MAG-AMA BINARIL NG EX-KAGAWAD; 6-ANYOS PATAY

PATAY ang isang 6-anyos na bata matapos pagbabarilin ng dating barangay kagawad ang mag-ama sa Silang kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Tagaytay Medical Center ang mag-amang sina alyas “Sab,” 35, caretaker, at anak nitong si alyas “Ruel,” 6, kapwa residente ng Brgy. Pasong Lanka, ngunit binawian ng buhay ang bata dahil sa tama ng bala sa ulo.

Tinutugis ngayon ang suspek na si alyas “Elpedio,” 68, residente ng Brgy. Ulat at dating barangay kagawad sa ibang barangay.

Sa ulat ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente. Nauna rito, nagtungo umano ang mag-ama sa barangay hall sa Brgy. Ulat upang magsampa ng reklamo laban sa anak ng barangay chief, ngunit nagkasundo ring ipagamot na lamang ang bata.

Habang pauwi at magkaangkas sa motorsiklo, bigla silang pinagbabaril ng suspek. Tinamaan sa kanang balikat ang ama at sa ulo naman ang bata.

Nilinaw ng pulisya na walang kaugnayan sa isinampang reklamo ang pamamaril. Patuloy ang manhunt at imbestigasyon sa kaso.

(SIGFRED ADSUARA)

4

Related posts

Leave a Comment