QUIBOLOY IPAAARESTO SA PAGDEDMA SA KAMARA

MAPIPILITAN ang Kamara na maglabas ng warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy kapag hindi pa rin ito dumalo sa pagdinig ng House committee on legislative franchises hinggil sa pagpapakalat umano ng fake news ng Sonshine Media Network International (SMNI) at pagbawi sa prangkisa ng Swara Sug Media Corporation. Sa mosyon ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, vice chairman ng nasabing komite, inaprubahan ang pag-iisyu ng subpoena kay Quiboloy na siyang may-ari umano ng SMNI at gumagamit sa prangkisa ng Swara Sug. “Kung hindi pa rin siya sisipot ay…

Read More

44 KATAO PA MISSING SA DAVAO LANDSLIDE

POSIBLENG umakyat sa mahigit 50 katao ang patay sa massive landslide sa Barangay Masara, sa bayan ng Maco sa Davao de Oro dahil hindi pa natatagpuan ang 44 sa mga ito. Ayon sa local Office of Civil Defense, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang rescue Operations ng Eastern Mindanao Command katuwang ang provincial rescue teams para sa nalalabing 44 tauhan ng APEX Mining na na-trap sa nasabing landslides kung saan may dalawang bus din ang natabunan. Habang nasa pito katao ang iniulat na namatay na nakuha sa ilalim ng guho, ayon…

Read More

TANOD, 1 PA PATAY SA PAMAMARIL

PATAY ang isang lalaki at isang barangay tanod matapos barilin ng kani-kanilang kaaway sa magkahiwalay na insidente sa San Pablo City at Lipa City noong Miyerkoles. Sa San Pablo City, agad namatay ang biktimang si Junjun Salamuding, 38, nang barilin sa sa ulo at dibdib ng kanyang nakaalitan habang nakikipag-inuman sa Brgy. Sto. Anghel noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa inisyal na report ng San Pablo City police, masayang nakikipag-inuman ang biktima nang biglang dumating sa lugar ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Donald”. Agad itong lumapit sabay bunot…

Read More