HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na manatiling bigilante sa gitna ng lahat ng mga hamon at oportunidad habang ang bansa ay sumusulong para sa isang mapayapa at ligtas na “Bagong Pilipinas.” “Let us remain vigilant in the face of challenges and opportunities, as we strive to build a Bagong Pilipinas where everyone can thrive and live in peace,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang change of command ceremony at retirement honors para kay Police General Benjamin Acorda Jr. Nagtapos…
Read MoreDay: April 1, 2024
SURIGAO AT OCCIDENTAL MINDORO, NIYANIG NG LINDOL
NIYANIG nitong Lunes ng umaga ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatan ng Surigao del Sur, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Natunton ang epicenter ng lindol na naganap dakong alas-5:16 nitong Lunes ng umaga, sa 08.13°N, 126.68°E – 031 km N 71° E ng munisipalidad ng Lingig. Ayon sa PHIVOLCS, 10 km ang lalim ng tectonic earthquake na nagrehistro ng Intensity V sa Hinatuan, Surigao del Sur, habang naranasan naman ang Intensity IV sa City of Bislig sa nasabing lalawigan. Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan…
Read MoreP212.5-M SHABU NASABAT SA PORT OF CLARK
UMABOT sa mahigit 31 kilo ng umano’y shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark, na sinasabing nagmula pa sa New Jersey, USA. Ayon sa ulat ng PDEA, tinatayang nagkakahalaga ng P212,500,000 ang methamphetamine hydrochloride o shabu na may kabuuang 31,250 gramo, ang kanilang nasamsam sa ikinasang anti-narcotics operation katuwang ang Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), X-ray Inspection Project (XIP), Enforcement and Security Service at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS). Nakapaloob ang nasabing droga…
Read MoreLASING NALUNOD SA DAGAT SA QUEZON
QUEZON – Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga nasawi sa pagkalunod sa lalawigan, matapos na malunod ang isang umano’y lalaking lasing sa Brgy. Sto. Niño Ajos, sa bayan ng Mulanay, noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Mulanay Police ang biktimang si Julieto Mendoza Bariata, 47-anyos. Nadiskubre ang wala nang buhay na biktima dakong alas-7:00 ng umaga noong Linggo sa dalampasigan ng Sitio Mahabang Lam-aw sa kanilang barangay. Ayon sa report, huli itong nakitang buhay noong Sabado dakong alas-5:00 ng hapon na masayang nakikipag-inuman sa kanyang mga kamag-anak habang…
Read MoreDALAGA PINIKTYURANG NALILIGO SA BANYO, BINATA KALABOSO
BATANGAS – Himas-rehas ang isang isang binata matapos na mahuli na pinipiktyuran ang isang dalaga habang naliligo sa banyo sa kanilang bahay sa Brgy. Bolbok, sa bayan ng Taal sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Kinilala ng Taal Police ang suspek na si alyas “Mike”, 26, tubong Naujan, Oriental Mindoro, at residente ng Brgy. Carsuche, Taal. Batay sa reklamo ng 20-anyos na si “Francine”, naliligo siya dakong alas-10:00 ng gabi nang mapansin ang isang cellphone na nakatutok sa kanya mula sa bintana ng banyo. Agad sumigaw ang dalaga at humingi…
Read MoreLALAKI PATAY SA SAKSAK NG EX NG KINAKASAMA
BATANGAS – Patay ang isang lalaking dadalaw sa anak ng kanyang live-in-partner matapos na saksakin ng dating mister ng kanyang kinakasama sa Barangay Colongan, sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Idineklarang dead on arrival ng doktor sa Mahal Na Virgen Maria District Hospital ang biktimang si Roberto Bostrillo, 32, taga Purok 2, Barangay Bocohan, Lucena, City. Ayon sa imbestigasyon, dadalawin ng biktima ang anak ng kanyang live-in partner na naiwan nila sa Batangas, nang makita siya ng suspek na si alyas “Leopoldo”, 50, dating mister ng…
Read MorePagkadismaya ng ilang Timorese binuking ni Atty. Topacio NBI ‘BULLY, AROGANTE’ -TL OFFICIALS
DISMAYADO ang ilang awtoridad ng Timor Leste sa inasal ng grupo ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtungo sa nasabing bansa para sana kunin si dating Negros Oriental Arnolfo “Arnie” Teves. Ibinahagi ito ni Atty. Ferdinand Topacio, lead counsel ni Teves, sa exclusive interview ng SAKSI Ngayon nitong Linggo. Nitong nakalipas na Marso 28 hanggang 30 ay nagtungo sa TL si Topacio at nakipag-ugnayan sa ilang matataas na opisyal doon na ang trabaho ay may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang kliyente. Opisyal aniya siyang tinanggap ng TL authorities…
Read MoreCHINESE MAFIA LEADER RESPONSABLE SA PEKENG PHL IDs
KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na ang apat na Chinese nationals na naaresto sa Palawan City noong Marso 19, ang nasa likod ng paglaganap ng mapanlinlang na acquired government-issued identification cards at mga dokumento. Kinilala ni BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan, Jr., ang apat na Chinese national na sina Wang Tao, Li Xiaoming, Guo Zhi Yang, at Lyu Zhiyang na naaresto sa Brgy. San Pedro sa Palawan City ng mga operatiba ng Naval Forces West, National Intelligence Coordinating Agency 4B, at Armed Forces of the Philippines. Itinuturong mastermind…
Read MoreRIDER TIMBOG SA BARIL
ISINELDA ng mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, ang isang 33-anyos lalaki dahil sa tawag ng isang concerned citizen na may dala umanong baril sa Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Mevin Florida Jr., station commander, bandang alas-10:00 ng gabi noong Linggo nang arestuhin ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Melvin” na nakumpiskahan ng isang Girsan 9mm pistola na may 16 bala, sa Barangay 116 sa Tondo. Wala namang maipakitang Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ang suspek kaya…
Read More