isang lalaki, saka kinomando ang isang L300 van na ginamit na get-away vehicle sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Felino” ng General Mariano Alvarez (GMA), Cavite habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na lulan ng isang itim na Honda Civic na may plakang UHG 756, at…

Read More

2 MAG-ASAWA PINATAY

QUEZON – Patay ang mag-asawang magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi kilalalang mga suspek sa kanilang bukid sa Brgy. Dancalan Central, sa bayan ng Guinayangan sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Kapwa may mga tama ng bala sa ulo, dibdib at iba pang bahagi ng katawan ang mag-asawa na agarang ikinamatay ng mga ito. Kinilala ng Guinayangan Police ang mga biktimang sina Randy Pedregal, 46, at Analisa, 50-anyos. Ayon sa report ng pulisya, nagkokopra ang mag-asawa sa kanilang niyugan sa may bulubunduking lugar ng Dancalan Central nang barilin ng hindi matukoy…

Read More

LOYALTY CHECK SA DAVAO REGION ITINANGGI NG AFP

ITINANGGI ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng loyalty check ang pinuno ng sandatahang lakas sa Davao region, ang lugar na pinaniniwalaang balwarte ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nabatid na nagtungo lamang sa Davao si AFP chief of Staff General Romeo Brawner para personal na silipin ang kondisyon ng nagpapatuloy na HADR operations at peace and security campaigns sa rehiyon. Kahapon ay binisita ni Brawner ang mga tropa ng Eastern Mindanao Command at 10th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Davao. Ayon kay…

Read More

PAMAMAHAGI NG LUPANG SAKAHAN SINABOTAHE – FFF

MANANATILING mailap ang pinapangarap na lupain kung patuloy na ipagkakait ng mga nakaupo sa gobyerno ang pamamahagi sa mga lupa batay sa Republic Act 6657 (Comprehensive Agrarian Reform Law). Sa kalatas, hinimok ni Federation of Free Farmers (FFF) chairman Leonardo Montemayor na ipatupad ang alituntunin sa reporma sa agraryo sa pampublikong lupain at ipamahagi ang patas na distribusyon ng lupang sinasaka. Ayon kay Montemayor, may ilang ahensya ng gobyerno ang hayagang tumataliwas sa Executive Order No. 75 na nilagdaan ng nagdaang Pangulo ng bansa sa hangaring palakasin ang produksyon ng…

Read More

DUTERTE, ALVAREZ PWEDENG KASUHAN NG SEDITION—CAMIGUIN GOV, CONG

MARIING tinutulan ni Camiguin Governor Xavier Jesus “XJ” Romualdo at amang si Rep. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo ang panukalang paghihiwalay ng Mindanao mula sa iba pang bahagi ng Pilipinas. Kasabay nito, binantaan nila sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez na maaari silang papanagutin sa kasong sedition dahil sa kanilang mga panawagan na ihiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas. Ayon sa mga Romualdo, ang panukala at mga pahayag nina Duterte at Alvarez ay malinaw na sedisyon, at labag sa 1987 Konstitusyon. Binigyang-diin ng mag-ama na ang Saligang-Batas…

Read More

“TOP GOV’T OFFICIALS UMISKOR SA RPMD’S ANNUAL REVIEW”

INILABAS ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng “Boses ng Bayan” Annual Performance Report 2023 na nagbigay ng malalim na pagsusuri sa mga pangunahing lider ng bansa na sina Pangulong Bongbong Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, Senate President Migz Zubiri at House Speaker Martin Romualdez. Ang independent at non-commissioned survey ay tumutok sa pangkalahatang persepsyon ng publiko sa indibidwal at kolektibong pagganap ng mga opisyal, kabilang ang kanilang kahusayan sa pamamahala ng bansa, pagpapatupad ng mga patakaran, at pagtupad sa kanilang mga tungkulin. Sa gabay ni…

Read More