P284.6-M JACKPOT NG ULTRALOTTO 6/58, NATUMBOK NG 2 MANANAYA

lotto12

INSTANT milyonaryo ang dalawang mananaya matapos mahulaan ang winning combination ng UltraLotto 6/58 sa draw noong Linggo ng gabi.

Ayon kay PCSO Vice-Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, tumama ang kombinasyong 39-37-04-11-02-09 na may kabuuang jackpot na ₱284,636,402.80.

May 19 pang mananaya ang nakakuha ng tig-₱120,000 matapos mahulaan ang limang numero.

Nabili umano ang mga masuwerteng tiket sa Castillo St., Baliwasan, Zamboanga City, at sa Romulo Highway, Poblacion Norte, Tarlac City.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Upang makuha ang premyo, kailangang dalhin ang winning ticket at dalawang balidong ID sa PCSO main office sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

(TOTO NABAJA)

4

Related posts

Leave a Comment