30 KILOS NG MARIJUANA NADISKUBRE NG BOC AT PDEA

NASA MAHIGIT 30 kilo ng high grade dried marijuana ang nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs, kasunod ng isinagawang X-Ray scanning at physical examination sa isang kahina-hinalang kargamento na naglalaman ng anim na kahon na nagmula sa Thailand. Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni Bureau of Custom Commissioner Bienvenido Rubio, siniyasat ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port, katuwang ang ilang tauhan ng PDEA, ang nasabing kontrabando. Ayon kay Customs chief Rubio, nakatanggap ng derogatory information ang kanilang…

Read More

PCG, PDEA SANIB-PWERSA KONTRA PAGPASOK NG DROGA

INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo na nakipagtulungan ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para palakasin ang depensa ng bansa laban sa pagpasok ng ilegal na droga sa malawak nitong baybayin. Nilagdaan nina PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan at PDEA Director General Undersecretary Moro Virgilio Lazo ang memorandum of agreement (MOA) sa Quezon City noong Abril 12. Sa ilalim ng kasunduan, ang dalawang ahensya ay magtutulungan kaugnay ng pagbabawal sa mga ilegal na droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na ipinuslit, dinala at inilipat…

Read More

HOODLUMS IN UNIFORM SASAMPALIN NG MAS MABIGAT NA PARUSA

MAS mabigat na parusa ang isasampal sa tinaguriang ‘hoodlums in uniform’ na makikipagsabwatan sa mga kriminal para mapawalang sala ang mga ito sa nagawang karumal-dumal na krimen. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 7971 na nag-aamyenda sa Article 19 ng Penal Code na inakda nina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan. Ipaliwanag sa nasabing panukala na ang mga awtoridad ay naatasan na proteksyunan ang taumbayan subalit may mga tiwali sa mga ito na nakikipagsabwatan sa mga kriminal para mapawalang sala ang mga…

Read More